#TTV3

36.6K 1.8K 577
                                    

#TTV3

Tuwang-tuwa ako, I feel really excited while thinking about names—I should name her Hopia? For Hope. I really wanna give my pet an inspirational name. Or Saver, yes.

Papa:
We'll buy a puppy after your class tomorrow.

Iyon ang huling text ni Papa, hindi kasi ako sumagot tungkol sa breed ng aso. Nahihiya akong magsabi, alam kong mahal ang may lahing aso. Ang gusto ko lang naman ay magkaroon ng alagang aso at sa kanya na ako nagsabi dahil malamang ay kokontrahin ni Maricel kapag nagdala ako ng alaga. Kahit nga askal ay puwede sa akin, gusto ko lang ng kasama sa kuwarto dahil buryong-buryo ako mag-isa. Kulang na lang ay kausapin ang sarili ko.

Nalala ko iyong pet shop, doon na lang kaya kami bumili? Mayroon namang ibang for sale na aso roon at mukhang malusog pa.

I went home with a smile on my lips, siguradong wala pa si Papa sa bahay dahil madalas ay sa gabi na siya nakakauwi galing sa office. Si Maricel ang naabutan ko sa bakuran nang makauwi, nagdidilig siya ng mga orchids. Maingat akong pumasok sa gate at dumiretso ng lakad.

"Bastos ka talaga, ano? Hindi marunong bumati!" puna ni Maricel sa akin nang humakbang ako sa hagdanan patungong main door ng bahay.

Nasalubong ko ang matalim niyang tingin nang lingunin ko siya, tumango ako. Sa totoo lang, hindi ko alam kung anong pagbati ba ang gagawin. Hindi ko naman kasi gawain at ngayon niya lang talaga pinuna.

"Hangin ba ako, Zoia, ha? Ewan ko, pinag-aaral ka naman pero parang wala kang magandang asal sa katawan. Masyado na yatang lumalaki ang ulo mo por que pinapaboran ka ng Daddy mo!"

"Hindi, po," tahimik kong tanggi.

"Kapag napupuna ka, saka ka lang nagbibigay galang!"

Nagyuko ako ng ulo at marahang dumiretso sa pag-akyat sa hagdanan.

"Pangit ka na nga, wala pang modo! Ano na lang ang natitira sayo?"

Kinuyom ko ang kamao, hangga't maari ay ayaw kong pahabain ito kaya pasensya ko dapat ang pakalmahin ko sa pag-alis. Kailangan kong makisama sa kanya dahil nasa iisang bubong kami at ninirespeto ko ang asawa ng Papa.

"'Pag pumunta ang mga Lauchengco rito sa susunod na linggo, umalis ka muna at huwag magpakita. Nakakahiya sa kanila at hindi ka bagay makisama sa pamilya!"

My eyes heated, I quickly opened the door to go in while stopping my tears to come out. I saw Aiken with his friends including Kael at the living area that made me feel cold and numb, saglit pa akong napahinto sa tangkang pag-akyat sa enggrandeng hagdanan.

Nagtatawanan sila habang nag-uusap, maingay at lalo akong nakakaramdam ng sama ng loob. Bakit naiisip kong masaya sila dahil napagalitan ako at napagsabihan ng hindi maganda ni Maricel. The voices in my head were creating issues that I don't wanna hear but they're living within me, it's hard to stop.

"Zoia..." bati ni Aiken at tumango na may ngiti. "Late ang uwi mo, ah? Saan ka nanggaling?"

"I saw her in front of the pet shop with a med student from Sinclair!" tila sumbong ni Tristan.

"Lalaki?" si Kael, ngumuso at pinasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang sapatos.

"Oo, iyon yata 'yung may-ari ng shop! Gwapings din!"

Napalunok ako, si Aiken ay nagtaas ng kilay sa akin. Nilapag niya ang baso ng juice at nagpamaywang na tila naghahamon sa paliwanag ko.

Do I need to explain it?

Tipid akong umiling at nagpatuloy sa hagdanan.

"Is that a boyfriend, Zoe Amaia?"

"No." Iling ko.

Veiled Diaries #3: Through The VoicesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon