#TTV24
The past eight months were hard but some people who got my back made it easier for me to move, noon kasi walang ibang nakakaintindi sa akin dahil hindi ako nagsasabi at ayaw kong magsalita. Simula nang makipag-usap ako kay Dra. Ylarde ay na-realize ko na hindi naman pala masamang magsabi—na hindi masamang magsalita at magkaroon ng boses.
"So how was the talk with your therapist?" Chago asked while mopping the floor.
Napalunok ako. "Pinag-usapan namin 'yong tungkol sa bullies, I just told her what happened to my day."
"Sabi ko naman sayo, huwag mong pinapasok sa isip 'yong mga sinasabi ng bullies. Hindi sila mawawala sa paligid, just always remind yourself that they're not worth of your attention."
Ngumiwi ako. "Ang hirap kaya, kahit anong sabihin kong ganyan ang gagawin ko. Hindi ko magawa dahil ang hirap noong ilagan, at the end of the day—I still heard their hurtful words about my physical look and... my mother."
"Like?"
"Na ang pangit ko, iba ang itsura ko kay Aiken! Mga ganoong bagay, Chago." Suminghap ako at kinuha ang chichirya sa lamesa para ikain ang iritasyon ko. "And my mother was a mistress, anak ako sa labas. Paulit-ulit."
Bakit ba kasi parati akong nasasaktan ng katotohanan, bakit kahit kailan ay hindi ako nasanay?
He rolled his eyes, huminto siya sa pagma-mop at tinukod sa dulo noon ang kanyang braso habang nakatingin sa akin.
"Winchell's always telling how beautiful you are—"
"He's my friend! Hindi naman ako lalaitin noon!"
Well, he liked me. I still don't know his reason but I hope that he doesn't feel the same anymore. Lumipas na ang walong buwan at kuntento akong kaibigan ko siya, sila ni Chago...
Winchell is really good at boosting up my confidence, he always compliments me like Aiken... yes, that's the point. I have my own people around me and that's important but I am still insecure?
"Jayden has a crush on you," he stated to prove a point.
Napakurap-kurap ako, kanina ko lang iyon narinig at sabi ni Pastel ay lalo akong naging crush dahil palangiti na ako. I didn't even notice that I have a sudden smiling face.
"Yeah right." I nodded sadly. "Maybe I should accept that not everyone will really like me because people have different types."
Kahit ilang beses ko talagang intindihin iyon ay pumapasok pa rin sa isip ko kung gaano ba ako kapangit para sa mata ng ibang tao. Mabuti na lang at may Winchell at Aiken sa paligid ko.
"You should." He nodded and continued mopping.
Nag-indian sit ako sa sofa at sumandal habang kumakain, pinanood ko siyang mag-mop ng sahig. We cleaned the house together, hindi iyon mabigat dahil maliit lang ang bahay at madaling ayusin.
"Alam mo kulang sayo?" aniya.
"Ano?" tamad kong tanong.
"Ako."
I tilted my head because I couldn't believe what I just heard, my heart started drubbing so fast. "H-Huh?"
Kinagat niya ang ibabang labi at ilang saglit pa ay tumawa siya pagkakita sa reaksyon ko, ilang iling na nagyayabang ang ginawa niya.
Binato ko siya ng unan. "Ang kapal mo!"
Kumakapal ang mukha ni Chago, hindi na ako natutuwa. Madalas siyang mang-inis tapos akala mo seryoso, iyon pala gusto lang ng may napapahiya.