Siguro naman, since naoperahan na ako. Magiging normal na ang buhay ko dba? Wala nang babara sa puso ko? Okay na.
"Guys salamat talaga ah! Siguro kung hindi dahil sa motivation niyo, wala na ako." Hindi ko mapigilang hindi bumuhos ang luha.
"Alam niyo ba, gusto ko nang tapusin ang buhay ko, pero naisip ko may nag aantay pa sa akin, pamilya ko at kayo. Para ko na kayong mga kapatid eh." Paliwanag ko pa. Salamat talaga sa kanila, lalo na si Josh. Akala ko susukuan niya ako kapag sumuko na ako.
"At Josh... Salamat kasi hindi ka sumuko nung sumusuko ako." Sabi ko pa. Nakatingin lang sa akin si Josh, muka siyang ewan doon para sa iba. Pero sa akin ang gwapo niya pa ding tignan.
"Bakit naman kita susukuan? Walang atrasan to Y/N. Walang Game Over pagdating sayo." Sabi niya at lumapit sa akin, niyakap niya ako. Kabado nanaman ako, pero hindi na katulad dati na parang napaka abnormal ko.
"Aysus. Nandito pa kami o!" Singit ni Pablo sa dramahan namin ngayon. Sobrang unexpected lang kasi nang mga nangyayari.
"Oo na. Langya naman, panira kayo nang moment eh" iritang sagot ni Josh sa kanila, ako naman tinatawanan ko lang yung bangayan nila.
"Mamaya na kayo mag moment. O kaya kapag mag momoment kayo, siguraduhin niyong walang tao." Sabat ni Stell. Ay hindi ko na talaga alam, Sobrang namiss ko talaga sila.
"Pwede namang lumabas tayo." Good Idea. Labas kayo dali! Moment ko to.
"Ay joke lang. Ayaw ko kayong iwang dalawa." Binawi ni Justin. Napakunot noo naman ako.
"Y/N. May joke ako." Biglang sambit sa akin ni Justin. Haynako, ito nanaman tayo.
"Oh ano yan?" Tanong ko. Pag ako talaga di natawa dito expected na yun. Pero kapag natawa ako, himala yun.
"Knock knock."
"Who's there?"
"Kulot" mukang alam ko na ang joke nang lalaking to.
"Kulot who?"
"Kulot open, Kulot open" wow. Ang galeng na bata. Jusko po. Sana okay ka pa Jah. Ang dami yatang nakaing mais nito.
"Jusko dai. Kulot Open?" Sambit ni Stell. Si Justin alam niyo kung nasaan? Tumalon talon lang naman at nagtago sa unan dun sa may sofa.
"Aish, Justin! Sana okay ka pa talaga." Nang aasar tugon sa kanya ni Pablo. Nasaan si Ken? Nandun nakikisama sa tawa ni Justin. Magkaparehas talaga tong dalawa nang iniisip eh.
"Okay ako. Hindi pa kayo tumawa, nakita ko naman na ngumingiti kayo!" Iritang sagot niya kay Pablo. Oo, ako aminado ako. Natawa talaga ako pero slight lang. Saan ba kasi galing ang kulot open na yun. Takte naman
"Aish, bahala ka nga dyan Jah" Nagsarili sarili na silang ka busihan. Ako gusto ko nalang munang matulog. I need to rest, ang daming ginawang test sa akin kanina.
"Kailan ka daw pwedeng lumabas nang ospital?" Tanong sa akin ni Stell. Nagbabalat siya nang ponkan. Nakita niya doon sa may coffee table, hindi naman kasi ako mahilig sa ganyan, di ko kinakain.
"Matamis?" Tanong ko. Si Josh nandoon sa may sofa, naglalaro nang Cod Mobile ata. Or ML. "Sabi nila ididischarge ako kahit next week na. Tapos, back to work na sa inyo." Kumuha ako nang isang ponkan na binalatan niya, hindi naman siya nagreklamo.
"Sakto lang yung tamis ano? Pero kahit ganyan, nilalangam pa rin yan." Huh? Parang may laman yung sinasabi niya ah.
"Buang ka Stell. Kumain ka na nga lang dyan." Sita ko sa kanya.
"Tignan mo imbis na inaasikaso ka nang boyfriend mo, nandoon lang naglalaro, adik talaga yang jowa mo sa mga laro" hindi kasi nakatingin si Josh, kaya sabi nang sabi nang ganyan si Stellm pero kasi totoo naman. Laro nang laro, kulang nalang, iwan ako para maglaro siya eh.
"Hayaan mo siya. Masaya siya dyan eh, hayaan natin." Sagot ko sa kanya.
"Kunin ko kaya cellphone nang magkaroon nang time sayo. May nalalaman pa siyang miss ka niya, anong ginagawa niya ngayon.. naglalaro, haynako lolo Josh." Parang dismayado pa siya, pero alam ko naman na inaasar niya lang si Josh.
"Y/N. Gusto mong milktea?" Lumapit si Justin sa akin. Milktea? Sounds nice. Bet ko yun.
"Ikaw lang mag isa bibili? Pasama ka. Para kapag hinabol kayo, pwedeng tig iisa ang habulin nila." Biro ko pa sa kanya. "Chos. Pasama ka. Baka mamaya maligaw ka" ulit ko pa sa kanya.
"Ken! Halika samahan mo ako!" Tawag niya kay Ken. Agad namang tumayo si Ken sa pagkakaupo niya sa sofa. "Alis muna kami." Paalam nito sa amin
"Josh! Baka naman gusto mong kausapin si Y/N. Kanina ka pa laro nang laro dyan." Nagparinig na si Stell. Hindi naman naka earphones si Josh, kaya alam ko na naririnig yun. Agad namang tinignan ni Josh nang matalim si Stell. Sinita lang nagalit na?
"Ito na nga." Sambit niya pa. At lumapit na sa akin, tinitigan lang ako.
"O bakit mo ako tinitignan? Baka matunaw ako niyan." Sita ko sa kanya. "Josh para kang tanga. Wag mo akong tignan, tutusukin ko mata mo eh."
Paano ba naman kasi, lumapit nga tinitigan lang naman ako.
"Stell tignan mo nga tong tropa mo. Wala nang ginawa kundi ang titigan ako." Sumbong ko kay Stell. Wala namang paki si Pablo. Nagbabasa lang siya nang magazines.
"Pablo." Tawag ko sa kanya. Agad naman siyang lumingon. "Buti walang sumunod dito sa inyo." Sabi ko. Buti nalang, walang media na pumunta dito. Hindi ko matatago ang sarili ko dahil sa lintek na dextross. Gusto ko nang tangalin to.
"Wala naman." Maiksing sagot niya at bumalik muli sa pagbabasa.
May kumakatok sa pintuan. Pinagbuksan yun ni Josh, isang nurse ang pumasok.
"Ma'am kukuhanan lang po nang dugo." Sambit nito nang makalapit sa akin. Bigla namang ibinalik ni Stell, Pablo at Josh yung face mask nila. Natatakot na atang makilala. Pero mukang di naman fan si Ate. Or kilala ba niya. Pagtripan ko nga mga kasama ko.
"Miss. Kilala mo SB19?" Tanong ko sa kumukuha sa akin nang dugo. Nakita ko na pinagsingkitan ako nang mata ni Stell pati ni Josh. Hala, nanakot.
"Yes po." Sagot nito. Shit, fan naman pala. Pero bakit hindi mga nakilala.
"Sino bias mo?" Ininterview ko na yung babae, takot kasi ako sa dugo. Kaya ako nagdadaldal kasi kabado ako.
"Si Stell po." Sagot niya. Hanep, nasa tabi ko lang ang bias mo miss.
"Eh bias wrecker?" Tanong ko pa. Hala, kinilig si Ate.
"Si Josh po." Sambit niya. Sige, bias wrecker mo lang. Kasi akin yan.
"Ahh." Tangi ko nalang nasabi.
"Ma'am tapos na po. Have a great day!" Sabi niya sa akin at lumabas na siya nang kwarto ko.
"Tangalin niyo na yan." Utos ko sa kanila nang makalabas na ang medtech.
"Baliw ka Y/N. Kinabahan ako doon!" Giit sa akin ni Stell. Hindi naman niya ako mahahampas kasi, babae ako. Kala niyo ah.
"The heck. Akala ko katapusan ko na." Sabi pa ni Pablo. Natatawa ako sa reaction nila eh.
"Nako talaga Y/N. Pasalamat ka mahal kita. Ako pa bias wrecker nun." Sabi pa ni Josh.
"Okay lang na maging bias wrecker ka nila. Basta akin ka." Sabi ko at nag wink sa kanya. Hindi man halata, pero alam kong kinilig ang lalaking to.
"Y/N lang sakalam!" Sambit nang dalawa maliban kay Josh.
"Okay tama na. Nilalangam na kami." Sambit ni Stell.
......
Hello! For those who are reading my stories. Don't forget to vote and leave a comment for the engagement of this story!
Enjoy Reading😊
BINABASA MO ANG
My Charismatic Love ✔ [SB19 JOSH]
Fanfiction𝕊𝔹𝟙𝟡 𝕁𝕆𝕊ℍ×ℝ𝔼𝔸𝔻𝔼ℝ Being a PPOP idol is not that easy, undergoing hard training to keep their career, and one of the agreements is not having a girlfriend or dating someone during the duration of their career. What if an ordinary fangirl ju...