53

124 5 0
                                    

"Alam mo ba Josh, Inisip ko kung bakit pa ako nagtrabaho, eh mamatay din naman ako." Nakita ko na dismayado siya. Ayaw niyang tinatopic na ganto. Alam ko naman na may possibilities na mabuhay at mamatay ako sa operation na gagawin sa akin.

Nasa may coffee shop kami, bumibili nang drinks. Tumambay kasi siya sa bahay ko, Sabi niya kasi na gusto niya akong alagaan, ngayon din ako pupunta nang ospital, pupunta ako sa doctor ko. Akalain mo yun, yung inipon ko na pag pundar at ibibigay ko sa nanay ko, gagamitin ko lang pampaospital.

Pinitik niyo ako sa noo. Partida, ang daming tao dito, nakapila kasi kami, "baliw ka talaga. Anong mamatay. Sira ka talaga." Sita niya sa akin. Ayaw niyang pinag uusapan yun.

"Walang mamatay Y/N. Kaya mo naman yan, kilala kita matapang ka." Sabi niya pa. Yung sinasabi niya na... matapang ako. Oo, pero hindi ko din alam kung pagkatapos nito, magigising ba ako? O mananatili lang akong nakahiga sa kama at tulog at walang kasiguraduhan kung magigising pa ako.

"Hindi tayo sure Josh, Kalahati ang porsyento nang tsansa na magiging successful ang operasyon..." malungkot kong sinabi sa kanya. Ayaw ko mang sabihin, pero kailangan niyang maging aware dun. May nakabara sa puso ko, at lalagyan nang tubo yun. Nag search ako, may possibilities akong ma coma.

"Magiging successful yun. Magtiwala lang tayo." Sabi niya pa. Hindi ko alam pero, medyo nabigyan ako nang pag asa, pero at the same time hindi ko mapigilang mag-alala.

Paano nga kung ma coma ako?

"Kung ma coma ako. Makakahanap ka kaya nang babaeng mamahalin mo ulit?" Mausisang tanong ko sa kanya. Ano bang malay natin? Malay mo, hindi pala talaga ako, Artista pala ang nakatadhana sa kanya, or mga singers nang mga nakakatrabaho at namemeet nila.

"Hindi. Alam mo, Hindi ako maghahanap nang iba. Handa akong magbantay magdamag sa ospital, wag lang makakita nang iba." Sabi niya pa at hinalikan ako sa noo.

Onti onti nanghihina ako, hindi ko alam pero parang yun din ang side effects kasi hindi pa ako nag papaopera. Sabi nila urgent daw ang surgery ko.

"Sira. Hindi tayo sure dyan, malay mo mga dancer at singer pala ang nakatadhana sayo." Pilit ko pa sa kanya. Ang cute niyang maasar. "Josh, papangit na ako." Sabi ko pa. Feeling ko after nang operasyon at ma coma ako, magmumuka na akong patay.

"Kahit wala kang make up, maganda ka pa rin Y/N." Sabi niya pa. Ang dami niyang bato sa mga pinagsasabi ko. "Pwede ba change topic?" Iritang sagot niya at hinilot ang kanyang sentido. Halatang naiistress na sa kakulitan ko.

Iniabot niya naman sa akin yung isang kape.

"Hindi kape yan. Hot choco yan." Sabi niya. Takte, hindi naman ako umiinom nang hot choco.

"Hala ka. Hindi ako umiinom nang hot choco." Iritang sagot ko sa kanya.

"Lagay mo sa ref. Edi cold choco na, basta bawal ka munang magkape." Sabi niya pa. Tignan mo napaka corny nang lalaking to. Eh kung ibuhos ko sa kanya to. Chos.

"Korni mo. Ilang mais ang napakain sayo ni Justin? Madami dami atang sweet corn yan." Asar ko sa kanya, natawa naman siya.

"Ayos lang, Mahal mo naman." Bulong niya at hinawakan niya yung kamay ko. Takte na yan.

"Oo na. Kairita."

Binuksan ko yung condo unit ko. Shit, ganun na ba kadami ang kalat sa condo ko, hindi na ganun naayos? Takte parang isang malaking basurahan.

"Kailangan ko palang maglaba." Sabi ko nalang sa sarili ko. Gusto kong matulog at magpahinga, pero dahil ako lang naman ang mag isa sa bahay, kailangan kong gumawa nang mga gawaing bahay.

"Anong mga lalabhan? Tulungan na kita." Sabi niya pa. Wayt lang yung mga underwear ko, dapat hindi siya ang maglaba nun. Nakakahiya langya.

"Sure ka?" Naniniguradong tanong ko sa kanya. Mamayang alas kwatro pa naman yung check up ko sa malapit na clinic dito sa amin. Doon ako parati nag papa check up.

"Magpalit lang ako." Paalam ko sa kanya, Pumasok ako nang kwarto at kumuha ako sa cabinet ko nang puting oversized shirt, at yung maong na shorts. Dito kasi ako mas komportable. Nasa bahay lang naman ako

"Isaksak mo nalang yung washing machine." Utos ko sa kanya sabay turo kung saan isasaksak. Dala dala ko na yung mga damit kong madudumi.

"Lahat yan lalabhan?" Nagtatakang tanong nito. Siguro yung mga damit ko na to three weeks ago ko isinuot.

"Oo. Madami dba?" Nasabi ko na natatawa pa. Goodluck sa heart ko, sana talaga may gamot nalang dito.

"Mukang mapapagod ang puso mo. Akin na nga yan." Sabi niya pa at lumapit sa akin. Yung mga underwear ko, Ako nalang ang maglalaba, kapag umalis na si Josh.

"Mag aalarm lang ako nang alas dos, baka mawala sa isip ko." Sabi ko at pumunta sa may coffee table at inilapag yung phone ko matapos iset yung alarm.

"Ay shit. Hindi pala tayo nakabili nang lunch," Biglang sambit ni Josh, pero handa ako. May ulam sa ref, niluto ko kagabi. Mechado.

"Magsaing ka na lang. May Mechado sa ref, niluto ko kagabi, may tira pa dyan, madami." Saad ko.

"Sige. Magsaing na ako." Sambit niya.

Pumunta na siya sa mini kusina at nag saing na siya gamit ang rice cooker ko.

My Charismatic Love ✔ [SB19 JOSH]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon