#TTV4

34.7K 1.6K 716
                                    

#TTV4

"Are you happy?" Papa asked as we went inside the car.

I nodded quickly and looked at him while caressing my puppy's head.

"Thank you, Pa..."

Inaayos pa ni Manong ang mga gamit sa likuran na pinamili para sa tuta ko. Papa bought her a bed, cage, toys, vitamins and a sack of dog food. I'm so thankful, aso lang naman ang hiniling ko pero pinamili niya pa ng mga kailangan nito.

"You're welcome, huwag kang mahihiyang magsabi sa akin ng mga gusto mo. Lalo na't kaya ko namang ibigay, Zoia."

I nodded again.

"You're already nineteen, you should start processing a driver's license and a passport. Para kapag bakasyon, hindi na tayo mahihirapan magproseso. Do you have valid ID's?"

"School ID lang po ang mayroon ako."

Hindi ko naman kasi naiisip ang mga ganoon, nag-aaral pa lang naman ako at hindi kailangan ang mga iyon. Siguro pagtapos ko sa college, aasikasuhin ko ang mga iyon.

He sighed. "Okay, we'll process everything needed para makasama ka rin sa mga bakasyon ng pamilya."

I continued caressing my puppy while smiling slightly, nakikinig lang ako sa mga sinasabi ni Papa habang nasa biyahe kami pauwi. Nakakagaan ng loob, parang ang lapit-lapit ko kay Papa kahit na hindi ako nagsasalita at panay siya lang ang nagkukuwento tungkol sa trabaho at planong bakasyon pag dumating ang sembreak.

Usually, they would have a trip out of the country and being myself; I wouldn't wanna spend my vacation with them especially Maricel and Nana Osang. Kasama kasi si Nana Osang, kaya sinasadya kong magrason para maiwan sa bahay kasama sila Leng. Iyon lang ang kumportableng mga linggo ko kapag nasa bakasyon sila, wala akong insultong natatanggap at nakakakilos ng maayos.

"Anyway, Cairbre told me that you're doing chores in the house when he visited earlier. Is that true?"

Kumunot ang noo ko, hindi makaangat ng tingin kay Papa at nanatili sa aso ang atensyon ko.

"We have house helpers to do the chores, ang gagawin mo lang ay mag-aral at magpahinga. Ilang beses ko na sinasabi kay Nana Osang na huwag kang pakilusin doon," iritado niyang sinabi.

"Ayos lang naman, Papa. Hindi naman mabigat ang gawaing bahay, nabuburyo rin kasi ako kaya tumutulong ako."

Kayang-kaya ko silang ibuko tungkol doon pero ayaw kong magkaroon ng panibagong issue si Maricel sa akin, ayos lang naman tumulong doon. Ang hindi lang ayos sa akin ay iyong mga pang-iinsulto nila na nakakawalang gana kaya nakakatamad din.

"Totoo rin ba na pinagalitan ka ni Nana Osang at pinagsalitaan ng hindi maganda?"

Shit. Pati iyon dinaldal ni Cairbre?

"Hindi naman, pinagsabihan lang ako. Wala namang masama roon."

Naiinis ako, malamang kapag napagalitan si Nana Osang ay magsusumbong iyon kay Maricel at kapag wala si Papa sa bahay—ako ang mapag-iinitan. Kaya nga hindi ako nagsusumbong, madalas kasing wala si Papa kaya wala akong kakampi roon.

Somehow, I appreciate Cairbre's concerns about me. Nakakatuwa na hindi siya nakikiisa sa mga hindi makatanggap sa akin sa Lauchengco.

He sighed again, he seemed a bit doubtful. Hindi ko na dinugtungan iyon kaya nanahimik ang sasakyan, nakatulog na ang aso sa aking hita habang hinahaplos ko ang balahibo.

"Anong ipapangalan mo sa kanya, mayroon na ba?" si Papa, binuhay ulit ang usapan.

"Hopia..."

"Hopia? Paborito mo ba iyon?" kuryoso niyang tanong.

Veiled Diaries #3: Through The VoicesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon