Habang pinapanood ko lang sila na mag ganyanan, Ginagawa ko lang yung trabaho ko na nakangiti. Oo na para na akong tanga, pero ano kasi. Sino ba namang hindi mapapangiti kung yung idol mo na nagkukulitan backstage ang makikita mo dba? Aish,
''O ano tapos na kayo mag away? Ako naiipit sa inyo eh'' sabi ko sa kanila. Hindi na natapos mag asaran tong dalawang to
''Hindi ka pa nasanay dyan y/n hindi natatapos ang araw na hindi sila nagbabangayan'' sabi pa ni Stell
''Sige lang Stell gatungan mo pa. Wala kang mauutang sa akin'' banta ni Justin. Langya tong mga to
''Nagbanta pa ang richkid. Ayos kayo ah'' Sabi ni Ken. Buti nalang talaga an tahimik ko nalang.
''Sige wag kayong manahimik. tatawagin ko si Ate Rappl' sabi ko. Alam ko namang titino to kay Ate Rappl eh.
Nilapitan ako ni Tatang Robin at sinabi niya na kakausapin niya ako.
''Yes sir?'' tanong ko sa kanya.
''Uhm. The boys are liking you as their P.A. i would love to give you this offer.'' sabi pa niya. What Offer?
''What offer po?'' Tanong ko sa kanya. Mataas na sahod? Okay lang naman kahit wala akong sahod. HAHA syempre joke lang
''Permanently working as their P.A. do you want to take it?'' tanong ni tatang robin. shet permanently.
''It's okay sir. I'm so happy that you gave me this opportunity. Thank you very much!''
Permanente na ako sa kompanyang to. araw araw ko na silang makikita. ako ba mismo ang magsasabi sa kanila o sila na?
lumapit sa akin si Stell at nagsalita, ''Kumain ka na ba? Ang daming pagkain dun'' sabi nito,
''Busog pa naman ako. Kayo nalang muna, '' sabi ko. Wala ako sa mood para kumain. hayst. Napabuntong hininga ako, sabihin ko na kaya kay Stell, Gusto ko kasi masabi kahit isa lang sa members, Hindi ko kayang ikeep. ''Uh Stell. Paano kung Permanently na ako sa company na to?'' tanong ko.
''Seryoso ka ba sa tanong na yan? Syempre matutuwa kami. Para ka nang kapatid namin, kaya nakakatuwa lang kung if you'll stay permanently'' sabi nito. Shit. kapatid.
Pero yeah, muka ngang maganda din ang pag stay sa company na to. maayos naman ang sweldo at pakikitungo nila sa akin, parang hindi ko trabaho eh, kasi parang bahay ko na tong K Kompanya.
''Kasi.. Kinausap ako ni Sir Robin kanina. Ang sabi niya I'll be permanently working as your P.A'' sabi ko.
''Good to hear, Alam naman namin yun. kasi kami ang kumausap kay Sir Robin.'' sabi ni Stell. seryoso ba sila?!
''Shit. Seryoso ka ba?!'' napatakip nalang ako nang bibig. siya naman tong natatawa nang maloko. Mga baliw talaga. Naisahan ako dun ah
''Muka ba akong nagbibiro Y/N?'' seryosong sinabi nito at tinaasan ako nang kilay. Ayos to ah. napaka talaga
''Hindi nga. Shit. kayo pala ang kumausap.'' hindi pa rin ako makapaniwala. ''Talagang gusto niyo pa ako makasama ah. ayaw niyong iend yung kontrata ko.'' asar ko pa.
''Para kay Josh din. Mukang mamimiss ka kapag nag end of the contract ka. baka mag mukmok sa loob nang condo unit namin.'' sabi nito. Si Josh? mamimiss ako? wait lang kinikilig ako yung bias ko lang naman.
"Pag ikaw hindi uso end of contract. Ikaw pa ba, malakas ka samin." Biglang umakbay sakin si Stell. Ayos lang naman para kasing kapatid ko na si Stell.
"Kayo talaga."
"Ganun ka kasi namin kamahal." Banat ni Jah. Ito talagang lalaking to. Nako
Speechless... Wala akong masabi. kung totoo man na mamimiss ako nito
.....
Hello! For those who are reading my stories. Don't forget to vote and leave a comment for the engagement of this story!
Enjoy Reading😊
BINABASA MO ANG
My Charismatic Love ✔ [SB19 JOSH]
Hayran Kurgu𝕊𝔹𝟙𝟡 𝕁𝕆𝕊ℍ×ℝ𝔼𝔸𝔻𝔼ℝ Being a PPOP idol is not that easy, undergoing hard training to keep their career, and one of the agreements is not having a girlfriend or dating someone during the duration of their career. What if an ordinary fangirl ju...