Nagulat ako nang marinig ko si Stell na nagsalita. Okay mukang nakuha na nila ako. Ramdam ko na. Yare na! bibigay ako kay Josh!!! Stell!!! bakit ka ganyan!! wala naman akong ginawang masama bakit kailangang ganito. Bwiset!! yung mata palang eh, sa loob loob ko nagpapanic na ako pero sa labas, sobrang nacucurious ako sa pagcooconvince niya. Hindi naman ako magtataray. kasi hindi yun isa sa personality ko. I am that kind of person na sobrang outgoing lang.
"Hindi ba bias niya si Josh. Why don't you try it Josh? convince her..." nako nakuha na nila ang kaliti ko. Ito na si Josh na ang babanat
"Y/N. Since mas matanda ako sa iyo nang onti. As the eldest and your bias please come with us." Hindi lang niya ito basta sinambit, bigla niya na ding hinawakan ang kamay ko at ibinaba ang bag na dala ko. Lintek!! teka lang!!! ''Sumama ka na.'' sabi niya pa sa malamig na tono.
Alam niyo! diyo talaga sa paghawak nang kamay at ibinaba yung bag na dala ko. Para bang nanghihina yung tuhod ko!
"See.... ikaw lang pala ang magpapayag dyan eh" kantsyaw ni Pablo. Nako ito talagang mga ito! Alam na alam kung papaano ang gagawin. Haist.
"Yieeee" sabay sabay silang nang-asar. Ano ba yan feeling ko kahit di ko pa siya nakakasama, sa ginagawa niya parang boyfriend ko siya. No! Hindi pwede!
"Akala ko ba kakain tayo? Tama na pang aasar guys. Kasi sa totoo lang nagugutom na ako" sabi ni Josh. Hindi ko siguro mapigilan ang kiligin. Kasi si Josh na to o. Sino ba namang hindi rurupok sa kanya?
"Ito na nga! Wag ka nang magalit. Lolo Josh" sabi ni Justin. Natatawa talaga ako kapag naririnig ko yun
"Hay kayo talaga! Pag ako gumanti nang asar sa inyo sinasabi ko na talaga" sabi niya. At nakita niya akong nasa likod na tahimik. Pinauna ko kasi silang maglakad.
"Bat nasa likod ka. Dito ka baka bigla kang mawala. Yare pa kami" sabi ni Josh at kinuha ung kamay ko at hinila papunta sa harap nila.
"Nako nako! Baka magkadevelopan kayong dalawa dyan ha! Hoy Josh! Tigilan mo na" sabi ni Pablo.
"Bagay kayo" asar naman ni Ken. Nako ito na nagsisimula nanaman silang mag asaran at ako pa ang napiling bida.. ''Kahit ako ang nauna mong nagustuhan, pinapaubaya na kita. HAHAHAHA.'' he laughed. yung tawa talaga ni Ken sobrang nakakahawa walangya!
"Nope hindi sila bagay kasi...tao sila" banat ni Justin. Aba talaga hanggang dito nadala ako ka kornihan niya
"Okay guys isang joke nanaman ang namatay! Saan natin to ililibing ako na bahala" sabi ni Stell. At ako naman tong natawa
"Pasensya ka na sa kanila ah. Ganyan talaga yang mga yan sobrang galing mang asar. Masasanay ka din since matagal mo kaming makakasama" sabi ni Josh sa akin. Kaya napatingin ako sa kanya. Syempre alam ko yun isa nga ako sa fans nila dba? Syempre alam ko na kung gaano sila kakulit.
"Ano ka ba. Hindi ba fan niyo ako malamang alam kong ganyan nga ang ugali niyo" sabi ko na ikinatawa niya.
"Uyyy may sariling mundo yung dalawa. Parang wala tayo dito eh" pang aasar ni Sejun. Tinignan nang masama ni Josh si Pablo at yun nanahimik siya.
"Tigilan niyo na nga" sabi ni Josh at sumunod naman maliban kay Stell syempre.
"Nagagalit na si Lolo Josh. Tahimik na tayo" pang aasar ni Stell.
"Bahala na nga kayo" sabi ni Josh at nanahimik na lang. Hindi ako makapaniwalang kasama ko sila ngayon parang isang panaginip lang eh
.......
Hello! For those who are reading my stories. Don't forget to vote and leave a comment for the engagement of this story!
Enjoy Reading😊
BINABASA MO ANG
My Charismatic Love ✔ [SB19 JOSH]
Fanfiction𝕊𝔹𝟙𝟡 𝕁𝕆𝕊ℍ×ℝ𝔼𝔸𝔻𝔼ℝ Being a PPOP idol is not that easy, undergoing hard training to keep their career, and one of the agreements is not having a girlfriend or dating someone during the duration of their career. What if an ordinary fangirl ju...