#TTV21
"Anyway... I'm sorry," Chago's deep voice said.
Nangunot ang noo ko at nilingon siya, he's driving right now. Pagtapos namin kumain kanina ay nagyaya na siyang umalis para ihatid ako.
"Nadala lang ako ng iritasyon."
Naalala ko iyong mga sinabi niya, sa totoo lang ay dalawang bagay ang naramdaman ko roon. Masakit at may mabuti rin namang dulot, siguro kung hindi ako sanay sa pamamaraan niyang makipag-usap ay baka sobrang sineryoso iyon ng mentalidad ko. He was clearly blaming me for something I didn't expect and control to happen.
He sighed. "You were a victim, I shouldn't have blamed you for what happened. I just got so off a while back, I was out of line."
Tipid akong tumango at naintindihan siya sa bagay na iyon. Kagaya ko, nawalan din siya ng control sa sariling sinasabi at ako naman ay walang control sa inuutos ng isip ko. Parehas sa magkaibang paraan pero naiintindihan ko.
"Naiintindihan ko naman."
"Still, I'm sorry. That was foul."
I nodded again. "It's alright. Thank you rin sa pagsagip sa akin doon."
Hindi na siya nagsalita. Kahit ganoon ay hindi ako mapakali sa maraming bagay na hindi nasasagot, I'm so confused and lost about him. Para tuloy akong may kasamang anino na hindi ko makita ang mukha, si Chago iyon.
Hindi nakakapasok ang hindi kilalang sasakyan sa village at kailangan pang itawag kung sakaling bisita kaya sa kanto lang ako nagpababa kay Chago. Sa back door ako dumiretso, mabuti na lang at naabutan ko si Tata na nagtatapon ng basura.
"Wala si Ma'am Maricel, kasama iyong mga amiga niyang lumabas."
Tumango ako at sumunod sa kanya, hinawakan ko ang isang basurahan na dala niya.
"Uh, iyong payong mo..." sabi ko. "Papalitan ko na lang, naiwanan kasi sa pinuntahan ko."
"Ayos lang, hindi naman ako gaanong lumalabas." Ngumiti siya.
Pumasok na kami sa kusina, inayos niya ang basuran at tinulungan ko siyang maglagay ng plastic doon. Ilang saglit pa ay narinig ko ang pagpasok ni Nana Osang, namilog ang mga mata ko kay Tata pero simple niya akong pananliitan ng mga mata kaya umakto na lamang ako.
"Saan ka galing?" tanong ni Nana Osang bigla.
Napatuwid ako. "S-Sa itaas."
"Hindi kita nakitang bumaba! Huwag kang sinungaling! Saan ka galing at nakabihis ka pa!?" pasigaw niyang tanong.
Kumunot ang noo ko kahit kabado.
"Wala ka namang pakealam kung saan man ako galing."
Humakbang siya, nanlilisik ang mga mata.
"Hindi ko palalampasin iyan, sasabihin ko kay Ma'am Maricel! Akala mo hindi ko napapansin na inuumaga ka sa kalye, ha? Ilang beses na kitang nakita at hindi ko lang sinasabi dahil nakakalimutan ko pero mamaya sasabihin ko sa kanya!"
My chest constricted, mabilis akong lumakad para malampasan siya at makaalis na pero bago pa magawa iyon ay naramdaman ko ang pagsiko niya sa aking braso.
"Malandi ka kaya inuumaga sa kalye at tumatakas para makipaglandian! Ganyang-ganyan ang ina mo, sabik sa lalaki!"
I halted and looked at her, hindi na dapat ako gulat pero nanlalaki ang mga mata ko sa sobrang insulto. Suminghap ako at ininda iyong siko niya sa braso ko.
"Wala kang karapatang insultuhin ako sa pamamahay ng ama ko, Nana Osang!" sigaw ko sa kanya. "Isa pang marinig kong dinadawit mo ang Mama ko ay sasabihin ko kay Papa para matanggal—"