49

125 5 0
                                    

Napamura nalang ako sa utak ko at napatakip nang bibig nang makita ko to

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Napamura nalang ako sa utak ko at napatakip nang bibig nang makita ko to. Hindi ako mawawalan nang trabaho at the same time, pwede na kami ni Josh? Parang kakabreak lang namin tapos kami ulit. No way, hindi pwede.

"Can we talk.?" Tanong niya sa akin. Hindi ko alam pero sobrang bait sa akin nang araw ngayon.

Lumabas kami ni Josh, pero hindi ko hinawakan yung kamay niya na nag aakma na hawakan yung kamay ko.hindi naman sa pagiging pabebe pero sigurista kasi ako. Gusto ko yung, alam ko na worth it ako sa tao kapag tinatry niya talaga akong kunin.

"So... Paano ba yan? May blessings na nang entertainment. Naglabas na ako nang official statement, edi tayo na ulit?" Parang natangalan ako nang tinik sa puso. Ngayon ko lang na realize na sobra palang importante sa akin nang taong to. Kahit tinataboy ko siya sa buhay ko, hindi ko kaya. Sa kanya pa rin ang balik ko.

"Hindi. Ano ka sinuswerte?" Parang nang-aasar kong tono sa kanya.

"Aish, Hindi?" Dismayadong tono niya. Aish, bahala siya dyan. Grabe yung kaba ko kanina. Akala ko din hahayaan niya lang ako.

"Oo. Akala mo ganun kadali yung kanin ah" naiirita din ako sa sarili ko. Bakit ko pa ginawa? Eh hindi ko din naman pala kayang panghawakan mga salita ko. Tanga self.

"Kailangan bang ligawan kita ulit? Sige lang handa ako." Parang siya pa yung naghamon ngayon. Hindi ako marupok ano, agad agad kame? Dadaan na muli siya sa butas nang karayom.

"O hindi ako nagsabi niyan ah. Binigyan mo akong idea, Sige manligaw ka." Wala na akong ibang nasabi kundi yun nalang. Saglit lang din niya naman akong niligawan nun, kaya okay lang,

"Okay." Tangi niya nalang sinabi. Bumalik kami sa kung nasaan ang boys.

"O ano? Kayo na ulit." Tanong sa akin ni Stell.

"Ungas, sa tingin mo ba. Ganun ganun nalang yun?" Parang parehas kami nang utak ni Pablo ngayon. Parang siya ang spokeperson ko.

"Malay mo? Three years din silang tago, tapos ngayon alam na nila. Hindi pa ba nila papanindigan.?" Sabat naman ni Stell, narinig ko namang tumawa si Ken, nakakahawa pa man din tawa nito.

"Hindi." Sagot ko nalang. Alam kong nanghihiyang ako na three years tapos hindi pa ako pumayag na mag comeback, pero kung kailangan bakit hindi?

"Wala pa ba kayong balak mag record nang bago niyong kanta?" Pag iiba ko sa usapan. Alam ko nasabi sa akin ni Pablo yung title eh, ano nga ulit yun? Hanggang sa Huli.

"Siguro kung natuloy kayo sa hiwalayan, feel na feel ni Josh kapag nirecord natin to." Sabi ni Pablo.

"Irecord na natin. Tutal, ayos na rin naman kayo." Sabi ni Stell. Teka naeexcite ako! Shit. Comeback na nila!

"Punta na kayo sa recording, sunod ako." Sabi ni Josh. "May liligawan muna ako." Birong sinabi niya at tinignan ako. Aish, parang tanga.

"Ano?" Nagtatakang tanong ko.

"Wag kang mag-alala. Hindi ako mawawala sa SB19. Hindi kami kakalas." Panigurado niya pang sinabi. "At isa pa, kaya ko naman kahit na tayo pa."

"Hindi ka sure.. Madami ka pang makikilala Josh. Hindi lang naman ako ang babaeng nasa mundong to. Malay mo fangirl din pala yung mapapalit mo sa akin" totoo naman eh. Hindi lang naman ako ang babaeng makikilala niya. Madami pa.

"Pero para sa akin, ikaw na ang gusto kong makasama." Sabi niya pa. Medyo kinilig ako sa part na yun. "Kaya nga kita liligawan ulit, para maging tayo na ulit dba?" Sabi niya pa at lumapit siya sa akin at inipit yung onting buhok ko sa tenga na nakaharang sa muka ko

"Oo na. Pumunta ka na doon, Nagsisimula na silang mag vocal excersise o" pag-iiba ko. Baka mamaya matunaw pa ako dito. Grabe makatingin para akong kakainin.

Nginitian niya naman ako atsaka siya pumunta sa recording studio. Ako naman pumunta nang banyo para mag-ayos nang sarili ko.

Nakasalubong ko si Ate Rappl. "Mahal na Mahal ka ni Josh, kahit alam niyang delikado. Pinaglaban ka niya." Nagulat na lang ako sa mga sinabi niya.

"Alam mo ba, nung lumabas ka sa office. Kinausap niya na agad si Ms Hong, Ang Ceo at si Tatang. Sabi niya, aayusin niya ang lahat. Wag ka lang tangalan nang trabaho." Paliwanag nito sa akin, doon. Parang nanlambot ang puso ko. Parang... sobrang swerte ko sa taong to.

"Y/N. Deserve mo ang isang pagmamahal nang Josh, Alam ko naman na mahal mo din siya. Wag niyo nang pakawalan ang isa't isa." Sabi pa nito. Hindi ko naman siya papakawalan eh, Pero... kung sabihin ko na kami na ulit, hindi kaya parang ang easy ko lang? Aish ang hirap naman.

"Salamat Ate Rappl." Sabi ko at niyakap ko siya. Hindi ko rin alam, kasi parang ang bilis. Parang dati tago kami, pero ngayon nasabi na. Natangap ako nang fans.

"Puntahan mo na sila doon, Kailangan ata ni Josh nang motivation. Baka isang record lang ang magawa kapag nakita ka dun." Pagloloko ni Ate Rappl sa akin.

"Sige po." Sagot ko.

"Sa sobrang galing mong maging PA. Sobrang napalapit sayo ang boys Y/N. You did a great job!" Puri niya sa akin.

Minsan akala ko ang dali nang ginagawa nang mga PA. Sumusunod lang, pero... hindi pala. Kailangan din initiative ka din.

"Salamat po talaga Ate Rappl." Nagpasalamat ako sa puri niyang sinabi kanina. "Sige po. Punta na po ako doon." Sabi ko at nag sign pa na kung saan ako pupunta. Nag thumbs up naman siya.

.....

Hello! For those who are reading my stories. Don't forget to vote and leave a comment for the engagement of this story!

Enjoy Reading😊


My Charismatic Love ✔ [SB19 JOSH]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon