Makakauwi na rin sa wakas! Medyo grabe yung pagod ko. Kahit na taga bantay lang ako sa fanmeet kanina. Pero sulit naman. Pumasok na kami sa van pinauna ko yung boys bago ako. kasi sila yung unang baba. mas malayo pa condo ko.
''Kung inaantok ka. matulog ka na muna.'' nag alalang tanong ni Josh. Onti nalang talaga makakalimutan kong nagtratrabaho ako. katabi ko si Josh ang katabi naman ni Josh is si Stell tapos nasa backsit si Sejun at Ken, si Ken alam ko kasing gusto niya talaga sa back sit matutulog na yun
''Dumadamoves nanaman ang lolo Josh niyo'' asar ni Jah. Ito talagang dalawang to wala nang ginawa kundi bulihin si Josh. Ang cute namang mapikon ni Josh.
''Kayo nga, Kulang kayo sa pahinga, matulog na din kayo.'' sagot ni Josh sa kanila. sumandal ako sa may kinauupuan ko para mapagpahinga pati yung likod ko. kanina pa ata ako nakatayo. saludo ako sa mga naging staff nila dati. sobrang hirap pala nang trabaho nila. Kumbaga sa akin sila na yung energy ko. pawi ang pagod ko kapag nakikita ko sila.
''Kuya yuri, may madadaanan ba tayong isawan dyan? or kahit anong street foods.'' tanong ni Stell kay Kuya Yuri. Aba kakain lang kakain nanaman.
''My golly. Bwisit ka Stell, kakain lang natin kakain ka nanaman,'' sita sa kanya ni Sejun. ''Akala ko ba diet ka. Bakit kakain ka nanaman?'' pagpapatuloy pa ni Sejun.
shems nag crave na din ako nang street foods. nabuhayan ako nang dugo ah.
''Libre mo ba,'' tanong ni Josh. sa bagay, gusto ko din kumain nang street foods. tagal ko nang hindi nakakain kasi naman wala akong nakikitang mga naglalako nun malapit sa condo. dun pa sa kabilang street ang meron.
''Jah ano na. sagot mo dba?'' pangungulit ni Stell kay Jah. Ito nanaman sila, mukang si Jah ang manlilibre ah, gusto ko din kumain, tinatamad ako kumain pero gusto ko kumain.
''Oo na. Ano pa nga ba.'' iritang tonong sabi ni Jah.
''O kuya Yuri kasama ka sa libre. Punta tayo sa malapit na kwek-kwekan.'' sabi ni Stell. Si ken walang paramdam, mukang tulog na, sumilip ako sa may back sit. muka ngang tulog na. kasi naman naka cover na yung mata niya, mahinang humihilik.
''Gisingin niyo si Ken kapag nandun na, baka gutom din yan'' sabi ko sa kanila. Tinignan ni Josh si Ken at natawa, napa smirk din siya. shit ang gwapo walangya.
''Ikaw kumakain ka bang street foods?'' tanong sa akin ni Josh habang nakatitig sa akin. so sa tingin niyo paano ako makakasagot kung nakatingin siya. Ang diin nang pagkakatitig.
''Josh, wag mo akong titigan, wala namang dumi sa muka ko ano'' sita ko sa kanya. Papalamon na ako sa lupa. wala bang mang-aawat dyan. Wala talaga? Hanep tong mga to. tignan niyo ginagawa nang tropa niyo sa akin. send help!
after 10 minutes. nandito na kami. shit ang sarap hindi pa man ako nakakalabas nang van kasi nga pinauna ko sila. ako nalang ang gigising kay Ken. Sila kasi nauna na, halatang gustong gusto na kumain eh.
''Ken gising na.'' sabi ko at tinapik siya. Naalimpungatan siya at humikab.
'' nasaan tayo? wala sa condo?'' tanong pa niya. Okay mukang gusto na talaga niyang umuwi pero sadyang gusto nilang kumain, majority wins.
''Gusto daw nila kumain eh. ayan mga nagpumilit, libre naman daw ni Jah'' paliwanag ko pa.
''Sige kain din ako. chicken! asan ba si jah'' sabi niya. At bumababa na nang van.
''Ikaw kuya., anong gusto mo?'' pinuntahan ko si Kuya sa van at tinanong.
balut, fishball, kwek-kwek, ang dami! Ang sasarap. Mukang kaya pa naman nang budget ko. Nilapitan ako ni Josh at may dala siyang kwek-kwek. teka wala naman akong sinabi.
''Y/N o. kwek-kwek. hindi binayaran ni Jah yan. ako ang nagbayad niyan'' sabi niya. kinuha ko naman kaagad yung inaabot niya.
''thank you'' sabi ko. Umupo ako sa van nakabukas lang kasi. Wala na ding uupuan kasi puno na yung mga upuan sa labas. Responsibilidad ko din ang mga to kasi sikat nga, baka mamaya may makakilala. ''Bakit hindi manlang kayo nag suot nang mask?'' tanong ko sa kanila. Patay kapag may nakakilala.
''Y/N sa tingin mo ba. makakain kami nang maayos kung naka mask kami?'' asar niya. oo nga naman tanga ko sa part na yun.
''Sorry ah. Kasi baka may makakilala sa inyo, ako pa ang mapagalitan'' sabi ko. Mangongonsensya muna ako. kala niya ah
''Hindi ka mapapagalitan. kami bahala,'' paninigurado niya at sumubo nang pagkain niya. Bakit sa pagkain niya ang gwapo niya pa din. Self ano ba nagtratrabaho ka. tigilan mo muna pag iilusyon mo hayst.
''Sus. syempre ako pa rin ang hahanapin.'' singit ko pa. at kumain na din, hindi na to masarap kapag malamig na.
''Oy kayong dalawa. bakit nandyan kayo?'' sumulpot bigla sa harap namin si Stell muntik ko pang maibato ung kinakain ko sa kanya,
''Pwede bang wag kang bigla biglang sumusulpot.'' sita sa kanya ni Josh. Aba galit na galit. bakit? kasi naistorbo? chos.
''O bakit lolo josh, ano ba dapat? Josh punta ako dito ah. ganun ba? edi hindi ka na nagulat tsk,'' sagot naman ni Stell. Teka naiipit ako sa bangayan nanaman nang dalawang to.
''Alam niyo dun nalang ako muna kay Sejun.'' sabi ko at tumayo sa kinauupuan ko. ''Tapos tawagin niyo nalang ako kapag okay na kayo ah'' sabi ko at pumunta na kay Sejun
''Y/N may gusto ka pa bang kainin?'' tanong ni Sejun nang salubungin niya ako. nasa harap ko na siya ngayon.
''Wala na okay na ako. masyadong madaming ibinigay sa akin si Josh'' sabi ko pa at nginitian siya.
''Alam mo ba nahahalata ko, dinidiskartehan ka ni Josh'' sabi niya sa akin. bigla akong kinabahan. hindi pwede. hindi talaga. trabaho, hanggang doon nalang.
''Natatawa ako sayo Sejun. Impossible. pinagtritripan lang ako nun'' sabi ko pa. Kapag nagkataon na totoo to baka kailangan ko munang umiwas. hindi pwede, matatangal ako sa trabaho. isa yun sa rules. hindi ko pwedeng hayaang ung pagiging fangirl ang magtatangal sa pangarap kong trabaho.
Ang hirap naman kasing hindi mainlove. lalo na halos araw araw mo nang kasama. tapos iba talaga yung feeling eh. tapos marerealeze mo na trabaho. trabaho lang, kailangan sundin ang nakatala sa rules kasi kung hindi pwede akong matangal sa trabaho. Sayang din ang sweldo mas malaki pa kaysa sa mga napasukan ko dati. Hanggang fangirl ka na muna, wag ka nang mag exceed sa more than a fangirl.
......
Hello! For those who are reading my stories. Don't forget to vote and leave a comment for the engagement of this story!
Enjoy Reading😊
BINABASA MO ANG
My Charismatic Love ✔ [SB19 JOSH]
Fanfiction𝕊𝔹𝟙𝟡 𝕁𝕆𝕊ℍ×ℝ𝔼𝔸𝔻𝔼ℝ Being a PPOP idol is not that easy, undergoing hard training to keep their career, and one of the agreements is not having a girlfriend or dating someone during the duration of their career. What if an ordinary fangirl ju...