Veiled Diaries consist of ten stories of individual and different people, personalities, issues and struggles in life.
Reminders:
This story won't run around love and romantic scenes
Each Diary under Veiled might be triggering, malicious and dark for some readers, if you can't take to read what's in here; please, stop reading.
Also, this will surely have a lot of grammatical errors and holes. You can always correct me. Nobody's perfect.
YOU ARE BEING WARNED!
•••
#TTV
"Hindi na kita kayang pag-aralin, lumipat ka na sa Daddy mo."
Tumitig lang ako sa kanya habang lumuluha siya, hindi ko alam kung tatawanan ko ba iyon o iiyakan—kaso ayaw kong umiyak, hindi ko ugali iyon kahit anong sama ng loob ko.
"Sorry, anak. Gusto ko lang na umayos ang buhay mo, mas mabuti kung lilipat ka sa Daddy mo para kahit papaano ay mapag-aral ka niya at may marating ka sa buhay." Iyak niya at hinaplos ang buhok ko. "Pinag-aaral ko rin kasi ang dalawang bata mong kapatid, mabigat na sa amin ni Chris ang mga bayarin dito."
Marahan akong tumango at inalis ang kamay niya sa akin.
"Sige... ayos lang." Ang totoo ay nababaliw na ako sa loob-loob, wala lang akong magawa at masabi pa dahil iisa lang naman ang desisyon niya at hindi na iyon mababago.
I don't wanna be pathetic, I don't wanna beg for myself because I have two feet and two hands to work for a living. Iyon lang, hindi pa ako sigurado kung matatanggap na ako sa trabaho dahil sixteen pa lang ako.
Lalo siyang umiyak habang ako ay nag-umpisa nang mag-impake ng ilang damit ko mula sa aparador.
"Sana maintindihan mo si Mama..."
I just nodded and smiled a bit, hindi ko na inayos ang pagtutupi at basta na lang sinilid sa aking bag. My heart was already crying and I don't wanna burst into tears right here, I need to leave now or I'll freaking break down.
Mabilis akong lumabas ng silid at nagpapasalamat na wala namang ibang tao roon gaya ng mga kaibigan ng asawa niya, sinundan niya ako hanggang sa makalabas ng pintuan. Inabutan niya ako ng five hundred, tinanggap ko na lang dahil kailangan ko ng pamasahe.
This is the last time I'd accept a money from her.
"Magtext ka sa akin kapag nakarating ka na sa bahay ng Daddy mo."
Bakit pa?
Tumango lang ako. Humikbi siya at hinalikan ang pisngi ko bago ako niyakap ng mahigpit, my chest constricted so bad that I wanted to cry out loud but I didn't.
"Zoia!" iyon ang huling dinig ko sa pangalan mula sa kanyang boses at tuluyan akong tumakbo palayo.
I don't know where to go, I don't wanna go to Daddy yet. Nahihiya ako, pakiramdam ko ay wala rin akong lugar sa bahay nila ng pamilya niya. Sino nga ba kasi ako? Anak lang niya ako sa labas, kay Mama, simula't sapul ay alam ko na iyon dahil hindi naman tinago kahit kailan kaya simula nang magkaisip ako—masama na ang loob ko sa sitwasyon bilang anak na nasa sentro ng mga magulang na may kaniya-kaniyang pamilya na.
This is the usual problem of the children now, family problems. I can't still understand why am I suffering in the middle of those provider who gave me life that should be treasured but I disliked so bad.