#TTV16

29.6K 1.5K 452
                                    

#TTV16

I was crying in hopelessness while walking back and forth on a small area of shed, my hands were trembling. Ilang beses kong sinubukang tawagan si Aiken pero hindi ko talaga maabot, I couldn't feel myself for the whole time and I didn't even know how I got here.

I wanted to ask help from my friends but it's Olga's birthday and I don't wanna ruin that for my own problem, isa pa ay ayaw ko talaga ng awa dahil lalong madadagdagan iyong laman ng isip ko.

Kinagat ko ang nangangatal na labi ko at sumandal sa haligi ng shed saka tinakpan ng mga palad ang aking mukha habang umiiyak.

I need to think, I need to calm down. Damn, please.

Suminghap ako at naisipan si Cairbre pero voicemail ang bumungad sa akin, I got frustrated more and scrolled on my contacts. Kaunti lang iyon at puro pa busy, ang mga natitira na lamang na pangalan ay si Winchell at Chago.

Nasa klase si Winchell. Si Chago? Estudyante lang siya at hindi gaya ni Winchell na mayaman, hindi ako makakahiram ng pera kung sakaling kailangan. Hindi ko na alam!

I groaned and sobbed. Muli akong yumuko at pinilit mag-isip, kagat-kagat ang aking labing nanginginig. I couldn't shake the different and confusing screams in my head, it literally ached that made me flinch. I reached for my hair to pull from the roots while shaking my head.

Paano ko matutulungan si Angelo at ang Mama niyang makawala sa kulungan? Wala akong sapat na pera.

I felt someone near my left, on my peripheral vision; I saw him leaning on the slanted pole behind. Inangat ko ang tingin at nakitang si Chago iyon, umiinom ng tubig.

I gasped and straightened up, nang lingunin ko siya at nagkatinginan kami pero agad na akong lumakad sa humintong bus para makasakay patungong Malvar.

I quickly found a seat on the window side and bowed my head on the back seat in front of me, I'm trying to calm myself down. Wala akong sapat na pera pero kailangan ako ni Angelo at iyong ibang kapatid ko na naiwan marahil sa bahay.

May tumabi sa akin kaya siniksik ko ang sarili upang hindi madikitan iyon, ilang minuto akong nagpapakalma sa lagay na iyon bago ko naisipang tumunghay na lamang sa labas ng bintana.

"Saan kayo?"

Nilingon ko iyong kundoktor na huminto sa gilid at bago pa iyon matingnan ay nangunot ang noo ko sa katabi, si Chago iyon.

"Saan?" tanong niya na kinakurap ko.

"M-Malvar, po," sambit ko para sa kundoktor pero hindi naalis ang mata kay Chago.

Salubong ang kilay niya at hindi nakatingin, nag-abot siya ng isang daan sa kundoktor at nagbigay agad iyon ng tickets saka umalis.

Nakatitig lang ako at hindi pa rin makapaniwalang sumunod siya, he looked sharp as he faced me but his eyes were fixed on my lips—he brought a handkerchief onto the side of my lips and brushed it that made me flinch. Mahapdi.

Hindi ko alam na may sugat ako roon, saan ko nakuha?

Binaba niya rin agad ang kamay pagtapos noon, hindi pa rin ako tiningnan sa mga mata at sa harap tumuon habang ako ay nakatingin sa kanya.

I blinked. "W-What are you doing here?"

"Obvious ba?"

"Bakit?"

He shrugged and finally looked into my eyes, lumipat ang tingin niya sa pisngi ko.

"You usually do that? Hurt yourself physically?"

Veiled Diaries #3: Through The VoicesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon