#TTV1

61K 1.9K 392
                                    

#TTV1

Walang gana akong lumabas ng Alpha, nakaidlip ako sa isang lamesa at hindi naramdaman na oras na pala ng unang klase. Wala naman akong ganang pumasok, e. May parte sa akin na gusto kong daanan ulit ang pet shop pero siguradong masasaktan na naman ako.

Marahan kong sinipa-sipa ang tansan sa daanan habang naglalakad sa sidewalk, bagsak ang mga balikat sa kalungkutan. Paano na iyon? Wala na ang tutang parati kong tinitingnan, hindi na siguro ulit ako dadaan doon para makalimutan din.

"Zoia!"

Lumingon ako at nakita kong si Kael iyon, nakauniporme kasama ang ilang kaibigan galing sa bilyaran—iyong tambayan nila Aiken. Nakaramdam ako ng kaba nang makitang nagsikuhan iyong mga kaibigan niya na tila hinahamon si Kael habang may binubulong.

May pagod ang ngiti ni Kael sa akin at umambang lalapit pero umatras na ako kaya nahinto siya.

"Hindi ka pumasok?"

"Sumbong mo kay Aiken 'yan kapag hindi sumama sa atin," bulong ng isa.

Blangko ko silang nilapatan ng tingin.

"Hayaan niyo 'yan, bakit ba pinipilit niyo pa iyan, hindi naman ganoon kaganda para pilitin sumama sa atin."

Hindi ko iyon pinansin at nagmadaling makalayo, kahit anong iwas ko sa pag-iisip sa mga narinig ay masama pa rin ang pasok sa akin noon. Pakiramdam ko ay inapakan ako, I know that I wasn't born pretty and it was my insecurity every time I see anyone with beautiful face and adored by many.

Kaya hindi rin talaga ako naniwala kay Kael na gusto niya ako, e, pero kahit papaano ay napagaan noon ang pakiramdam ko sa hindi malamang dahilan. It was just so nice to hear but I remember the trauma he gave me before he admitted that. I just really felt nice to hear that there was someone who likes me, it excites me.

Hingal ako nang marating ang tahimik na parke malapit sa aming unibersidad, tahimik iyon dahil nasa bakuran ng simbahan at hindi puwede ang masyadong maingay kaya walang nagtatambay. Mayroong iilang tao pero mga matatanda, mayroon ding mga magkakarelasyon na roon napiling mag-date.

Olga:
Hoy, nasaan ka?

I sighed and sat down on the stone bench while typing a reply.

Ako:
Simbahan.

Olga:
Nagpaquiz si Ma'am, bakit hindi ka pumasok? Ano 'yan, tambay ka diyan?

Ako:
Papasok ako sa 2nd subject.

Olga:
Ah okay, siguraduhin mo at baka magpaquiz na naman. Sayang puntos.

Ako:
Ok.

Tinabi ko ang cell phone at pinasadahan ng tingin ang parke, namataan ko agad iyong lalaki at batang babae na bumili sa tuta kanina. Hawak ng batang babae ang tali ng tuta habang nilalakad iyon, the man was just standing and watching the kid. Siya nga iyong nag-aaral sa pribadong eskuwelahan na malapit din dito at katapad ng amin.

I couldn't help but taste the bitterness in my head and I don't wanna see them anymore, sa inis ko ay tumungo na lang ako sa simbahan at doon nagpalipas ng oras hanggang sa oras ng susunod na klase. Bago pa ako maabutan ng eksaktong oras ay naglakad na ako papuntang school, mabigat ang dibdib ko sa inis dahil hindi mawala sa isip ko na nabili na talaga iyong asong nakakapagpagaan ng loob ko tuwing nadadaanan.

Iyon na nga lang, e. Iyon na lang... nawala pa.

Magulo at maingay ang classroom nang marating ko, wala pa ang propesor kaya nakakapagharutan sila.

"Zoia!" tawag sa akin ng isa kong kaklase, nilingon ko iyon at hindi inaasahan na mayroon palang nakahandang papatid sa akin.

Natalisod ako pero agad humawak sa arm chair para maiwasan ang paglagapak sa sahig, nagtawanan ang mga nakapansin sa akin. Shiela stuck her tongue out and mouthed: stupid.

Veiled Diaries #3: Through The VoicesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon