46

127 4 2
                                    


After three years

"Guys! Delikado kayo" bungad sa aking sinabi nang maka pasok ako sa van namin. Anong nangyare? Nakita ko naman na parang hindi problemado si Josh, pero bakit problemado sila.

May problema ba?

"Guys anong nangyari?" Nag alalang sinabi ko. Biglang bumigat yung pakiramdam ko.

"Y/N. May nag leaked na photo na may nakakita sa inyo na magkasama." Sabi ni Stell.

Shit! Sabi ko na nga ba eh, bakit ba kasi siya pumunta kahapon. Mapapahamak na kaya ako sa twitter? Shit talaga

"Paano?" Nagtatakang tanong ko. Nasa byahe pa rin kami, nag uusap habang wala pa sa main office, hindi kaya this time, mawalan na ako nang trabaho?

"Kalat na kalat na sa mga social media. Sabi nang ibang staff natin, kailangan maglabas nang statement ni Josh." Sabi ni Pablo. Takte ano nang gagawin ko?

"Hoy Josh! Ano nang gagawin natin?"tarantang sinabi ko sa kanya.  Hindi ko na mapigilan ang mataranta.

"Matatangap naman nila. Let's just comfirmed it." Malamig niyang sinabi.

Talagang aamin kami? Shit. Ito na yung oras na gusto ko na lang na magpalamon sa lupa.

"Sigurado ka ba Josh? Hindi kaya masyado pang maaga?" Giit ko sa kanya. Mapipigilan ko pa ba siya?

"Alam na nila. Kailangan na nating gawin to." Sabi pa niya.

Hindi kaya mabash ako kasi... kasi isa lang naman akong babaeng nadaan dito at naging PA. At hindi inasahan na magiging kami nang isang Josh Cullen Santos.

"Okay fine." Napasinghap nalang ako. Wala akong magagawa, no one can stop him.

"Ako na lang ang kakausap kay Sir Charles, Ms Hong, at Tatang." Sabi niya pa. Aish, feeling ko talaga mawawalan ako nang trabaho.

Kasama ko nga ang taong mahal ko.. pero mawawalan naman ako nang trabaho.

.....

Pagdating namin sa office, nakapamewang na si Ms. Hong at mukang dismayado na siya.

"To my office. Now." Sambit sa amin ni Ms. Hong, this time hindi lang si Josh ang pinatawag, isa na ako.

"What happened? I told you two, not to get caught right?" Sita niya sa amin. "Now. How can you explain this to me?" Galit nitong tanong.

"Ms. Hong. We are wearing a mask, definitely safe in identity." Sumabat na ako. "I'm so sorry Ms. Hong..." paghingi ko nang tawad.

"I want to release a statement Ms. Hong. I know that the fans will accept us." Pilit niyang kinumbunsi si Ms Hong.

"Josh, Your career depends on it, Y / N can be bashed" sabi pa nito. Handa na ba akong mabash at abangan nang mga fans sa kanto?

"I can protect her." Maawtoridad nitong sagot kay Ms. Hong, ako tahimik lang. Wala akong masabi kasi naman, wala talaga. Sobrang nahihiya ako. Bakit ka ba kasi nainlove sa isang idol.

"I will explain on social media platforms what we really are. To make them clear." Sinusubukan niyang kumbinsihin si Ms. Hong.

"I trust you Josh you won't give up right? why are you not careful? I did allow you even though I shouldn't have, right? fix it." Parang nanlisik ang mata ni Ms. Hong,

Sabagay, alam ko naman kung saan niya nakukuha ang galit niya. Kasi ang entertainment na to ang nakasalalay. Career nang SB19 ang nakasalalay. Eh kung tigilan na lang kaya.

"Fix this. Josh," ang huling sinabi niya at lumabas na nang office.

"Josh. Tigilan na kaya natin to? Career niyo ang nakasalalay dito." Hindi ko mapigilan na sabihin to.

"No. Pagkatapos nang mga pinagdaanan natin, susuko ka na lang?" Nataasan niya ako nang boses, napansin ko nalang na parang biglang tumulo yung mga luha ko.

Bakit ang sakit? Hindi ko siya kayang pakawalan, pero kailangan.

"Josh, Alam kong mahal na mahal mo ang performing. And I don't want you to lose your career dahil lang sa mahal mo ako." Giit ko sa kanya.

"I won't lose my career. Kasama ka sa pag angat ko.Y/N," para siyang nagmamakaawa.

"Hindi. Ikaw at ang mga members at fans mo ang nag aangat sayo, sa inyo. Hindi ako! Isang simpleng PA lang ako. PA mo lang ako." Nasabi ko na ang lahat, bakit ayaw mo pa akong pakawalan?

Josh.... ako ang nahihirapan..

"Please...Itigil natin to. Balik--Balik nalang tayo sa dati, Yung trabaho lang." Sabi ko pa at sinubukan niya akong yakapin pero nagpumiglas ako. Ayaw ko na, baka pagkatapos nang mga sinabi ko. Imbis na lumayo ako, bumalik din ako sa kanya.

"Ayaw ko..." may diin sa mga sinabi niya.

"Ayaw ko na. Josh, Itigil na natin to." Sabi ko at ngayon ang pakiramdam ko, anytime babagsak na ako. Gusto nang bumigay nang mga paa ko, pero hindi dapat bago ako bumigay. Wala na ako sa harap niya.

Kaya mo to Y/N.

"Wag mo akong iwan Y/N. Pagsubok lang to." Napatigil ako sa paglalakad ko. Kailangan kong magpatuloy sa paglalakad... kailangan kong mawala sa paningin niya.

Makakalimutan niya din ako... madami pang dadating sa kanya, hindi lang ako.

.....

Hello! For those who are reading my stories. Don't forget to vote and leave a comment for the engagement of this story!

Enjoy Reading😊

My Charismatic Love ✔ [SB19 JOSH]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon