#TTV9

32.9K 1.5K 379
                                    

#TTV9

Chago surprisingly brought me to an abandoned park, it was an old playground with a lake on the side. Malayo mula sa kalsada ng lugar na pinuntahan namin at kakaunti lang ang nadadaan—madalas ay mga taong naglalakad pero hindi na kita mula rito dahil may mga talahib at punong nakapaligid.

"How did you know about this place?" I asked in awe while looking around.

It was so quiet and peaceful, somehow. Hindi naman nakakatakot dahil maliwanag pa ang araw sa itaas, may ilang ilaw ng poste na nakatayo malapit sa lawa kaya paniguradong may liwanag din kung magdidilim na o pundido na iyon? Abandonado na kasi ang parke.

Pinagpag niya ang upuang bato sa tabi para maupuan.

"Dito ako nagtatambay para mag-aral."

May pagkaweirdo talaga siya, buti hindi siya natatakot mag-isa rito?

Pinanuod ko siyang naupo at huminga ng malalim bago ako tinapunan ng tingin.

"Dinala lang kita rito ngayon pero huwag kang pupunta mag-isa rito," may pagkastrikto niyang sinabi.

Hindi ako nagsalita, I just sighed heavily and looked around the playground. Tiningnan ko ang tahimik na lawa, malapit sa hamba ay may mga ibong tumutuka sa lupa. Mukhang payapa sila rito kasi walang mga taong nambubulabog.

I wonder why this was abandoned? Sayang kasi, maganda naman ang puwesto at mahangin.

"Malinaw ba?" dagdag niya.

I sighed again, I didn't answer him. Naglakad ako patungo sa malapit na duyan at chineck muna kung maayos pa ang kadena noon. Umupo ako dahil kaya naman, nakaharap sa kinaroroonan ni Chago.

Pinunasan niya ang salamin at sinuot ulit iyon, nagkatinginan kami kaya nagtaas siya ng kilay.

Bagsak na bumuga ako ng hangin. The wind blew and I felt the loneliness again, I wasn't really lonely but thinking about what happened and what's been happening to my life these past days make me feel the loneliest. It's just so hard to ignore, I wanna learn how to be okay all the time even with my problems. Nagsasawa na ako sa lungkot.

"Bakit abandonado na ito?" napili kong itanong.

Maybe... I can go here sometimes.

"Pinasara dahil delikado sa mga bata." Sumulyap siya sa lawa upang ipunto iyon.

I nodded. "Bakit? May nalaglag na ba riyan?"

"May nalunod."

My eyes widened. "Talaga? Kailan pa iyon?"

"Last year..."

Suminghap ako. "Hindi ka natatakot dito mag-isa kapag nag-aaral ka?"

Baka kasi may mang trip o ano. Bukod pa roon sa kuwentong may nalunod.

"Fear is just in mind."

"Hindi naman sa multo. Sa totoong tao, malay mo..."

Naisip ko lang na marami talagang masamang tao ngayon, abandonado na ang parke at hindi malabong may mapadpad na masamang tao rito? Pero hindi rin siguro, open place ito, e. Lalaki naman si Chago, kaya niyang ipagtanggol ang sarili niya.

Kaya nga ba? E, noon nga lang nakita kong nabugbog siya parang hindi siya gumanti!

He threw me a glance. "That's why I'm telling you not to come here again."

Napatango ako. Sungit. "Hindi naman talaga, medyo nakakatakot mag-isa rito."

Hindi ko rin sure, baka kasi kailanganin ko ang lugar na 'to. Kung sakali lang naman.

Veiled Diaries #3: Through The VoicesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon