39

123 5 0
                                    

''Josh. Y/n. after this. we need to talk.'' bumungad sa akin si Teacher Hong habang pababa kami sa backstage.  Tapos na kasi yung mall show nila. 

Mawawalan na kaya ako nang trabaho? Shit. sabi na nga ba eh, dapat talaga sinabihan ko na siya na tigilan niya na yun kalokohan na to. Kinakabahan ako shems. Ang speed pa man din nang mga fans kapag nakakuha sila nang info. 

*at the backstage*

''You have to see this.'' Sabi ni Ms Hong at ipinakita sa amin yung mga tweets na mga tinweet nang mga fans nila dahil sa sinabi ni Josh. 

''Is this true? Josh

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

''Is this true? Josh.'' Ang tanong nito. Sasagutin niya kaya? Hindi pa naman kasi totally kami, We're just sa ligawan stage. Aish, Hindi ko naman siya sinisisi sa nangyayari sa akin ngayon. 

''Yes po.'' sagot niya na napatikom nalang ako nang bibig. Hindi muna ako kinausap ni Teacher Hong yung staff na muna yung kausap namin ngayon. 

''Seryoso ka Josh? trending na kayo o'' sabi pa ni Ate Rappl. 

''Hindi naman kasalanan ni Y/N. Kasalanan ko kasi kinulit ko siya. Pero, Wala namang masama sa ginawa ko dba?'' sabi pa ni Josh. 

May masama ding epekto sa akin yung ginawa niya kanina. Pwede akong mawalan nang trabaho. 

''Alam mo ba na nakalagay sa kontrata na hindi pwede to dba? Hindi ka pwedeng makipagrelasyon o magkaroon nang ano mang koneksyon sa kanila dba?'' Paglilinaw pa ni Ate Rappl sa akin. 

''Ate Rappl. Alam ko naman po yun eh.  Pinigilan ko naman po yung sarili ko.'' Sabi ko, Hindi ko din kasi napigilan ang sarili ko na mahulog din sa idol na dapat hanggang idol at personal assistant lang, yung pagiging proffesional, Hindi ko  din nagawa yung trabaho ko nang maayos. 


''Baka pwede naman pong mapag-usapan. Hindi naman po kasalanan ni Y/N. Nakita ko po kung paano si Y/N magtrabaho. At siguro yun din ang dahilan kung bakit siya nagustuhan ni Josh.'' biglang singit ni Stell. 

Hindi kaya mas lalong lumala?

''Naiinitindihan ko yung gustong sabihin mo Stell, pero may kontrata tayo.'' Pilit pa nang isa pang Staff si Ate Ann. 

''May Kontrata po bang hindi tayo pwedeng magmahal kung sino ang gusto nating mahalin?'' Giit pa ni Pablo. ''Oo, Sabihin na nating nasa kontrata siya, pero mapipigilan ba natin yung mga puso natin na magmahal?'' sabi pa niya. 

Nakikita ko yung ibang side nang SB19. talagang ngayon, kinakampihan nila si Josh. Sa bagay may point nga naman, Sino ba naman kasing tao ang mapipigilan ang sarili niyang tamaan sa taong talagang gusto niya dba?

''Pwede bang regalo niyo na lang to sa kanila? Halata namang gusto nila yung isa't isa. Tska isa pa, alam naman namin na kahit ganyan, Hindi naman siya mapapahamak, mabait ang fans namin, matatangap nila yan.'' sabi pa ni Stell.

Pero hindi naman kasi lahat nang fans, agad agad na matatangap nang fans yun. Madami pang challenges ang tatahakin namin. 

''Hayaan nalang natin silang maging masaya, Just let this slide.'' Pagkumbinsi pa nito kay mga staff na nandito. Sakto dumating na din si Ms. Hong. 

''So. What are we going to do with this?'' tanong ni Ms Hong sa aming dalawa. Nakita ko namang nakangiti si Josh. At talagang papanindigan niya to ah. 

''Can we just let it slide? I can handle this, Just let it slide.'' Sabi pa ni Josh. Ayan nagsalita na siya. bakit kapag ang seryoso niya ang gwapo niya. 

''Okay Fine. But.. You have to explain this on twitter or any of our social media accounts about this situation.'' sabi nito. 

OMG! HINDI AKO MAWAWALAN NANG TRABAHO! 

Umalis na sila sa harap namin at ako naman tong ngintian si Josh, Niligtas niya ako mula sa pagkakatangal sa trabaho. Hindi ko mapigilan na yakapin siya. 

''Thank you talaga!'' yun nalang ang tangi kong nasabi nang yakapin ko siya. 

''Ehem, Hindi lang si Josh yung nagsalita,'' parinig ni Stell. Ay oo nga pala si Pablo at Stell pala din nagsalita kanina. Aish ang swerte ko nga naman talaga. 

''Halika na kayo dito, Group hug!'' Sabi ko at agad naman silang lumapit para yakapin ako. 

''Paano ba yan, Edi sasagutin mo na si Josh?'' sabi pa ni Ken. O bakit napunta sa topic na pagsagot? Haynako talagang mga to. 

''Soon. Ang mahalaga, nandito pa ako hindi ako matatangal sa pinakamamahal kong trabaho.'' Sabi ko at nginitian ko sila. Naramdaman ko naman na dahil si Josh kanina pa sa akin nakayakap nang mahigpit, naramdaman ko yung paghalik niya sa ulo ko ah. 

''Oy. Nandito pa kami ah.'' sabi ni Justin. ''Mamaya na kayo dyan, baka mamaya langamin pa kayo damay pa kami.'' Sabi nito at kumalas na din sila. 

''Wala bang libre dyan Josh? Baka naman gusto mong manlibre, tutal mukang araw mo ngayon.'' sabi pa ni Justin. Pinandilatan naman ito ni Josh kaya hinataw ko siya. 

''Aray ko naman.'' reklamo niya. Inakbayan naman ako ni Justin, Sumama nanaman ang tingin niya kay Justin. ''hoy akin yan. Bibitawan mo o hindi ka na sisinagan nang araw.'' banta nito na ikinatawa ko. Agad namang kumalas si Justin.

Natakot. Katakot naman magalit to. 

''Oo nga naman, Lagi nalang si Justin eh. Baka gusto mong ikaw naman, mukang nakaipon ka na.'' sabi ko 

''Kakampi niyo pala si Y/n. Hindi ko napaghandaan yun.'' sabi niya at nag smirk pa. Aish, bagay talaga sa kanya maging badboy.

.... .

Hello! For those who are reading my stories. Don't forget to vote and leave a comment for the engagement of this story!

Enjoy Reading😊


My Charismatic Love ✔ [SB19 JOSH]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon