#TTV11

31.5K 1.6K 969
                                    

#TTV11

I spent the rest of the silent hours with Chago, it was peaceful and serene that made me relax especially the hurt and mad voices in my head. Even though I hate silence, I appreciate that there was someone at the same place. It felt like he listened to the voices I wasn't voicing out.

I saw him in peripheral vision, checking his watch then he glanced at me quietly.

Nakaramdam ako ng hiya kaya huminga ako ng malalim at nilingon siya.

"Uuwi rin ako maya-maya..."

He raised a brow. "I won't leave you alone here, it's already dark."

"Uhm, puwede ka namang mauna na. Magkaiba rin naman ang daan natin."

He sighed. "Huwag na makulit..."

His voice was soothingly gentle. It was so comfortable to hear. Madalas kasi, walang pasensya ang mga tao sa akin at parating may sigaw o iritasyon sa boses.

"B-Baka kasi may gagawin ka pa, ayos na iyong sinamahan mo ako at pinakinggan."

"I have ears to listen, it's not a big deal."

Tipid na ngumiti ako. "Still, you listened. That's what I really need."

I appreciate his presence here, but I don't wanna be a bother. Ayaw pa man umuwi ay nagdesisyon lamang ako ng ilang minuto upang marelax pa ang isip.

Hindi siya sumagot.

We stayed for minutes and I decided to go back home, akala ko ay sasalungat na siya dahil magkaiba naman kami ng daan pauwi pero sorpresa ako nang makita siyang nakasunod sa paglalakad ko. Taga roon lang siya sa subdivision na iyon at ang tungo ko naman ay palabas at sa shed kung saan mag-aabang at sasakay ng jeep.

"Hindi mo na ako kailangan samahan, Chago." Harap ko sa kanya habang naglalakad sa sidewalk.

"What's with the Chago?" his brows furrowed.

Uminit ang pisngi ko, nagkibit balikat ako sa kabila ng bahagyang hiya. Ako lang siguro ang tumatawag noon sa kanya?

"Mas malapit kasi sa Chicago at mas maganda pakinggan para sa akin."

He puckered his bottom lip. "You think?"

I nodded. He rolled his eyes sluggishly.

"Okay, whatever."

Nakauwi akong safe, alas otso na iyon pero batid kong wala pa si Aiken dahil wala roon ang sasakyan niya. Namuo ang kaba sa akin habang maingat na pumasok sa mansyon, I used the back door. Naisip kong nandoon sila Tata pero mas ayos doon kaysa si Maricel ang makasalubong ko sa main door.

"Oh, nakauwi na ang malditag iyakin," pasaring ni Leng.

Sino bang hindi iiyak sa mga nararanasan ko? Siguro ang babaw ng tingin niya sa akin dahil sa pag-iyak ko pero hindi naman iyon masama dahil boses iyon ng emosyon.

"Leng!" saway ni Tata.

Medyo taranta ako sa sariling aksyon, ngumiti si Tata sa akin at tumango na tila pinapadaan na ako. Hindi ako nagsalita at tuluyang umalis.

I was so careful until I reached my room. Sinalubong ako ni Hopia roon, she looks so lonely and yet really happy to see me. I carried her onto the bed, I pet her while checking my cell phone. Hindi ko nadala iyon kanina kaya binasa ko anh mga mensahe.

Winchell:
Hey, haven't seen you today. I thought you were gonna visit the park with Hoppie?

Winchell:
Please, reply.

Veiled Diaries #3: Through The VoicesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon