Josh POV
i'm planning na sabihin sa A'tin ang about sa babaeng gusto ko. But, Hindi ko sasabihin kung sino talaga. I mean, may concert kami sa Smart Araneta next month. Hindi ko kasi mapigilan yung sarili kong isipin na.. na baka oras na, malay mo maging masaya ang mga fans sa amin. A'tin na staff din pala ang magiging gusto ko.
''Uy. Tulala ka nanaman dyan.'' sita sa akin ni Y/n. nasa may living room kasi kami tapos nakita ko yung play station niya. Yung latest. May common interest din pala kami.
''Kanina ka pa naglalaro. Kain na'' sita niya sa akin. Masyado kasi akong natuwa sa mga laro niya. Hindi siya yung talagang pambabaeng laro eh. Ang unique ni Y/n.
''Wait lang. tapusin ko lang to.'' sabi ko. Nauna na yung iba kong ka grupo sa dining area. ako nandito pa din naglalaro.
''Alam mo. Kawawa si Y/N sayo. puro ka laro.'' parinig ni Stell. O ako nanaman? nanahimik na nga lang ako dito.
''Feeling ko laro ang iiyakan ni Y/N. Yare ka pag nawalan ka nang oras kay Y/N.'' sabat pa ni Ken. ito talagang mga ito, hindi na nawalan nang side comments. Lagi nalang ako nasasandwich sa kanilang apat. lalo na tong si Stell, kapag nagsalita. grabe alam mong makokonsensya ka eh.
''Shucks. Natalo tuloy.'' iritang sinabi ko at tumayo na. pumunta na ako agad sa dining at kumuha nang piece nang pizza. May mojos pa pala. sira ang diet ko. sabi ko pa man din ngayong comeback, magpapa see through ako. kaso mukang malabo ah.
''Hanggang kailan mo pagtitiisan si Josh? I mean.. alam mo na, Wala kang balak magpalit nang bias?'' nakaasar na tanong niya kay Y/N. I know Y/N, hindi niya ako papalitan
''Malapit na.'' malamig na sagot nito. Hala ka?! Grabe siya o. ''May nanghahatak, pero alam na kung saan ako babalik.'' bawi nito. I knew it! Sa akin pa rin si Y/n kala niyo ah.
''Ang tahimik ni Josh ah.'' sabi ni Justin. Oo kasi baka may masabi pa akong word na dahilan para mapagalitan ako.
''Baka matuyuan ka nang laway dyan.'' asar pa ni Sejun.
''Aish, Kutusan ko kaya kayo isa isa?'' sabat ko sa kanila.
''Y/n oh. Inaaway kame. Ikaw nga kumutos dyan.'' sabi ni Stell at nagtago sa likod ni Y/n. ang galing talaga, ginawa pa panangalang si Y/N.
''O dba, hindi mo kaya. Kasi mahal mo si Y/n.'' sabi pa ni Stell. Oo na, Mahal ko naman eh. Hindi ko nga lang masabi, kasi more on action ako. Hindi ako masalita.
''Aish, tama na nga yan. Kumain na nga lang kayo.'' sabi pa ni Y/N. napatigil niya naman yung mga ka miyembro ko. Hindi talaga ako napikon doon, parang normal na lang na asarin kaming dalawa.
"Magbibirthday na pala si Stell. Stell, anong plano mo sa birthday mo?" Pag iiba nang usapan ni Ken.
''Ano pa nga ba, The last time I checked my calendar. Mukang rest day natin yun.'' sabi pa ni Stell.
''Edi sa bahay nalang natin, Tulungan nalang kita Stell.'' suhestyon ni Sejun.
''Anong oras nga pala kayo uuwi?'' tanong ni Y/n. alam ko naman na nahihiya siya sa bahay niya, pero ang cute kasi nang bahay niya. Parang dollhouse, wala talaga siyang kasama dito?
bisitahin ko kaya siya? Aish, mukang kapag ginawa ko yun. delikado ako ah.
''Parang kakadating lang namin, pinapalayas mo na agad kami.'' nagtatampong tono ni Ken, Hindi bagay kay Ken na ganun ah. Pa cute masyado. Wag kang pa cute dyan, akin yan.
''Hindi naman sa pinaalis ko kayo, pero wala ba kayong gagawin? Like, compose songs? practice. ganun.'' sabi niya pa. Bakit ang cute nito, ang sweet pa. Feeling ko kapag sinuyo ko to agad nang bibigay to.
Sobra bang desperado ko if.. Gusto ko na talaga siyang maging akin? I mean napaka desperado ko na ba kung tanungin ko na siya na pwede na bang maging kami?
....
Hello! For those who are reading my stories. Don't forget to vote and leave a comment for the engagement of this story!
Enjoy Reading😊
BINABASA MO ANG
My Charismatic Love ✔ [SB19 JOSH]
Fanfiction𝕊𝔹𝟙𝟡 𝕁𝕆𝕊ℍ×ℝ𝔼𝔸𝔻𝔼ℝ Being a PPOP idol is not that easy, undergoing hard training to keep their career, and one of the agreements is not having a girlfriend or dating someone during the duration of their career. What if an ordinary fangirl ju...