30

142 7 0
                                    

Lumabas ako sa studio para magpahangin,dala dala ko yung iced coffee na kanina ko lang kinuha doon sa ref. naramdaman ko din na parang may biglang lumapit sa akin. Sino pa nga ba. Edi si Josh. 

''Saturday bukas, I guess wala naman kaming schedule. Pahinga.'' panimula niya. hindi ko alam kung saan papunta to. 

''So?'' 

''Date tayo.'' sabi niya. buti nalang hindi ko pa iniinom. Hanep talaga bigla bigla na lang nagplaplano ang lalaking to. 

''Baliw ka ba. Paano kung makilala ka nang mga taong makakasalubong natin sa lugar na yun.'' sita ko sa kanya. ''Idol ka. Assistant lang ako. Malaking issue kapag nahuli tayo.'' 

''Hindi yan. Wala ka bang tiwala sa akin?'' giit niya pa. Hindi naman sa walang tiwala. pero sadyang takot lang. kahit na gusto ko na umuoo sa plano niya. Hindi pwede. kasi nga isa sa rules yun, kahit na anong gawin kong explanation sa harap nang entertainment na to, papaalisin na nila ako. Kung kailan naman ako yung kailangan nang pamilya ko. 

''Hindi naman sa walang tiwala. Natatakot lang.'' sabi ko. Medyo lumayo ako sa kanya, at luminga linga ako kasi naman baka mamaya may mga nakabantay.  ''Okay naman ako sa relasyon natin eh, kahit tago lang. Hindi naman ako nagrereklamo.'' sabi ko tapos tinap ko yung balikat niya. 

''Sayo okay lang. sa akin hindi. Ako din nahihirapan.'' sabi pa niya at napabuga sa hangin. Oo nga muka ngang nahihirapan siya. Eh hindi ko naman kasi din kasalanan na nahulog siya.  wala nga akong idea at alam ko naman wala ding pag-asa kasi isa lang naman akong babaeng nagtratrabaho. 

''baka hanapin ka pa nila. Pumunta ka na doon.'' sabi ko sa kanya. Kasi baka magtaka na yung mga ibang miyembro na wala na siya doon. Ang bilis pa man ding makaamoy nang mga yun kapag may nawawala. ''Okay na ako sa simple gestures na pinapakita mo, kahit na sa kanila wala lang yun, sa akin sobrang nagiging masaya ako doon.'' paliwanag ko pa. nginitian niya naman ako tapos pinisil yung kamay ko. Hindi naman masakit. 

''Sige, Akyat na ako.'' paalam niya at umalis na. 

Hanggang ngayon, Iniisip ko pa din kung mali or tama ang ginawa ko. Dapat nandito lang ako para magtrabaho. bakit nagkaroon ako nang boyfriend. at saklap yung artista pa. Isang miyembro nang sikat na sikat na ppop group. Ipit ako nito. 

Ilang oras pa ay umakyat na din ako. Alas kwatro na, Uwiian na. Kailangan ko nang magligpit nang gamit para ready nang umalis. 

''Uy Kuya Yuri. Kamusta po?'' salubong kong bati sa kanya. Nakita ko kasi siyang pinupunasan yung van. 

''Okay naman po Mam. Okay na po ba sila? Istart ko na po yung sasakyan.'' sabi niya. 

''Sige po Kuya. Tawagin ko na po sa kanila para makapagpahinga na.'' sagot ko pa at ngitian ko siya. Umakyat na ako at bumungad sa akin na nakabihis nang maayos silang lahat. 

''Ready na pala kayo eh. Nag aantay na si Kuya Yuri sa baba.'' sabi ko at pumunta na ako sa desk ko para ayusin ang gamit ko. Hindi naman ganun kakalat ang desk ko so okay lang. ''Umalis na ba si Teacher?'' tanong ko sa kanila, hindi ko kasi napansin kung umalis na or hindi pa. Ganun ba ako ka busy sa kakaisip?

''Yup. Sabi niya kasi may aasikasuhin siya, tapos may flight siya bukas papuntang korea.'' sagot sa akin ni Sejun. Si Sejun kasi ang nasa harap ko ngayon, Yung iba baka mga may ginagawa pa. pero naka ready na para umuwi. 

''Ah.'' maikling sagot ko.  ''tara na. Naistart na daw yung sasakyan eh.'' sabi ko pa. Agad namang nauna nang bumababa yung apat, maliban kay Josh. baka hindi pa nakaayos nang gamit. always late.  pero okay lang hindi naman umaga, pauwi naman na. 

''Uy Josh. Tara na. Uuwi na,'' Aya ko sa kanya nang makita ko siya na naglalakad sa hallway, hindi ata ako marinig nito kasi naman naka earphones. nilapitan ko siya at agad naman niyang tinaggal yung earphones niya at tinignan ako. 

''ha?'' 

''Sabi ko ang tagal mong bumababa, Nag aantay na sila doon.'' sabi ko. at nagulat naman ako nang hawakan niya nanaman yung kamay ko. Hanep ah hindi ba siya nahihiya? i mean baka mamaya may nagbabantay pa. 

''Bitaw.'' sita ko sa kanya. Naglingalinga naman sya bago sumagot.

''Wala naman na ah. Umuwi na lahat nang staff okay lang yan.'' giit niya. Aba ang lakas nang loob. Hindi ko alam kung kikiligin ako o maiirita sa ginagawa niya. 

''Pag baba. Bitaw na. Makikita pa nang mga ka miyembro mo.'' paalala ko sa kanya. Sige mag enjoy tayo kahit na saglit. susulitin niya na susulitin ko din. 

''Okay.'' masayang sagot niya habang naglalakad. Grabe 7 years pala ang gap naming dalawa. Pero.. Hindi naman halata sa kanya. 

''Bitaw na. Josh.'' paalala ko sa kanya. Malapit na kasi kami sa harap nang van, binitawan na naman na niya yung kamay ko. nang makarating na kami sa harap nang van, binuksan ko yung pinto at nakita ko naman silang nakangiti. O anong meron?

''Bakit kayo nakangiti?'' naguguluhang tanong ko sa kanilang apat. Hindi kaya nakita nila yung pinagagawa ni Josh kanina? or baka naman nahahalata na nila, ''Please enlighten me. Anong meron aber?'' ulit ko pang tanong. 

''Wala lang. Kaya pala nag paiwan si Josh nang saglit.'' paparinig ni Sejun. Si Sejun napapansin ko ang dami niyang napapansin kay Josh. pero yung iba naman mukang totoo, medyo nakokonvince na ako. 

''Hindi ba sabi ko sayo na may inayos ako.'' singit ni Josh. Ako naman tong lumihis muna para mapigilan ko yung tawa ko. 

''Ehem.'' pabirong ubo ni Justin. isa pa tong si Justin eh. Alam ko na kaya kung bakit ganto ang pinag gagawa nila? Alam na kaya nila? Kairita naman. 

''Guys, tayo tayo lang dito. baka gusto niyong magsalita na.'' sabi pa ni Ken habang nagphohone. Pati ba naman si Ken, 

''Ha? Anong aaminin?'' nauutal utal na tanong ko sa kanila, ito namang si Josh pagsilip ko, wala man lang ginagawa. hinayaan niya lang na ma curious ang apat na to. 

''Halata niyo naman pala eh, Bakit kailangan pa nang confirmation?'' sagot ni Josh. Patay. 

''Josh!'' sita ko kay Josh. Walangya  paano na ako nito. yare na talaga. 

......

Hello! For those who are reading my stories. Don't forget to vote and leave a comment for the engagement of this story!

Enjoy Reading😊


My Charismatic Love ✔ [SB19 JOSH]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon