#TTV36

38.6K 1.6K 506
                                    

#TTV36

Chago's grandmother got into a comatose state for two days and passed away by cutting her life support, I let him mourn with his family and I was just waiting for him to call me and talk to me anytime he wants.

He seemed contented, he was sad and mourning but he never asked why and cried over it as if he knew what was going to happen eventually. Hindi ko naman masyadong kilala ang Lola niya pero nakakalungkot, medyo guilty rin ako dahil sa pagiging immature ko tungkol doon at hindi ko alam na ganoon na pala lang talaga kaikli ang kanyang taning.

"Nailibing na ang Lola niya kahapon," kwento ko kay Winchell na abala sa pagsuri kay Hopia.

He nodded.

"Siya 'yong nag-alaga kay Chago hanggang sa mag high school..." napalunok ako, muntikan ko na masabi iyong nagpapalit din ng pangalan niya.

Sikreto ni Chago iyon kaya hindi ko dapat ikuwento sa iba lalo na kung hindi ko pa alam kung bakit, bothered din ako roon. Seems like he's hiding himself... maybe to be safe? Or for what else? Naalala ko na naman tuloy iyong mga kapatid niya.

Winchell sighed softly and straightened up while caressing Hopia's body.

"Hopia's fine, you just need to take care of her vitamins and don't skip."

I nodded. "Thank God and thank you!"

He smiled. "Kailan daw babalik si Ago?"

"Hindi ko pa alam, ayaw kong magtanong." Umiling ako at nagbuntong-hininga.

"Good. So where are you up to?"

I shrugged. "Iuuwi si Hopia, baka sa bahay lang din muna."

He took out his car key. "Okay, hatid ko na kayo."

Nauna akong lumabas ng check up room at nakita ko ang pagkindat ng Ate niya sa counter, Winchell groaned.

"Tigilan mo nga, Ate!"

Humalakhak si Ate Precious. "Why? Masama bang kiligin sa inyong dalawa?"

"Anong nakakakilig sa ginawa namin sa loob? I checked her dog!"

"I'm just so happy seeing you with her! Huwag ka ngang mareklamo, feelings ko 'to!"

Natawa na lang ako. Mapanukso naman talaga si Ate Precious, hindi ko binibigyang malisya iyon dahil magkaibigan lang naman talaga kami ni Win at hanggang doon na lang iyon. I know that he has moved on too, what he felt for me was just infatuation.

"May boyfriend siya at kaibigan ko rin, huwag kang magbigay ng malisya kapag magkasama kami ni Zoia. Ako ang nahihiya." Ismid ni Winchell.

"Pakaarte mo naman, Winchell Pierre! Parang hindi mo nagustuhan si Zoia, ah?"

Winchell groaned and walked past me, he opened the door and demanded me to walk faster using a nod and smug face. Tatawa-tawa akong nagpaalam kay Ate Precious na humahalakhak din sa pagkapikon ng kapatid.

Normal day passed smoothly, nagsabi si Chago na uuwi na siya kagabi nang magkausap kami kaya baka anytime ay makabalik na siya.

Dahil natapos na ang exam namin ay wala na akong problema nang linggong iyon, sumama ako kila Aiken at Winchell para magpalipas ng oras sa Tagaytay. It was relaxing and while I'm looking at the view of taal in front, I remember that I puked again when I heard about Chago's Lola's death that made me nervous and think about my ill feeling.

"Can you buy a PT?" Chago asked softly.

Palakad-lakad ako, ayaw ko naman sana sabihin sa kanya kaso kausap ko siya noon at bigla lang akong tumakbo patungong banyo para magsuka kaya nalaman niya rin.

Veiled Diaries #3: Through The VoicesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon