Josh's POV.
"Ms Hong." Nakita kong naglalakad si Ms Hong papasok sa office niya.
"Yes Josh?" Sagot nito sa akin. I want to reveal the identity of Y/N. Kapag pumayag na ang management, si Y/N na ang sasabihan ko. After this, I will protect her
"Can I reveal the identity of Y/N?" Tanong ko. Alam kong ako din ang mapapahamak dito, pwedeng may mag search nang mga accounts niya. Pero... kung yun man din ang paraan na pwede akong makapante sa awareness nang fans. Malay mo maprotektahan din siya.
"Are you sure about that? That's a risk Josh," sabi nito sa akin. I know, na risk to. Pero... If I do this, I can protect her also.
"Yes Ms. Hong, I can take full responsiblity." Sana pumayag si Ms. Hong, dito makakampante talaga ako.
"You can reveal her first name." Sabi ni Ms Hong. Yes!
"Thank you Ms Hong." Sabi ko. Agad kong kinuha yung phone ko, hindi ko itatag yung fan account niya. Yung personal nalang.
"Hoy Josh! Nahack ba yung account mo?!" Nag aalalang tanong ni Y/N sa akin.
Ako naman tong natawa. "Kung nahack yan, edi sana wala yung pangalan mo dba?" Sabi ko. Hinampas niya ako, masakit yun ah.
"Aray ko naman" reklamo ko.
"Josh, para kang tanga! Bakit mo nireveal yung identity ko?" Na praning na si Y/N.
"Okay lang yan." Sabi ko at pinilit ko siyang yakapin pero nagpupumiglas siya.
"Baliw ka talaga! Tignan mo yung mga replies. Josh kasi parang tanga" sita niya pa sa akin.
"Y/N. Tapos na, Chill ka na." Pinapakampante ko siya.
"Nahiya ka pa edi sana minention mo na dina ko dba?" Iritang sagot niya.
"Gusto mo ba? Gagawin ko. Irerequote ko na." Sabi ko sabay kuha nang phone ko sa bulsa.
"Aish, Bahala ka nga dyan!" Nilayasan nanaman ako. Hindi naman niya dati ginagawa yun. Parang baliw.
Y/N's POV.
Pagka check ko nang phone ko, shit. Nirequote nga nagnotif sa akin yung pagrequote niya.
Patay! Identity ko nareveal na.
"Proud na proud talaga ako sa inyong dalawa! Isipin niyo yun. Dahil sa trabaho naging kayo." Nagulat ako nang biglang nagsalita si Ken sa likod ko. Itong lalaking to, napakahilig na sumulpot.
"Ikaw ata ang magiging dahilan nang paglala nang sakit ko sa puso." Sita ko sa kanya. Shit, bakit ko nasabi yun? Aish. Mamaya baka mag alala sila.
Last Year kasi... nung nasa kwarto ako nun, parang nahihirapan akong huminga. Tapos kinabukasan nag pacheck up na ako. Sabi sa akin nang doctor, kailangan daw lagyan nang tubo yung puso ko para madalian at maging kampante yung paghinga ko. Ang dami nang gastusin sa bahay, dumagdag pa ako.
"Ha? Sakit sa puso? Y/N." Nagtatakang tanong sa akin ni Ken. Buti nalang si Ken lang ang nandito.
"Biro lang. Kasi naman sulpot ka nang sulpot." Bawing ko at natawa naman siya.
Aish, Hanggang kailan kaya ako? Matatapos ko kaya ang pitong taong kontrata ko?
"Y/N!" Tawag sa akin ni Justin. Aish, isa pa to. Napahawak ako sa dibdib ko. Ang lakas nanaman nang tibok nang puso ko. Bumibigat nanaman.
"Hm?" Sagot ko.
"Hindi ka pa ba gutom?" Tanong niya sa akin. May hawak hawak siyang pizza. Hindi ko alam pero wala ako sa mood na kumain.
"Busog pa ako eh." Giit ko. Parang feeling ko busog ako. Ang sakit din nang ulo ko. Takte lalagnatin pa ata ako.
"Susumbong kita kay Josh. Ayaw mong kumain," Banta sa akin ni Justin. Aish, kala niya siguro takot ako. No way!
"Sumbong mo. Samahan pa kita," sabi ko pa. Nanahimik naman kaagad si Justin. O dba wala naman siyang magagawa.
"Kamusta naman kayo ni Josh?" Tanong sa akin ni Stell at inakbayan ako. Ang bigat pa naman nang braso ni Stell.
"Ewan ko, hindi niya pa naman ako kinakausap ngayon. Siguro kapag nag usap na kami, tska mo nalang ako tanungin para malaman mo." Biro ko sa kanya.
Speaking of naglakad na papunta dito si Josh.
"Josh, Si Y/N ayaw pang kumain. Ang pale na tuloy nang muka niya" Aba. Nagsumbong pa nga.
Bigla siyang sumimangot. Bakit ang gwapo pa din kahit na nagagalit siya.
"Nako mukang mag aalboroto ang bulkan na Josh ah." Biro ni Justin. Natawa naman ako, langya talaga tong mga to.
"Oo na kakain na." Sabi ko at naglakad na papunta sa kung saan nakalagay yung pizza boxes. Medyo nahihilo na ako at naninikip nanaman yung dibdib ko. Napahawak ako sa dibdib ko, hindi ko na kayang huminga nang maayos.
''Shit!!'' napasigaw ang mga staff at doon, hindi ko na alam kung ano nang nangyayari sa akin.
Bigla ata akong bumagsak. Wala na akong maalala after nun, ang nakita ko na lang pagmulat nang mata ko, nasa clinic lang ako nang entertainment na to.
.....
Hello! For those who are reading my stories. Don't forget to vote and leave a comment for the engagement of this story!Enjoy Reading😊
BINABASA MO ANG
My Charismatic Love ✔ [SB19 JOSH]
Fanfiction𝕊𝔹𝟙𝟡 𝕁𝕆𝕊ℍ×ℝ𝔼𝔸𝔻𝔼ℝ Being a PPOP idol is not that easy, undergoing hard training to keep their career, and one of the agreements is not having a girlfriend or dating someone during the duration of their career. What if an ordinary fangirl ju...