#TTV23
That week passed and Aiken needed to go back to Manila for school, Papa was with us on the weekend and I heard that they talked about Nana Osang. It was all on Papa, hindi ko man narinig ang kanilang usapan lahat ay kita ko ang problemadong ama sa lahat ng nangyari. Sa lahat ng kagagawan ko.
Maricel's still pushing about jail, though. Galit na galit si Aiken bago siya tumulak pa-Maynila kahapon dahil sa usapan tungkol doon, wala naman akong nagawa kundi ang manahimik dahil alam ko ang kasalanan ko.
"Zoia..." Papa called gently when we had the chance to talk on Sunday morning.
I smiled slightly, guilty about everything.
He inhaled. "I got you an appointment with Dra. Ylarde."
Napakurap-kurap ako, gulat sa narinig. Aiken and Chago already advised me to see a therapist but I didn't want it and this is unexpected. Papa did not ask me if I wanted to, he just decided like this?
"I'm not sick, Papa." Tiim bagang kong sambit.
"I know. It's not a bad thing to talk." He smiled and nodded slightly while looking at me, there's a worry in his eyes. "Magtatanong lang naman siya sayo or mag-uusap kayo tungkol sa mga bagay-bagay, it won't harm you. I promise."
My heart hurt. "I don't wanna talk to a therapist, I can talk to Aiken. I don't want a doctor for this."
"Just one appointment, please, anak. It will make you feel better."
"B-Bakit, Papa? Hindi ko na uulitin iyong kay Nana Osang. Hindi na po ulit ako magiging bayolente. I'm s-sorry for what I've done, I'm already regretting it..."
Nagbuntong-hininga siya, marahan niyang hinaplos ang buhok at malungkot na ngumiti. "Please? Just one appointment, tomorrow. It won't take long."
Wala akong nasabi, tumalikod na siya at umalis. Tulala akong pumasok sa kuwarto, kinakabahan ako dahil ayaw ko talaga noon. Nakakausap ko naman sila Chago, hindi ko kailangan ng doktor para kausapin ako.
Narinig ko ang pagtatalo ni Papa at Maricel sa balkonahe nang lumabas ako pagtapos ng tanghalian, nagmadali akong bumaba kasama si Hopia para makaalis ng mansyon.
I texted Aiken that I'll go out with Hopia kahit wala siya rito ay iyon ang usapan namin, na sasabihin ko kung saan ako pupunta.
I was happily walking Hopia, bumisita kami sa pet shop at nagpalipas ng oras sa Alpha.
"Ang cute talaga ni Hopia, ang taba-taba!" sabi ni Pastel, siya iyong nagdu-duty sa Alpha tuwing umaga ngayon.
Ngumiti ako habang pinapanood siyang hinahaplos si Hopia sa lamesa.
"May Facebook ka ba, Zoia?" she asked suddenly.
"Hindi ko na nabubuksan, hindi ko kasi hilig. Bakit?"
"Wala lang, nakakalibang kasi roon. I-try mo rin, magfollow ka lang ng mga funny pages. 'Yong mga memes, nakakatawa!"
"Sige, pag-uwi ko mamaya." Ngiti ko.
Nakakatuwa kausap si Pastel, noong isang araw ko lang siya nakilala dahil sa Alpha ako nagpalipas ng araw pagtapos ng klase dahil hindi ako nire-reply-an ni Chago. Sa bahay niya kasi ako pumupunta kapag walang magawa, minsan wala siya roon kaya bumabalik ako sa park at doon niya ako naaabutan. He's usually cold and snob but he's not stopping me that made me feel free to be with him.
Bumalik si Pastel sa counter dahil may magbabayad. My cellphone vibrated on the table.
Chago:
Wala ako sa bahay, huwag kang pumunta roon.