Y/N's POV
Finally, lumabas na si Ms.Hogganda. dala nya ang notebook na naglalaman nang schedules at ibinigay ito sa akin.
"Kamsamnida~" pathank you ko sa kanya then she smiled at umalis na. ang saya nang first day ko, dinner agad kasama ang SB19.
"Tara na guys. Ang tagal naman nila" sabi ko at iyong kakadating lang ni Ken
"Bat ba si Josh lagi ang late sa inyo?" Tanong ko at inaayos ko na ang bag ko
"Nako Y/N, ngayon lang yan. Pero minsan late minsan hindi." Paliwanag ni Ken
*after 10 minutes*
"Sorry I'm late..." sambit nito
"Grabe ginabi na tayo o! Sana pala iniwan na lang natin si Josh." Parinig ni stell
"Pabayaan niyo na ganyan talaga kapag matanda na" parinig din ni Justin
"Oy! Sobra kayo ah! Tara na nga." Sabi ni Josh at inuhan na sila sa paglalakad papuntang van. Siguro mga ganun siya kairita kapag inaasar na siya. Pero as a fan alam kong gumaganti siya nang asar
*at the van*
"Ayaw kitang pilitin kung di ka pa handa sa susunod na lang~~~" kanta nilang lahat..
''O guys ano pa. Baka may request kayo. kakantahin yan si Stell.'' sabi ni Pablo. hindi sila nauubusan nang energy ah
''Teka lang naman. ako nanaman namamalat na ako dito o'' sabi niya pa. Agad naman akong natawa. ''pag ako nawalan nang boses bahala na kayo maghanap nang heavenly voice niyo'' sabi pa niya. aba may pagbabanta. sino naman ang papalit dito?. ''John Paulo Nase! tama ka na!''
''Sino naman ang papalit sayo aber?'' sabi ni Justin
''Ayan o Si Y/N'' sabi ni Stell. Narinig ko nanaman ang pangalan ko ano nanaman bang trip nila.
''Ha? Ako? Haynako ako nga tigilan niyo. hindi ako kumakanta wala akong talent'' sabi ko at natawa pa. Wala naman talaga akong talent.
''Ano ba kasing hilig mo?'' tanong ni Ken. Aba himala nagsalita kanina ang tahimik niya ah
''Wala. Simpleng sulat lang nang story at tula.'' sabi ko. Ayun lang naman talaga. pero hindi ko na siya nagagawa dahil sobrang busy ko na.
''Ayun naman pala eh. Paki sampulan nga kame.'' sabi ni Josh. Bat naman kasi sinabi ko pa.
''Hindi na. Tinatamad na din ako. Mag iisip pa ako nang mag tutugma sa tula na yun. wala din akong inspiration ngayon.'' sabi ko pa.
''Kami.'' sabat pa ni Stell. talagang hindi sila titigil sa pangungulit ah.
''Next time nalang guys'' sabi ko pa. halata naman na dismayado sila. Wala eh. inspiration ko din naman sila pero sadyang pagod pa ako.
''Uh... Sige na nga. Basta gagawan mo kami ah'' sabi ni Stell. Jusko bat naman kasi ang gwapo ni Stell. trabaho lang pero nakakapang swerve ah.
''Random question lang. Twitter stan ka ba?'' tanong sakin ni Sejun. Meron naman ako. kaso hindi ko na din nagagamit.
''yup. personal account to fan account. hindi ko nga maalala kung anong first tweet ko about sa inyo eh'' sabi ko pa.
''Anong name mo dun?'' tanong pa ni Justin.
'' (insert twitter username) ang name ko dun'' sabi ko. Halata na nga nila kung sino ang bias ko. ''OT5 naman ako sadyang siya lang ang nangibabaw.'' sabi ko at pasimpleng tinuro si Josh, di naman siya nakatingin so ayos lang.wala nang hiya hiya dito. Nabunyag ko na ata ang lahat
Kaya nga naimbento ang salitang MAHALIMA. Alam kaya nila yun?
"Mahalima." Bulong ko.
"H-Ha? Ma--Mahal ano?" Inulit ni Stell yung sinasabi ko pero mukang di niya nagets.
''Gagi! akala ko maha blanka. mwehehehe..'' Biglang singit ni Justin.
''Woah! boo!!'' Asar ni Stell. Si Ken naman naririnig mo yung pagtawa niya kahit ang hina.
"Mahalima kase." Pag uulit ko.
"Ano meaning?" Nagtatakang tanong niya.
"Mahal ko kayong lima." Tinuro ko silang lahat.
''Loyal na loyal sayo to Josh.'' sabi ni Ken. Shet loyal pa nga.
''Syempre. halos lahat naman nang ako ang bias loyal sakin'' sabi pa niya. hindi niya lang alam na maraming nag sweswerve pag may update ang ibang members.
''oo na Josh. ikaw na talaga. pero mas madami ang may bias sa akin'' sabi ni Justin. Ayos ah pag aawayan talaga? bahala na nga sila dyan. Sasandal na lang ako dito habang pinakikingan ko sila.
Ganito pala kasaya na kasama sila. Para nila akong nanay eh... pero ang saya. Makalipas ang ilang minuto ay hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Hayaan mo na kasi malayo naman ang bahay nila. Nasa gitna ako at nasa tabi ko si Josh at Justin at nasa likod naman si Ken, Stell, at Pablo. Pagod na rin sila at ganun din ako
......
NOTE: THIS IS JUST FICTIONAL.
Hello! For those who are reading my stories. Don't forget to vote and leave a comment for the engagement of this story!
Enjoy Reading😊
BINABASA MO ANG
My Charismatic Love ✔ [SB19 JOSH]
Fanfiction𝕊𝔹𝟙𝟡 𝕁𝕆𝕊ℍ×ℝ𝔼𝔸𝔻𝔼ℝ Being a PPOP idol is not that easy, undergoing hard training to keep their career, and one of the agreements is not having a girlfriend or dating someone during the duration of their career. What if an ordinary fangirl ju...