#TTV22

32.3K 1.7K 517
                                    

#TTV22


Tahimik akong naupo sa sofa pagpasok ng bahay niya, it feels nice to be back here. Hindi maganda iyong unang pakiramdam ko nang mapunta rito dahil sa nangyari at ngayon naman ay pakiramdam kong safe dito kahit papaano.

Tahimik ang lugar dahil sa dulo na, hindi rin daanin ng mga tao at parang si Chago nga lang ang nagagawi sa bandang ito ng subdivision. Though, I guess this wasn't a part of subdivision anymore.

Nilapag niya ang mga gamit niya sa isang upuan bago ako binalingan ng seryosong mga mata, lumabi ako at nagyuko ng ulo.

I feel exposed after telling him what I've done last time, I feel kind of bad and regretful. Dapat siguro hindi ko na lang sinabi? Ngayon siguradong masama na ang tingin niya sa akin.

"What did you do?"

"I told you... I strangled her that made her lose consciousness." I sighed heavily, my hands started trembling anxiously. "I didn't mean to, I would never kill anyone. Hindi na talaga ako nakapagpigil noon, e. I just felt so violent that turned out that way."

He sucked a deep breath while listening and watching me.

"Kailan mo matutunan 'yong sinabi ko?"

Napaiwas ako ng tingin dahil hindi talaga nasagi sa isip ko iyon sa sobrang galit ko. I had been through a lot of insults and bad days because of them, couldn't I fight at least?

"Hindi ko na naisip, Chago... galit na galit lang ako, wala akong ibang maisip. I couldn't even calm my nerves that time!"

"Don't you think you need to see a therapist?"

Napalunok ako sa tanong niya. "Ayaw ko, hindi ko kailangan noon."

I don't want to talk especially to a doctor, pakiramdam ko naman noon ay sobrang lala ko na. I can still change. I can still control and collect myself. Iyon lang ang unang beses na naging bayolente ako at hindi ko na uulitin. I've learned my lessons, I don't wanna regret again for putting myself in that horrible situation.

He looked away and turned around. "Kumain ka na ba?"

"Kanina sa school," medyo kalmante kong sagot.

"I didn't see you around, pumasok ka ba sa klase?"

"Oo, hindi lang ako lumabas noong lunch break."

"Good, I thought you skipped classes again." He walked as he pulled his polo shirt from the nape to remove it. He was left with his faded jeans, naupo siya sa upuan sa dining table at tinanggal naman ang sapatos niya.

I gulped and simply looked away. I saw his cellphone lit up on the chair near me.

Unregistered Number:
Your father's searching for you. Do you wanna get caught or just go back?

My forehead wrinkled. Nasaan kaya ang Papa niya? Bakit siya hinahanap?

"How's your dog?" he asked as he walked towards the area, yumuko siya para kunin ang cell phone niya.

"Hopia's fine, nasa kuwarto lang parati."

Tumango siya, medyo kunot ang noo habang nakatingin sa kanyang cell phone at nagbabasa. Nanahimik lang ako lalo pa nang unti-unting nagbago ang ekspresyon niya na napunta sa iritasyon.

Ano kayang problema niya? Siguro iyong tungkol sa Papa niya, hindi ko pa rin mahulaan kung anong pamilya ang mayroon siya.

Suminghap siya at binulsa ang cell phone, I just realized now that he didn't wear a shirt again. He looked so fit, his body was in a well form, he's tall and masculine as if he was working out for that body. He has packs on his stomach that I didn't expect because for me; he seemed like he wouldn't care about his looks and figure.

Veiled Diaries #3: Through The VoicesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon