#TTV14

30.5K 1.5K 449
                                    

#TTV14

Gaya ng utos ng isip ko, iniwasan ko si Winchell simula nang araw na iyon. I don't think I'd be comfortable with him around again after what he said, besides I have no time for that kind of thing. Wala akong pake kung totoo o hindi, ang gusto ko lang ay peace of mind at kakumportablehan sa paligid ko.

I like Winchell as a friend only and I don't wanna add a pressure within me. Kung katotohanan man o hindi, wala akong ibang gustong gawin kundi ang iwasan siya.

Winchell:
I knew you'd do this to me. I already expected it.

Winchell:
I'm not sorry, though. Because that's what I really feel.

Nagbuntong-hininga ako, maraming mensahe si Winchell sa akin tuwing umaga hanggang gabi ay hindi nawawala ang pangalan niya sa inbox ko kahit wala akong reply ni isa.

Winchell:
You can take your time.

Habang hinahaplos ko si Hopia at nakatulala lamang sa labas ng bintana; malalim ang iniisip tungkol kay Winchell ay narinig ko ang ilang katok sa pinto.

"Buksan mo 'to at may sasabihin ako."

Kumunot ang noo ko, mapag-utos na boses ni Maricel iyon. Ano kayang kailangan niya?

Dala si Hopia ay lumapit ako sa pinto para buksan iyon, nakita ko siya agad sa tapat at may talim ang mga mata habang nakatingin sa akin. Bumaba ang tingin niya kay Hopia at nandiri ang mukha, nagtakip siya ng kamay sa ilong.

"Ang baho, ang panghe-panghe ng amoy ng mga aso!"

I didn't react, I just looked at her. Hindi mabaho si Hopia, exaggerated lang siya at ayaw talaga sa aso. Naliligo si Hopia, e. May pulbo at pabango pa.

"Magsuot ka ng maayos na damit, iyong pormal," utos niya sa akin.

Kumunot ang noo ko, pagtatanong doon.

"Isasama ka mamaya sa dinner kila Esther, sinisigurado ko lang na magmukha kang maayos mamaya pagpunta roon dahil nakakahiya na baka kung ano ang isuot mo." Umirap siya at dumiretso na ng lakad sa pasilyo.

"Hindi ako sasama," sabi ko bago siya tuluyang makalayo.

She stopped walking and faced my side again with a glare, she looked so irritated and insulted.

"Hindi iyon tanong, sasama ka at iyon ang desisyon. Don't be so full of yourself just because of the invitation, it's just Esther's favor. Ayaw naman talaga kita isama, e. Pagbibigyan ko lang ang kaibigan ko."

I inhaled and shook my head. "It's my decision, too. I don't wanna come. I'm sorry."

Her eyes widened glaringly.

"Kapag sinabi ko, sinabi ko. Hindi iyan uubra sa akin, if I need to drag you—I would. Just wear a decent dress before eight o'clock tonight."

Napabuga ako ng hininga at bigong sinarado ang pinto. I know that Papa will be there too, but I don't wanna come with them. I simply hate dinners with other people around, natatakot kasi akong mapahiya sa ibang tao at hindi imposibleng gawin ni Maricel iyon.

Tulala ako sa mga damit sa closet, hindi ko alam kung anong isusuot ko. Dress? Wala naman akong dress. Pantalon na lang siguro para disente. Napalunok ako nang tumunog ang cell phone ko, kinuha ko iyon para basahin.

Joana:
Hi, Zoia. Nakisuyo ang Mama mo sa akin na i-text ka, may sakit kasi si Angelo. Wala raw siyang pera at baka puwede raw makahiram.

Joana:
Hindi ko matiis, nakita ko kasing malala na 'yong karamdaman ni Angelo kanina. Ayaw sana kitang sabihan kaso naaawa ako sa kanila. Pasensya na.

Veiled Diaries #3: Through The VoicesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon