#TTV18

30.6K 1.4K 473
                                    

#TTV18

Lucky Spot is a bar in Tagaytay, we went there using Rafael's car. Kumpleto ang barkada nila, kasama rin ang mga boyfriends nila Olga at Thea. Sa biyahe, ako lang ang tahimik sa loob at minsang nangingisi kapag natityempuhan ko ang kanilang pinag-uusapang nakakatawa.

Nang makarating naman sa Lucky Spot ay ganoon pa rin ang sitwasyon, Olgas has a reservation for us. I was quietly sitting with them and could not feel myself in my shoes, kung ano lang ang inaabot sa akin ay siyang tanggap ko.

When I saw a twisting place as if I was so drowsy while walking into the bathroom, I realized that I must have drank a lot. Naghilamos ako sa sink at marahang inangat ang tingin sa aking repleksyon sa salamin.

I'm so ugly. My eyes have dark circles, my lips were pale and dry and my hair looked frizzy. Suminghap ako sa sariling pagkadisgusto sa itsura, I can't help but think about the reason of that old woman—why did she abandon me! I was sixteen then and even though I understood what she said that time, I am still under the heavy stone of her final decision.

I almost jumped in surprise when my phone vibrated continuously, nakita ko agad ang pangalan ni Aiken. Hinintay kong mawala bago nag airplane mode, I saw missed calls from Aiken and Winchell. May mga mensahe rin at binasa ko pero hindi sinagot.

Aiken:
Nasaan ka? Hindi ka raw nagpahatid sa bahay sabi ni Madrid.

Winchell:
Saan kayo, Zoia?

Marami pa iyon at sa numero ni Joana na sinadya kong lampasang basahin, sa huli ay nakita ko ang text ni Chago na kanina pa naman.

Chago:
Nakauwi na ako.

Chago:
Para hindi ka na magtanong.

That made me chuckle a little.

I turned my phone off and decided to locked myself in one cubicle there. Medyo maalon ang paningin ko, tinakpan ko iyong toilet bowl at doon naupo. Tinukod ang mga siko sa aking hita at tinago ang mukha sa mga palad.

I cried in silence; remembering everything happened. My heart was breaking. Pagtapos umiyak at magpalipas ng ilang minuto roon ay bumalik ako.

I found how sensual my friends are with their boyfriends now, nakakandong si Olga habang naghahalikan sila ni Polo habang si Thea at Lance naman ay nagsasayaw; dikit na dikit sa isa't isa.

The other friends were laughing their asses out while talking and drinking like thirsty animals, may mga lasing na. Halo ng mga lasing ang nasa grupo; maiingay, makukulit at may mga pagewang-gewang, iyong iba ay bagsak na.

"Zoia! Drink up!" Olga said, kakatapos lang makipaghalikan pero nakakandong pa rin kay Polo at nagbubukas na ng panibagong alak.

Tinanggap ko ang binigay niya, kanina pa siya tuwang-tuwa lalo na nang una akong makitang uminom. She giggled and went beside me, she tossed our bottles.

"Alam mo, feeling ko sobrang stressed mong tao. Hindi mo nga lang sinasabi sa akin kaya parati kitang pinipilit sumama sa amin para malibang ka," pagbubukas niya ng usapan.

"Hindi naman, ayos lang naman ako."

"Hindi ko alam kung sa pag-aaral ba 'yan, sa madastra mong salbahe o ibang bagay ba?"

Umiling ako at nginitian siya.

Ngumuso siya, mukhang may tama na siya pero hindi naman magulo. "Ang tahimik mo kasi, minsan naisip namin na iwasan ka na lang or hayaan mag-isa kasi ganoon ka naman kahit kasama kami. Feeling namin, invisible kami sayo!"

Napatitig ako sa kanya, nasaktan doon sa inamin niya. Naisip pala nila na abandonahin din ako, kung ganoon?

"Bakit hindi?" may tigas kong tanong, tinungga ko ulit ang inumin ko.

Veiled Diaries #3: Through The VoicesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon