#TTV33
I saw him standing on the corner of the opposite street, hands in his pocket while watching me walk towards him. My heart was already twinging for some reason and I wanna cry it out but this isn't the right time to be emotional again.
Naalala ko lang iyong katrabaho niya kanina.
Did he really sit beside her? Are they usually like that in work?
Ang sakit naman.
Oo, mayroon akong mga mali at pagkukulang bilang girlfriend niya pero kahit kailan hindi ako nakipaglapit sa ibang lalaki. Wala siyang pinagselosan sa akin at ang sama sa loob noong kanina pero hindi ko alam kung bakit parang wala akong karapatan mag-inarte tungkol doon.
"Let's take a walk, baka makita tayo ng daddy o stepmother mo rito..." he said quietly. He sounds normal but I feel so guilty as if it was sarcastic.
Tumango na lang ako at naglakad na kami sa street na iyon, malamya ang bawat hakbang ko sa kirot ng pusong sumasabay sa kalamigan ng presensya niya.
"How are you feeling?" he started icily.
"A-Ayos lang naman, nakapagpahinga ako kanina."
The truth is I am not okay since I went home from the firm, maraming gumugulo sa isip ko at bahagya kong naisip iyong sitwasyon niya noong mismong itinanggi ko siya sa harapan nila Papa. Kanina parang ganoon din ang nangyari, magkaibang paraan at senaryo nga lang pero hindi niya niliwanag doon sa Vielka kung ano niya ako.
Masakit iyon, paano pa ang naramdaman niya?
He nodded slightly and I felt him gazing at me, diretso lang ang tingin ko sa daanan at kinakabahan sa maari niyang sasabihing kasunod.
Halos dalawang minuto kaming natahimik bago ako nagkaroon ng boses para unahan siya dahil mas masakit yata kung hintayin ko pa iyon.
"M-Makikipagbreak ka na ba sa akin?" marahan ko siyang inangatan ng tingin at wala pa man ay nagtutubig na ang mga mata ko. "K-Kasi selfish ako... immature at kung ano pang mali sa akin."
Mag-iisang taon na kami, dalawang linggo na lang. Hindi na siguro kami aabot doon kasi pagod na siya sa akin, sa relasyon namin. Sabagay, siya naman parati iyong nag a-adjust simula pa noon. Nakakapagod nga.
He just looked at me blankly, lalo akong kinabahan. Suminghap ako at umiwas ng tingin, malungkot na ngumiti sa kabila ng sakit sa puso.
"S-Sorry, alam ko namang marami akong pagkukulang bilang girlfriend mo. I can't even introduce you to my father because I'm scared that they might stop us, ayaw ko kasi ng epal, Ago..." I shook my head. "I wanted our relationship to stay between us, iyong walang makikialam at payapa. Sorry kung nasaktan kita... pero mahal kita, hindi ko ginawa iyon dahil kinakahiya kita o ano. I just want to keep the peace."
Tears started running out silently, huminga ako ng malalim at nagyuko ng ulo dahil mas lumalalalim ang dilim ng pagtitig niya sa akin.
"M-Maiintindihan ko kung ayaw mo na—"
"Wala namang maghihiwalay, Zoia..." putol niya sa akin.
My lips parted while tears are escaping my eyes, nilingon ko ulit siya at medyo gulat doon.
His jaw moved slightly and looked away as if he doesn't wanna see my tears.
"Hindi ako makikipaghiwalay, may sinabi ba akong ganyan? Ikaw lang naman ang nag-iisip niyan. Maybe because you're too guilty about what you did." He breathed heavily. "Hindi ako ganyang boyfriend na susukuan ka sa mababaw lang na dahilan. Matagal na dapat, Zoia. Hindi ako magsasayang ng oras sayo kung alam kong hindi ko kaya."