#TTV25
Chago seemed bothered as we went out of Alpha together, hindi ko maiwasang tumingin sa paligid kung bakit pero wala naman akong nakitang kakaiba. Wala naman iyong Logan o Rio, pinagkibit balikat ko iyon at maligaya na lang na sumabay sa paglalakad niya.
"Kasama ko si Winchell kanina!" sambit ko.
He looked at me calmly and nooded, gaya ng madalas gawin ay hinablot niya ang bag ko at siya ang naghawak.
"Kaso may klase siya kaya hindi mo naabutan."
"That's fine."
I nodded. "Oo nga pala, hindi muna ako pupunta sa bahay mo."
He didn't react, he just looked at me as if waiting for a reason.
"Magiging busy kasi ako, sa pag-aaral. May project."
Kahit wala, gusto ko lang dalangan iyong pagiging abala ko sa space niya. Maybe, he likes to bring his girlfriend there... or kahit hindi girlfriend kaso hindi niya magawa dahil nandoon ako palagi, I know about men's needs. Sa walong buwan na iyon, saan niya pala dinadala ang mga babae niya?
Hindi rin naman siguro siya nahihirapan, baka nga iyong babae niya pa ang nagdadala sa kanya sa kanila! Pero iba pa rin siguro kung doon sa bahay niya, mas kumportable si Chago.
He nodded simply. "Ihahatid na lang kita."
My chest tightened but I smiled anyway to make everything light within me because this pang of sadness won't help me.
Kagaya ng sinabi niya ay hinatid niya ako sa village, hindi na siya pumasok doon. Habang naglalakad ay panay ang buntong-hininga ko, parang ayaw ko iyong desisyon ko pero kailangan.
Sometimes, we really need to choose the needed than what we just want and that's for Chago that can help me to distance myself, too.
Luckily, I wasn't too dependent on Chago's house that made my three days straight without going there that week. Aiken went home on a Saturday with Xamarah, medyo naaliw ako dahil sinama nila kami ni Hopia na lumabas at mamasyal sa Tagaytay.
Xamarah is kinda popular, kabilang naman talaga siya sa mga modelong kilala pero dahil ngayon ko lang siya nakasamang lumabas sa pampublikong lugar ay ngayon ko lang din nakita kung paano siya tingnan ng ilang tao, may mga nagpapalitrato ring teenagers sa kanya.
Aiken the supportive boyfriend was willing to be the photographer of each fan with Xamarah.
"Mukhang hindi ka na pumupunta kay Ago, ah?" may panunukso sa tono ni Aiken habang naglalakad kami.
Sinimangutan ko lang siya na kinatawa niya.
"You won't ask where did I hear that?"
"Siyempre, hindi na nagsasabi si Jena?"
Iyon kasi ang mata ni Aiken sa bahay, nagsusumbong kapag lumalagpas na ako sa alas siyete ng gabi umuwi.
Humalakhak siya. "Wrong!"
"You're not making any sense!" si Xamarah. "Why don't you just tell it straight that Chicago mentioned it!?"
Kumurap-kurap ako, Aiken frowned at her irritably.
"You spoiled it, babe!"
Xamarah laughed and kissed his cheek harshly.
Hindi naman ako makabawi roon, bakit babanggitin ni Chago iyon kay Aiken?
"He mentioned it?"
Xamarah nodded. "Yup, I heard them talking! Tinanong kasi ni Aiken kung kumusta ka at 'yon ang sinagot niya, hindi ka na raw sumasama sa kanya!"