''Hindi mo ba alam na sobrang magiging masaya ang araw mo ngayon, at makakatulog ka nang mahimbing'' panimula ko sa kanya, Lumabas kami nang resto, naghanap ako nang spot na kung saan hindi kami makikita.
''Ano ba yun?'' tanong niya. Aish, bakit ba kasi kabado ka Y/N. sasagot ka lang naman eh. Bakit hirap na hirap ka?
''Wait lang. hihinga lang ako saglit bago magsalita.'' Sabi ko at huminga ako nang malalim.
''O sige, Huminga ka muna, baka mahimatay ka pa dyan.'' Pabirong sabi nito. inirapan ko siya. Parang baliw kasi. Kinakabahan na nga, nagawa pang magbiro.
''Seryosohin na natin to. Josh'' Sabi ko. Hindi niya naman nagets at napakunot noo pa siya. Aish, napakaslow talaga.
''Anong ibig mong sabihin?'' naguguluhan niyang tanong. Hindi ko mapigilan ang matawa.
''Ikaw talaga napaka slow mo. Legal ka nang manligaw.'' sabi ko nalang. Napa tingin lang siya sa akin.
''Ulit? Ano ulit yun Y/n?'' tanong niya. Aish, napakabingi naman nito.
''Sabi ko legal ka nang nanliligaw, di na kita pipigilan.'' Sabi ko. Mukang ayaw pa nito. Bawiin ko kaya?
''Parang ayaw mo pa. Bawiin ko na kaya?'' Iritang sabi ko sa kanya, Takte nahihiya na ako, Namumula na yung muka ko.
Iiniwas ko naman nang tingin, At siya naman tong hinarap ulit yung muka ko sa kanya.
''Narinig ko na, Wag mo nang bawiin.'' sabi niya at napangiti naman ako. Potek ka Josh! Ang lakas talaga nang dating mo, Hindi talaga ako magkakakamali na mahulog sayo. Niyakap niya ako at hinalikan sa noo.
Tignan natin kung paano manligaw ang lalaking to. "Oops. Bakit may paghalik sa noo? Langya ka ang bilis mo ah." Sita ko sa kanya.
"Wala namang nakakita. Ayos lang,"
"Manliligaw pa lang po. Bakit may paghalik na sa noo aber?" Kumunot ang noo niya.
"Bumalik ka na nga dun." Sabi ko pa.
"Okayy po." Magalang na sagot niya. Another side of Josh just showed up.
................
Hello! For those who are reading my stories. Don't forget to vote and leave a comment for the engagement of this story!
Enjoy Reading😊
BINABASA MO ANG
My Charismatic Love ✔ [SB19 JOSH]
Fanfiction𝕊𝔹𝟙𝟡 𝕁𝕆𝕊ℍ×ℝ𝔼𝔸𝔻𝔼ℝ Being a PPOP idol is not that easy, undergoing hard training to keep their career, and one of the agreements is not having a girlfriend or dating someone during the duration of their career. What if an ordinary fangirl ju...