#TTV12
Days passed by like a whirlwind, another weekend came and I was free from hurtful words of Maricel at home. So as Hopia who I was able to walk around the village. Papa went home but there was a sad announcement while we were having dinner.
Umuwi na rin si Evren kanina, noon ko lang nalaman na sa Maynila siya nakatira at nag-aaral.
"Are you sure about that, son?" Papa asked while eating quietly.
Aiken nodded. "Yes, Dad."
"When?" si Maricel.
"As soon as possible. Aayusin ko lang ang transcript ko at puwede na akong mag-enrol sa Rockwell University pagtapos."
"Ayaw mo na ba sa Sinclair?" si Papa. "How 'bout Brentdale? It's just located in Laguna..." sumulyap siya sa akin. "Iyong malapit sana."
Nagbuntong-hininga si Aiken.
"Lilipat ng agency si Xamarah sa Manila, Dad. Kaya Rockwell ang first choice ko. And I'll visit every weekend."
I suddenly felt the coldness within me. Maricel smiled at him and I couldn't look any longer because of fear. Nanginginig ang kamay kong kinuha ang baso sa gilid para makainom, dinalawang kamay ko ang hawak doon para hindi mahulog.
"Zoe, are you okay?" Aiken asked.
I nodded quickly. I could see Maricel's black shadow everywhere and it's terrifying.
"Okay, just tell me your needs..." sabi ni Papa kay Aiken.
I continued eating with the thought of last better day for me. I wanted to cry and beg him to stay here, iyong sa malapit lang sana kaso wala naman ako sa tamang lugar para pagsabihan siya ng ganoon. Buhay niya iyon at susundan niya ang girlfriend niya, sino nga ba naman ako para pagbigyan niya sa hiling?
The dinner ended, tulala ako sa kama habang nakahiga na at hindi makahanap ng antok dahil sa malalim na pag-iisip. I am already expecting and imagining how my coming days will be. Sumakit ang puso ko kasabay ng pag-iinit ng mga mata.
Alam ko naman ang rason ni Aiken pero bakit pa rin ang sumusuksok sa isip ko, bakit niya ako iiwan dito? Bakit pa siya aalis? Maybe, I'm just too scared to be alone here with these people—Maricel and Nana Osang.
Wala akong tulog na pumasok ng klase kinabukasan, Lunes iyon at alam kong aalis na ulit si Papa para sa business trip. I couldn't focus, God knows I couldn't even feel a bit comfortable because Aiken was already packing his stuff when I left the house earlier.
"Tulala sa isang sulok!" kanta ni Olga habang tumatawa.
Thea laughed and sat on Lance's lap as she glanced at me, kumurap ako at umiwas ng tingin sa kanila. Olga got a new boyfriend named Polo, like Thea and Lance—they were so affectionate in front of me kaya wala akong matingnan ng diretso sa kanila. Sanay lang ako sa kanila ni Barry noon pero ngayon ay mukhang kailangan ko ulit sanayin ang sarili sa bagong tao.
"Problema mo?" si Thea.
Sumulyap ako sa mga nobyo nila, there's no way I would tell them my problem in front of these boys. I'm afraid to be judged and I'm not comfortable exposing my situation. Pakiramdam ko ay kakaawaan lang nila ako.
Break time kaya nasa bilyaran kami at naghihintay ng oras.
"She's so weird!" Lance said, shaking his head.
Hindi ko pinansin iyon. Hindi ko naman sila close, kakapakilala lang ni Thea sa kanya at iyong Polo ay kaklase naman ni Rafael na pinakilala kay Olga.