54

113 3 0
                                    

"Doc, kailan po pwedeng magsagawa nang heart surgery?" Tanong ni Josh sa doctor ko. Nandito na kami ngayon sa clinic.

"By next month." Diretsong sagot nito sa kanya. "Kapag nasagawa na ang surgery, makakahinga ka na nang maayos Y/N." Sambit pa nito.

Sana nga...

"Ilan po ba ang percent na chances na magiging successful ang heart surgery ko?" Tanong ko kay Doc. Gusto ko na handa ako sa mga mangyayari.

"Wag kang mag alala Y/N. Mataas ang tsansa na maging successful ang heart surgery mo. Sa ngayon, magpahinga ka at magpalakas." Sambit sa akin nang doctor. Naging kampante ako sa mga narinig ko. Pero paano yan, may concert pa ang SB19 this month. Kailangan nila ako doon, Personal Assistant nila ako.

"Pwede po ba akong magtrabaho?" Tanong ko sa doctor ko.

"Y/N. Kakasabi lang na magpahinga ka eh," galit na sambit sa akin ni Josh.

"Pero kailangan niyo ako sa concert niyo next week." Giit ko pa. Kailangan nila ako doon, trabaho ko yun...

"Hindi na. Kaya naman namin Y/N." Pilit niya pa.

"Hindi naman ako mapapagod. Sasakay naman ako sa van, hindi naman ako papatakbuhin." Pilit kong paliwanag sa kanya. Pero wala, talagang pinipilit niya pa din ako na magpahinga.

"Ang kulit kulit mo talaga Y/N." Sambit niya at kinurot niya yung pisngi ko, hanep talaga tong lalaking to.

"Aray ko naman!" Reklamo kong tugon sa kanya.

"Sige na. Payagan mo na ako, Bago manlang ako operahan..." Tintry ko siyang ipapayag. Bago manlang ako operahan, gusto ko makita silang mag perform, paano kung last na pala yung performance na yun  na makikita ko sila.

"Okay sige. Basta wag mong gawin yung mga mabibigat na gawain. Kung kailangan mong tulong, tawagin mo ako." Sambit niya pa, napatalon ako sa tuwa, parang sa isang saglit, medyo nawala sa isip ko na may sakit ako. Bigla akong hiningal nanaman. Tanga mo self.

"Wag masyadong masaya, yung puso mo." Sita niya sa akin. Agad naman akong yumakap nang mahigpit sa kanya.

"Ang puso mo... baka mapagod nang sobra, mag ingat ka." Sabi niya at sinuklay yung buhok ko gamit yung kamay niya.

"Oo na..." sagot ko. Medyo malumanay, kasi masyado na akong naeexcite. Alam ko sa concert nila next week. Doon irerelease yung Hanggang sa Huli yung title nang kantang irerelease nila. Yung full version na, yung clear version. Ipapanood ata nila ung lyric video sa concert..

Habang naglalakad kami sa public. May grupo nang kababaihan na nakatingin sa amin, naka mask na kami, nakilala pa rin kami? Delikado ata ako ngayon ah.

"Josh." Binulungan ko siya.

"Hm?" Sagot naman niya.

"Sa kabila tayo dumaan."

"Bakit?"

"Feeling ko hahabulin tayo nang mga yan." Sabi ko pero hindi ko tinuro kasi naman, baka mahalata pa na lalayo kami. Takte sana hindi nila malaman kung saan ako nakatira.

"Ha? Sino?" Lutang talaga si Josh. Pati ba naman ngayon? Aish

"Yung mga babaeng nasa gilid natin." Isang grupo pa man din yun. Takte, hihingalin ako sa kakatakbo nito. Makakasama pa sa puso ko.

"Kaya mo bang tumakbo?" Tanong niya. Kung sa sitwasyon ngayon. Baka pwedeng mapagod ang puso ko kahit na saglit lang dba?

"Lakad lang tayo hanggang sa may pader na yun, tapos bubuhatin kita." Pagprepresinta niya pa. Hindi kaya doble hingal ang mangyari sa kanya? Aish, bahala na

"Hindi na. Kapag hinabol tayo, maghiwalay muna tayo nang dadaanan." Sabi ko pa. Heart, maging ready na ka. May tatakbuhan ka ngayong araw.

"Eh? Ayaw kong mawalay sayo." Nagdrama pa ang buang na to.

"Korni mo. Bahala ka kapag hinabol ka nang mga yan." Asar ko sa kanya.

"Tara pahabol na tayo." Sagot niya.

Sa sagot niya, hindi ko napigilan ang kamay ko, Nakurot ko siya.

"Aray ko naman." Reklamong giit niya. Nauna na akong maglakad sa kanya.

Masama ang mangyayari ata ngayon ah. Nakarinig pa ako nang tilian sa gilid ko. Takte, ang dami nila. Hinahabol na kami. Akala ko hindi sila lalapit.

"Sakay!" May sasakyan na pumarada sa harap namin, Ibinababa yung bintana. Si Justin ang nagmamaneho, si Ken ang kasama niya nasa harap na upuan, katabi niya.

"Dali Y/N! Josh! Sakay!" Sambit din ni Ken. Agad ko naman binuksan yung sasakyan, nang makasakay kami. Biglang humarurot si Justin. Yung mga babae, natanaw ko na nakatingin pa din sa kotse.

"Muntik na kayo doon ah." Sabi ni Justin at sumilip sa likod kung saan kami nakaupo.

"Justin, may tubig ka ba dyan?" Tanong ni Josh kay Justin. Agad namang inabot ni Justin yung tubig kay Josh, at si Josh. Binuksan niya yun at binigay sa akin. "Uminom ka." Saad niya.

"Salamat."

"Oo nga pala, Y/N. Anong sabi sayo nang doctor? Kailan gagawin ang surgery?" Tanong sa akin ni Justin.

"Sabi by next month. I think, urgent ang next month." Sagot ko sa kanya.

"Justin. Drive thru tayo. KFC madadaanan natin yun." Sabi ni Ken. Saan ba sila galing at agad agad kaming nakita nang dalawang to?

"Sige."  Sagot ni Justin.

"Justin, Ken. Saan kayo galing at nakita niyo kaming dalawa ni Josh?" Nagtatakang tanong ko sa kanila.

"May kinuha lang kami sa office." Sagot nito sa akin. "O ken. Ikaw na umorder, kayo guys? Anong gusto niyo?" Tanong ni Justin sa amin.

"Busog pa ako eh. Ice cream nalang tska fries." sagot ko.

"Chicken pops. Ayun nalang din, katulad kay Ken." Sagot ni Josh.

"Ms. Tatlong order nang chicken pops tapos sprite ang drinks, tapos dalawang order nang ice cream tska fries, apat. Yun lang thank you!" Sabi ni Ken sa machine na nasa may drive thru.

Nasa dulo na kami, inabot sa amin yung mga pinag oorder namin. Kinuha ko naman yung fries ko at ice cream. Favourite ko yung combination nang dalawang to,

"Anong lasa niyan?" Nagtatakang tanong sa akin ni Josh, binuksan ko yung ice cream ko at kumuha nang fries at isinawsaw ko yun sa ice cream. Isinubo ko kay Josh.

"O ano? Masarap?" Tanong ko sa kanya habang nakatitig sa kanya.

"Sweet and salty." Sabi niya. Bet niya ba? Or sumang ayon lang siya? "Masarap naman." Sabi niya pa at ngumuya.

"Naman? Masarap naman talaga." Giit ko sa kanya. Inenjoy ko na lang yung kakainin ko ngayon.

My Charismatic Love ✔ [SB19 JOSH]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon