21

145 3 0
                                    

Y/N's POV

Full Schedule sila this week. Halos araw araw may mall show kaya halos araw araw ito na ang nagiging routine ko na. At halos araw araw din damang dama ko ang pagod na inaalay nila para lang mapasaya ang napakarami nilang taga-hanga. 

"So guys anong pwede kong gawin?" Tanong ko sa kanila. Kasi alam ko namang marunong na sila. At hindi na nila kailangan na ako pa ang make up sa kanila. Pero siguro kung rush talaga talagang tutulong ako.

"Ano na lang Y/N. Tulungan mo na lang ako. Medyo mahirap hirap din silang ayusan." Sagot ni Stell sakin.  Ako naman tong tumayo sa kinatataupuan ko at inilapag na ung mga gamit sa vanity.

"So sinong mauuna? Upo na kayo dito" sabi ko sa kanila. Hindi naman sila kaagad nagsalita so.. sino ba talaga ang mauuna?

"Ganto na lang. Bato bato pik ang matalo yun ang mauuna." Suhetsyon ni Justin. Nako ito nanaman sila.

"Ayaw ko nga. Gusto ko maging huli." Sabi ni Sejun. Oo nga pala palaging talo si Sejun. Lakas talaga nilang mang asar. Kanina pa ako nagpipigil na tumawa dito.

"Edi by age na lang. Josh una ka na" asar pa ni Stell. Ito talagang mga ito. Mas cute silang tignan nang malapitan lalo na tong si Josh. Ang cute talaga nang bias ko.

"Eh magsimula kaya tayo sa mas mukang matanda." Balik naman nito kay Sejun. Aba ayaw patalo.

"So guys sino ba talaga?" Sabi ko sa kanila. Ilang oras na lang kailangan na naming umalis. At hanggang ngayon hindi pa rin ayos kasi nagtatalo pa sila.

Kung ako kaya ang magtawag.

"Josh. Umupo ka na dito." Tawag ko kay Josh. Nahihiya man ako pero sige uunahin ko na siya. Okay Y/N trabaho lang. Trabaho lang okay lang maging fangirl basta alam ko ang limit ko.  Agad namang tumayo si Josh sa upuan at lumipat sa may upuan sa harap nang vanity.

Hinawakan ko ang pang make up at dahan dahan kong idinampi sa muka niya. Shet hindi ko na talaga alam. Kaya bias ko to eh. Muka talaga siyang bata. Hindi ako nagkamali nang bias. Shet kinikilig ako. Habang inaayusan ko siya. Bigla niyang kinuha yung kamay ko na ikinagulat ko.

"Bakit?" Tanong ko sa kanya. Nakaramdam ako nang kung anong kaba nung ginawa niya yun. Stop! Hindi to maari, yare ako sa trabaho ko. 

"Yung kabila hindi masyadong pantay." Sabi niya. Ako naman tong natahimik na lang. Hayst yan kasi Y/N parang baliw hindi nag fofocus sa trabaho. Nakakapang starstruck naman to.

"Ay sorry. Bawasan ko na lang masyado bang makapal?" Sabi ko sa kanya. Umiling naman siya so hindi makapal? so anong gagawin ko? hindi naman pala makapal. 

"Pantayin mo na lang yung dito." Sabi niya sabay turo sa may part na sobrang kapal na foundation na inilagay ko. "Ayan ayos na" sabi niya at tumingin sa salamin para ayusin ung buhok. Ako naman tong nakakita nang nakaharang sa mata niya. Pilikmata yun. Lumapit ako sa kanya.

"Josh. Saglit wag kang gagalaw." Sabi ko sa kanya. Tumigil naman siya at nakatitig na sa akin. Josh ano ba! Wag kang ganyan baka makalimutan ko kung ano ang trabaho ko. "Ayan n-naalis na." Sabi ko. Siya naman tong naka ngiti sakin parang baliw. 

"Ehem. May pumuporma dyan." Parinig ni Ken habang nandun siya sa waiting area. Hanep saglit lang naman Ken bat nakiki isa ka sa nang aasar. Actually di naman ako naasar. Kinikilig ako. Di ko na kaya. Sana hindi ako mafall.

Okay kalma self. Kalma.

"Ken halika na dito." Tawag ko sa kanya umalis na si Josh sa kinauupuan niya kanina at dito naman umupo si Ken. "Ayy oo nga pala Josh. May lip balm dyan baka gusto mong gamitin. Kayo baka gusto niyo" pahabol ko pa. Para magmukang natural ang itsura nila sa fanmeet.

Fanmeet na magpeperform din sila. And ako yung nandito silent fan na kapag backstage sa kanila naka supporta. Isang ordinaryong fangirl na nagtratrabaho sa kanila.

"Ayan okay na ba yan Ken?" Tanong ko sa kanya. Shet ang gwapo ni Ken nag sweswerve ako saglet lang naman. Magpakaloyal kahit sa trabaho.

"Okay na yan Y/N salamat!" Sabi niya at umalis na.

"Okay na kayo? Pasundo na tayo kay Kuya Yuri." Sabi ko sa kanila. "Tatawagan ko na siya" sunod ko pang sinambit at inayos ko na ang mga gamit para mamaya kapag kailangang mag retouch.

"Y/N sabi mo fan ka namin dba? Asan ang phone mo? Kunin mo tas picture tayo tas pirmahan namin yung phone case." Sabi ni Stell. Halaaa saglit lang naman

"Sino ba naman ako para tumanggi." Sabi ko sa kanila. Kaagad kong kinuha ung phone ko sa bulsa ko. Agad namang nauna si Sejun na nakipag picture sakin tapos sumunod si Ken. Sunod si Stell,Sunod si Justin and lastly my bias. Josh...

"Lahat naman tayo. Jah paki naman" sabi ni Stell

"Ang galing ginawa mo akong selfie stick. Ayos ka ah" reklamo ni Justin

"Okay lang yan mahal ka naman namin" asar pa ni Sejun.

"Akin na nga." Sabi ni Justin tapos inangat niya na yung phone ko at nag picture na kami. First ever pic.

3...2...1.. click.

"Okay guys andyan na daw si Kuya Yuri. Kasama sila Ms Hong at Sir Robin. Tara na." Sabi ko sa kanila. "Kung may gusto kayo sabihin niyo lang. Ready ako parati" biro ko pa.

"Tara na." Aya ni Stell.

"Let's Go!"

On the way sa fanmeet. Grabe libre ko mapapanood kaya I love my job. Ayaw ko silang iwan pero wala eh may kontrata. Kailangan ko siyang sundin.

......

Hello! For those who are reading my stories. Don't forget to vote and leave a comment for the engagement of this story!

Enjoy Reading😊

My Charismatic Love ✔ [SB19 JOSH]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon