3

206 6 0
                                    

Y/N's POV


''Saan pala kayo galing?'' Tanong ko, I don't know if that was out of nowhere. 


"Kakatapos lang gumawa ng content." Sagot sa akin ni Paulo. Hindi ko alam kung paano ako kikilos kasi naman si Josh.. hindi ko madescribe pero muka kasing hinuhusgahan niya ako from head to toe. May dumi ba ako sa muka? 


Napalunok ako at napabaling ng tingin sa iba pang miyembro. ''A-Anong content?'' I randomly asked. 


''Abangan mo nalang sa youtube channel namin.'' Jah answered. Ang cute talaga ng batang to, well bata naman talaga kasi mas matanda ako sa kanya ng ilang taon.


Ano pa bang gagawin ko dito? Ang tagal naman ibigay ni Mrs Reyes yung mga naka assign na  trabaho as their assistant.


''Ito nalang, para magkaroon tayo ng pag uusapan...'' Si Pablo. ''Sinong member ang unang naka caught ng attention mo? I mean as you said na since 2018 ka pa pala fan namin...''


Bigla akong napressure... Ano naman isasagot ko dyan?! Mas lalo pa akong napressure nung halos hindi ako alisan ng tingin ni Josh... Wag mo akong titigan ng ganyan, baka mamali pa ako ng sagot, I mean aminado naman ako na talagang nahahatak ako nilang lahat,, pero iba din talaga kapag Ken Suson na ang usapan... I really love his dark voice.

''Si A-Ano.'' Hindi ko makumpleto yung sasabihin ko, para akong hinohotseat ngayong araw. Bahala na nga!  ''Si Ken.'' saktong pagkakasabi ko palang non, nakita ko na nginitian ako ni Ken, please lang! Wag kang ganyan!! 


''Pero sige, si Josh.'' Alam niyo yung tipong ang lakas ng dating niya tapos minsan talaga hindi ko na alam kung saan tatambay eh. ''Nakadepende sa update talaga yung bias ko.'' pagpapalusot ko. 


At the end of my statement, I smiled. ''Ganyan naman palagi yung fans, saan ba ako makakita ng loyal? joke.'' 


''Lugi talaga ako dito.'' Angal ni Ken.


''Dre, luge din ako.'' natatawanhg sambit ni Pablo, pero sabagay minsan lang kasi din mag update si Pablo sa social media accounts niya. Parang good for three months yung mga updates niya. Hindi naman ako nagrereklamo. yun lang din yung observation ko. ''Bahala sila magtiis dyan! hindi pa din ako mag uupdate...'' 


Langya talaga, akala ko naman pag sinabi ko yung pananaw ko mga sisipagin mag update hindi pa din pala.


''Ewan ko sayo, Pau! Pati tweet mo ang tipid tipid!'' asar ni Stell. ''Nag aantay yung fans, update mo dot??'' Walang katapusang pagbabangayan nung dalawa.


''Eh anong gagawin? I'm busy creating music for our comeback.'' depensa niya sa sarili niya, 'Gusto mo ibigay ko sayo account ko tapos ikaw na gumamit.'' 


''Wag na!'' sagot ni Stell. ''Baka manibago pa mga ka hotdog mo.'' 


''Oy, tama na yan! Baka kung saan pa mapunta yan...'' sita ko, nanahimik lang din yung iba katulad ni Josh... Wala naman siyang sabi ngayon, he was doing something on his hand. Siguro para libangin ang sarili niya. 


''Nagtatalo talo pa, halata namang ako din ang magtatagumpay sa dulo.'' Hindi masyadong mahinang sambit ni Stell, parang ang hirap magtaksil sa kanila ng harap harapan. 


''Guys, tama na! Sabagay may point naman si Y/N, kasi hindi din naman nagtatagal.'' diniinan pa talaga ni Ken yung salitang 'nagtatagal' ang lalim ng hugot ng lalaking to ah.


''Oo na, kayo na nga!'' sambit ni Josh at halata sa tono nito ang pagkairita. Ayan kasi, ayaw tumigil, nag alboroto tuloy ang bulkan... Naknang tinapa. Kakaiba magalit to ah.


''Gutom na ako.'' pagpaparinig ni Pablo. ''Itreat niyo naman si Y/N, walang tatanggi.'' 


''Busog pa naman ako.'' Hindi ko alam kung maniniwala sila sa akin,  ''I'm good guys, okay lang talaga kayo nalang tapos samahan ko nalang kayo.'' 


''Ayos nga lang, kasi you're part of the family na din.'' pangungulit ni Stell, May lugar ba sa utako na tanggihan to?


''Treat naman ni Justin.'' turo nila sa bunso nila. ''Hindi ba, Jah?'' paglilinaw pa ni Ken, at mukang wala ngang choice si Justin na tumanggi.


''Oo na, sige na. Sumama ka na, Y/N. May malapit na samgyupsal dito sa baba... doon nalang tayo.'' 


''Arghh!! Eat all you can?!! I love it ! Tara na!!'' sambit ni Stell, nauna pa siyang umalis si Stell sa office dahil nahahalata ko ngang gutom na siya.


''Busog pa talaga ako...'' muling tanggi ko, pero hindi naman nila yun kinukuha. ''Sumama ka na please?''


''Oo na, sige na.''


Wala na din akong choice, nandito na din ako. Bawat isa sa kanila, kinakausap ako except for Josh na parang nagiging non chalant sa oras ngayon. Napa iwas ako ng tingin ng bigla niya akong mahuling nakatingin sa kanya, napalunok ako. Sobrang daming nangyari ngayong araw, ramdam ko ang pagiging welcome ko sa kompanya nila.


.....

Hello! For those who are reading my stories. Don't forget to vote and leave a comment for the engagement of this story!

Enjoy Reading😊

My Charismatic Love ✔ [SB19 JOSH]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon