#TTV10

32K 1.7K 1K
                                    

A little favor and motivation, please share your thoughts or whatever sa comment section or kahit sa twitter lang using every chapter's hashtag so I can at least be motivated to update my works. I will appreciate that. Thanks.

#TTV10

Sa sumunod na araw ay ganoon ulit ang tagpo sa hapagkainan, Cairbre and Theodore came by to have their lunch with us. Wala si Maricel sa araw na iyon at lumabas kasama ang kanyang mga amiga. Kaninang umaga ay pumasok ako sa klase at maaga ang dismissal kapag Martes kaya nakauwi rin ako ng tanghali.

"You wanna come with us, Z?" Cairbre asked after the lunch and I was busy watching Hopia on the quiet street road in front of the mansion.

She was running back and forth, sniffing the ground and wiggling her tail as if she's so happy to be free. Natutuwa ako dahil kahit papaano ay tumaba siya kumpara noong unang kuha ko sa kanya.

"Saan?" tiningnan ko sila, naroon si Ted at Evren na nag-aabang sa sagot ko.

Nag-iisip pa rin ako, heto lang kasi ang libreng araw para mailabas ko si Hopia. Kulong na kulong siya sa kuwarto at naaawa ako.

"Just somewhere down the road." Cairbre snickered.

Pinagtawanan ni Evren iyon, mukhang magkakasundo na pala sila ng ibang Lauchengco kaso bakit parang ngayon ko lang siya nakita?

"Kayo na lang."

Sabagay, hindi pa naman mahabang taon ang ginugugol ko rito sa puder ni Papa. Marami pa akong hindi nakikilala dahil kung sino lang ang bumibisita ay iyon lang ang nakakakasalamuha ko. Madalas, pakilala pa sa akin ay muchacha.

Umirap si Cairbre. "Boring! Come on, para makita mo ang somewhere down the road!"

I chuckled.

"May gagawin ka ba?" si Ted, natatawa rin sa kapatid niya.

Tumango ako.

"Isama mo 'yong gagawin mo para walang rason! Sus, ang simple lang!"

"Let her, Cai. She might eally have something important to do today," saway ni Ted at ngumiti sa akin.

"What is it? I can do your project or homework! You're a Business Ad student, right? May napag-aralan ako sa business! It's not that hard to figure out!"

Evren was looking at me, then he shook his head before leaving us. Tiningnan niya ang mga halaman sa bakuran. Sinundan ko iyon ng tingin at narinig ko ang bahagyang tukso ni Cairbre.

"Kasama si Evren!"

Natatawa ako. "Kayo na lang. Salamat sa anyaya."

Hindi rin ako interesado kay Evren sa totoo lang. Hindi lang maalis sa isip ko ang posibilidad kung bakit siya nandito. Bakit nga kaya? Her mom seems planning something and as what I have heard, it was about some arrangements.

"Yie!" Cairbre teases more. "Tara na kasi, sama ka na? Just a little chitchat with us will do!"

Aiken just went out of the gate with furrowed brows, kasunod niya sila Tristan at Kael na nagkukuwentuhan naman tungkol sa sports car. Narito na naman ang kaba sa dibdib ko dahil sa presensya ni Kael pero hindi ko na lang pinapahalata.

I should act strong in front of him so he wouldn't take advantage again. It's a power to be untouchable.

"Where are you up to?"

"Niyaya namin si Zoia sumama, sa rest house sana. Puwede naman, 'di ba?" namamaalam na ani Cairbre nang lingunin si Aiken.

He was naturally smiling face and jolly that makes me feel comfortable, same as Ted with this good boy aura. May nakilala na rin akong pinsan nila noon sa ibang side ng kanilang pamilya; ang mga Verceles, puro palatawa at maloko naman.

Veiled Diaries #3: Through The VoicesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon