Ano naman kasi ang gagawin nila dito?
Kinuha ko yung walis at inangat ko lahat nang pwedeng angatin, basta walang matirang dumi sa condo ko, nakakahiya baka mamaya magkasakit pa sila dahil sa akin, Mag grocery kaya ako? wala na kasing laman ang ref ko. Sabagay, sabado naman ngayon. Alas kwatro pa naman sila pupunta eh. May malapit naman na grocery store sa amin. Mga alas dose ako maliligo para naman makapamili.
Umupo ako sa sofa at pumilas nang isang papel, isusulat ko dito yung mga dapat kong bilhin. Wala pa isang minuto, ay tapos na. Kinuha ko na yung tuwalya ko at naligo na, Tapos nag make up na din ako, simple lang para hindi ako magmukang ewan sa labas. Naglakad ako papunta sa grocery, kasi ganun lang naman kalapit, kumuha ako nang basket at kinuha ang mga kailangan ko, ito gusto ko yung pepsi. kumuha ako nang dalawang bote na 1.5 liters. pwede na siguro to, tapos..nang maglakad ako sa kabilang stall sa may bandang kaliw, may nakita akong rice cake, mura lang naman kaya naman nang budget ko. kumuha ako nang anim para may stock sa bahay ko. after nito pumunta na ako nang cashier para makapagbayad na, mag aalas onse na pala, kailangan ko pa magluto nang lunch.
''Ma'am two thousand five hundred po.'' sabi nang kahera.
''Ito po.'' sabi ko at inabot ko yung card ko. Hindi kasi ako macash na tao, feeling ko mawawala ang cash kapag yung nasa wallet ko, pero nagdadala naman ako in case of emergency.
''Salamat po.'' sabi nang kahera, ngitian ko naman at tumango. kinuha ko na yung eco bag na pinaglagyan na nung mga napamili ko. Pagkarating ko nang bahay ko, inilagay ko muna sa kusina yung mga napamili ko, at maghihilamos at magbibihis nang comfortable na damit.
Habang nagluluto ako, naisip ko na manood nalang din nang mga vlogs nila. Yung mga bago, hindi na kasi ako nakakanood kasi nga busy sa mga bagay bagay, tska isa pa yung mga vlogs na yan, nandun ako nung shinishoot. Kaya alam ko mga kalokohan nila. Chinarge ko nalang din muna yung phone ko, lowbat na kasi. nasa twenty five percent ata.
Stell Ajero is calling...
Nagring yung phone ko, iniwan ko muna yung pinakukuluan kong baboy para sa sinigang para sagutin yung tawag niya.
''Y/N! Pwede bang maaga aga akong pumunta dyan?'' bungad na tanong sa akin ni Stell. O bakit naman siya mauuna? Hindi pa niya isama yung mga kamiyembro niya.
''Ha? bakit?'' naguguluhang tanong ko. Pwede bang mamayang 4pm nalang talaga sila, Hindi pa ako ready na ipakita ang bahay ko.
''Mabagal kumilos yung mga tao dito. Ako lang naman muna, Para matulungan kita dyan.'' sabi niya. Ha? ako kailangan pang tulungan? Hindi na. Kaya ko naman sarili ko.
''Hindi na. Kaya ko naman sarili ko. Tska bahay ko naman to, kaya ko.'' giit ko.
''Eh? gusto ko na talaga mauna dyan.'' pagpupumilit niya pa.
''Hindi na. Magpahinga nalang kayo dyan. ako na lang ang mag aayos nang bahay ko para maging presintable sa inyo.'' sabi ko pa.
''Okay. 4pm nalang'' sabi ni Stell at nag end call na kaming dalawa. bakit naman kasi napaka advance ni Stell.
madali naman pala kausap.
......
Hello! For those who are reading my stories. Don't forget to vote and leave a comment for the engagement of this story!
Enjoy Reading😊
BINABASA MO ANG
My Charismatic Love ✔ [SB19 JOSH]
Hayran Kurgu𝕊𝔹𝟙𝟡 𝕁𝕆𝕊ℍ×ℝ𝔼𝔸𝔻𝔼ℝ Being a PPOP idol is not that easy, undergoing hard training to keep their career, and one of the agreements is not having a girlfriend or dating someone during the duration of their career. What if an ordinary fangirl ju...