#TTV31
A year of relationship with Chago wasn't always like butterflies and rainbows. Of course, we had arguments and fights like other couples that sometimes I wanted a break to calm my pain down. Minsan maliliit na bagay pa nga ang pinagmumulan, I know I get childish sometimes and I admit my mistakes and apologize—same as him. That's how it goes, mas madalas lang akong gumawa at mag-umpisa ng argumento kaysa sa kanya.
Lapitin siya ng babae! Iyong mga babaeng hindi pa basta-basta lang dahil mga professional sa iba't ibang larangan!
I am insecure, alright. Kasi wala pa ako sa ganoong katayuan, I am still a student and I don't even know where I really want to be.
"Alam mo ba sumabay sa aming mag lunch sa labas si Architect Salas!" banggit ng katrabaho ni Chago, si Lucio. "Well, ilang beses na. Siguro every other day!"
Kumunot ang noo ko pero tumango na lang.
"Alam mo?" may gulat niyang tanong.
I nodded even I don't really know that.
"Tumabi pa nga sa engineer mo!" dagdag niya at natatawa. "Though, medyo lumayo naman si Ago kaso kinakausap pa rin siya. Huwag mong aawayin, ah! I just informed that he's loyal! That's all!"
"Salamat." Ngumiti ako ng pilit.
He tsked. "Hindi naman maiiwasan 'yon sa trabaho. 'Tsaka 'yun nga, you know we're working under the same firm. Magkakaiba lang ng teams pero nagkikita-kita pa rin. Since you're still a kolehiyala and Ago's admirers are engineers and architects. Ingatan mo mabuti kung ayaw mong maagaw."
It was offending. I smiled. "It's okay. Nasa kanya naman 'yon kung magpapaagaw siya."
He looked amused. "Hmm, you're right! Yeah! Pero loyal naman, feeling ko."
Seriously? Ano iyon? Kahit may pampalubag loob ay hindi natabunan ang iritasyon ko sa architect na iyon. Bakit naman niya kakausapin si Chago? Ni hindi sila isang team!
"Una na ako, Zoe!" Lucio said.
Saktong lumabas si Chago ng office na kasabay iyong babaeng hindi pamilyar. She's wearing a dress with exposed cleavage, it was short but she's undeniably pretty. May ilan pang naunang lumabas doon pero hindi ko makalimutan na sila ang magkasabay at nahuli pa.
Nagpaalam agad si Lucio sa akin at kumaway habang hawak ang kape niya at nakangisi. I just nodded slightly and smiled, tumayo ako nang makalapit na si Chago at kunot ang noo na naglipat ng tingin sa akin mula kay Lucio.
"What was that?" He reached for my waist and crouched a bit to give me a kiss.
"Wala." I dodged it and walked first to exit the building.
Sumabay naman agad siya sa akin at kinuha ang bag ko sa balikat, I frowned but I let him do that.
"What is it?" he asked again. "Anong pinag-usapan niyo ni Lucio?"
I just gasped simply, naglakad lang ako hanggang sa makarating sa kanto kung saan ang sakayan ng jeep. He clung my bag on his shoulder as he held my hand, he sighed heavily when I didn't hold his hand back.
I'm just so tired of jealousy and I don't wanna admit it today, ni ayaw kong magsalita dahil gusto ko lang manahimik ang nararamdaman ko.
Imbes na jeep ay pumara siya ng taxi roon at hinila ako pasakay. Sinabi niya agad sa driver kung saan kami ibababa bago ako tuluyang hinarap.
"Anong problema?"
"Just shut up, Ago. I don't wanna talk." I looked outside the window.
"Labo mo," iritado niyang bulong. He removed his eyeglass and rubbed his eyes and massaged his nose bridge as if he was so stressed. "Tagal na, ganyan ka pa rin. Ayaw magsalita."