#TTV2

41.7K 1.8K 374
                                    

#TTV2

Hindi ko sigurado pero pakiramdam ko ay palala nang palala ang mga boses na naririnig ko sa aking isip, it was everyone's voice around that always makes me feel bad. The only companion, was my own voice-asking them to calm down.

"Anton, nakakatakot na si Zoia!" iyon ang una kong narinig bago pa marating ang dining area para makita si Papa.

He's home this morning, gusto kong magpakita sa kanya dahil madalas kaming hindi nagkakasalisi sa bahay. I was always out at seven until three or five and he was busy with business trips that we barely see each other here. Nakakalungkot man ay kailangan kong tanggapin ang sitwasyong iyon.

Marahan kong sinandal ang likuran sa pader para makinig sa mga sumbong ni Maricel.

"What did you do?" Papa asked calmly.

My heart drubbed.

Maricel gasped. "Are you really assuming that it was my fault?"

"Maricel, hindi iyan ang pinapalabas ko. Gusto kong marinig kung saan nagsimula at anong nangyari."

"Napakabastos niyang sumagot sa akin at nagbanta pa tungkol sa lason! My goodness, she's so scary! Hindi na ako magtataka na isa-isa tayong lalasunin niyan!"

I gasped quietly to stop the starting irritation in my head. Parati ko siyang naririnig na nagsusumbong miski sa matandang kasambahay na panay ang kampi sa kanya kaya pinahihirapan ako sa gawain. Mali-mali naman ang sumbong ni Maricel, hindi ko maipaliwanag ang sarili ko dahil hindi ako pinakinggan kahit kailan.

Natatakot ako, ayaw kong dadating sa punto na palalayasin din ako ni Papa para maiwasan ang kaguluhan sa pamamahay nila.

"Maricel!" Papa's stern voice stopped her. "My daughter will never do that! Hindi ka naman babastusin kung hindi mo inunahan. Zoia is usually silent, kung hindi kakausapin ay hindi magsasalita. Baka naman may mali kang nasabi kaya ganoon ang nangyari."

I swallowed and exhaled my fear seconds ago. I silently thanked my father for that.

"I can't believe you! Ako pa talaga ang sasabihan mo ng ganyan, huh? Your daughter is becoming a monster here, tahimik pero nasa loob ang kulo! Salbahe siya at walang pakundangan sa pamamahay na ito! Dapat hinayaan mo na siya sa nanay niya!"

"Stop telling me what to do, this is my house and my daughter will stay here with us whether you like it or not," Papa said firmly.

Narinig ko ang iyak ni Maricel at dabog ng mga paa na papalapit, I quickly walked out of the house just to save myself from being seen.

I don't know why I feel a bit comforted after hearing Papa, he's really my companion that I don't usually see because I was blinded by the fact that everyone's hating me.

Pumasok akong magaan ang pakiramdam, I was listening the whole time to our professor's discussion in front when I felt my cell phone vibration.

Papa:
What time is your dismissal today?

Medyo sorpresa ako roon at hindi makapaniwala na makakatanggap ng mensahe sa kanya.

Ako:
5PM.

Papa:
Okay, sinusundo ka ba ng driver o sumasabay ka sa kuya mo?

Veiled Diaries #3: Through The VoicesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon