50

137 4 0
                                    

Before I start this chapter! Guys. Stream Hanggang sa Huli! Thank you for supporting this story! Alabyouall!💙

-Hugot_Makata
...........................

"Okay Let's Start." Sabi ni Pablo. Si Stell ang unang sumalang. Shit, first time kong makarinig nang ganito. Yung tipong hindi na ako mag aantay nang release, maririnig ko na ngayon.

"Stell. Sabihin mo kung ready ka na." Sabi nung producer na nag aayos nang music nila for recording.

"Okay na po." Signal niya. At pinlay na yung music.

Sa aking puso'y nag iisa. Merong himig na
Kumakatok sa pintuan nang aking alaala.

"Okay na po ba yan? Or babaan ko pa?" Komento ni Stell.

"Ikaw ba. Okay na ba sa ganyan? Or isang take pa?" Tanong sa kanya nang producer. Pumasok na din ang music aranger.

"Sige po. Isang take pa. Para may pagpipilian po ako." Sagot niya.

"Game na?" Tanong sa kanya nang producer, nag okay na sign naman si Stell at nag start nanamang mag record.

Sa aking puso'y nag iisa. Merong himig na
Kumakatok sa pintuan nang aking alaala.

"Pablo. Next ka na." Lumabas si Stell sa may recording at sumunod na si Pablo. Akala ko pa naman ang recording nila is parang kapag part mo. Lahat yun irerecord na, hindi pala. Kung ano talaga pagkaka arrange.

"Sige po. Game na" Sagot nito. Ang seryoso nila ngayon, pero kasi naman. Para sa ikakaganda nang music nila. So far, nung narinig ko yung boses ni Stell, alam ko na maganda na kaagad ang kanta nila.

Di na dapat pang tumitig pa.
Sayong mga mata,
Ngayon ikaw nalang ang tanging nakikita.

"Pablo. Isang take pa? Medyo maganda na to. Pero ikaw bahala." Napaubo si Pablo para maclear yung throat niya.

"Sige po. Isang take pa." Sabi niya pa at nag start nanaman. Sa tatlong minutong kanta, ginugugul nila ang lahat nang oras nila maging maayos lang ang kanta na irerelease nila.

Di na dapat pang tumitig pa.
Sayong mga mata,
Ngayon ikaw nalang ang  nakikita.

"Ayan okay na yan. Ken! Ikaw na." Tinawag niya na si Ken. Siya na ang next. Ang unique nang voice ni Ken, ang lalim eh. Tapos kapag mga kanta nila ang lakas makasakit sa lyrics kapag siya na ang kumakanta.

"Sige Dre." Sagot nito kay Pablo at pumasok na.

"Ken, inform mo lang ako kapag ready ka na." Sabi sa kanya nang producer. Nag thumbs up naman si Ken para mainform na okay na siya.

"Okay. Game." Hudyat nito at pinlay na ang kanta.

Ang alaala mo ay tila bago
Sa panaginip ko ay naroon ka.

"Okay na po ba yun? Or masyadong mababa. Ang baba po kasi nang range ko." Sabi niya pa. Gusto ko kaya yung boses ni Ken ang unique kasi ang baba. Feeling ko walang makakatulad sa boses niya.

"Bagay na bagay kaya sa kanta natin yung boses mo." Sabi sa kanya ni Josh. Si Josh nagugulat ako dito, langya nasa tabi ko na pala. Kaya napatalon yung puso ko nang magsalita siya kanina

My Charismatic Love ✔ [SB19 JOSH]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon