5

182 6 0
                                    

*Samgyupsal Restourant*


"Order lang kayo

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Order lang kayo... treat yan ni Justin" sabi ni Stell. Kinuha niya ang menu at ibinigay sa akin. ''Wag na kayong mahiya. Siya naman ang manager natin today.'' 


"It's your time to pick kung anong kakainin mo" sabi nito. Kinuha ko ang inabot niyang menu.  ''Magturo ka langd yan. Hindi ka naman namin sisingilin.'' 


"Okay na ako sa oordirin ninyo. Promise kakain ko lang kasi." Sabi ko at napansin ko na sa tagal kong nakaupo dito ay kanina pala nasa tabi ko si Josh.


"Y/N, nahahalata ko. Diet ka ba? Hindi uso ang diet kapag si Justin ang nanlilibre" sabi nito. At ito nanaman siya sa pagtitig sa akin. Hindi ko na talaga kaya! Matutunaw na ako dito


"Hindi ako di----" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang bigla niyang hagutin ang menu at nagsabi nang "damihan natin ung kimchi at pork belly. At ikaw kumain ka" sabi nito, tinuro niya pa ako, at mas para akong naging kamatis nang pagkakasabi nya nun, His poiting finger just touched my nose. para bang hindi ko alam kung ano ang gusto niyang iparating pero syempre ayoko naman maging feelingera. Shit! Iba ang epekto kapag bias mo ang nandito. 


"Hindi ba celebrity kayo? Bat wala kayong dalang mask? Hindi ba kayo natatakot na may makakita sa inyo." Pag-aalala ko. ''I always see a lot of celebrities... wearing those para hindi makilala. pero kayo, bakit? hahaha or nakalimutan niyo lang.'' 


"Hmm? Shucks oo nga pala. Ken may extra ka? Ikaw Josh may extra ka?" Nababahalang sambit ni Pablo. Bahagyang natawa ako. Dahil isa akong personal assistant isa ito sa trabaho ko. ''Nawala sa isip ko eh, nandun sa work out bag ko. yung dala dala ko lagi. hayss tanga naman Pablo.'' sita niya sa sarili niya.


"Bakit ka po natatawa?" Sambit ni Ken. ''May nakakakatawa ba sa ginagawa namin?'' 


''Muka ba kaming clown? Y/N.'' sabi ni Stell at tinaasan ako nang kilay. 


"Ang cute niyo kasing lahat kapag nag-aalala. Ito o suotin niyo na baka mapagalitan pa ako" sabi ko at inabot ang face mask na naka individually pack na matagal ko nang nabili.


"You're the best talaga Y/N!" Sabi ni Justin. Oo alam ko. Actually alam ko talaga na kailangan nila nang mask. Sadyang baka lang talaga hindi sila nagdala kasi nga malapit lang yung kakainan namin.


"Always ready pala tong si Y/n eh. Kaya no wonder kung bakit ka natangap. Kasi nasa personality mo na ang maging P.A namin. The best ka talaga" sabi ni Sejun. "Hm? Bakit hindi naman nagsasalita si Josh? Wala ka bang compliment dyan?" Sabi nito. No need na noh.


"Ano ba dapat sabihin ko? Eh nasabi niyo na lahat" sabi ni Josh at yun ang ikinatawa nang lahat.


"Hindi ko naman kailangan nang compliment sa mga ginagawa ko kasi trabaho ko yun" sabi ko. ''Tska isa pa, okay lang. Haha.'' 


"Pero kahit na. Si Josh kasi bias mo. You deserve a compliment coming from him" sabi ni Ken. Aba eh hindi nila talaga titigilan si Josh


"Okay fine. Para matapos na! Thank you Y/N for being prepared." Sabi niya at kumain ng pork belly pero nagulat kami nang bigla niyang naibaba ung chopsticks kasi nga kanina pa din niluluto ung nandun


"Ayan. Ano ba kasing nangyayari sayo? Napaso ka pa okay ka lang?" Sabi ko sa kanya at inabutan siya nang tubig


"Oo okay lang ako. Kayo kasi eh" sabi niya at natawa naman ang ibang miyembro


"O bat kasalanan namin? Hindi naman kami yung kumuha ah ikaw yun" depensa ni Justin. Oo nga naman bakit naman niya sinisi kung siya yung kumuha baliw din eh

.......

Hello! For those who are reading my stories. Don't forget to vote and leave a comment for the engagement of this story!

Enjoy Reading😊

My Charismatic Love ✔ [SB19 JOSH]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon