43

126 6 0
                                    

Kinabukasan, Nakakita ako nang isang tweet na nagnotif sa akin. Si Josh nag tweet. Umagang umaga pero ganto ang bungad sa akin. 

''Shit.'' napamura nalang ako sa tweet niya. Kinlear niya lahat nang sinabi niya kahapon. Putek buti nalang hindi niya ako minention doon. 

Tinawagan ko naman kaagad si Josh. Hindi siya sumasagot. Putek, Parang tulog pa yun ah. Ano ba ngayon? Sabado? Shit talaga.Rest day niya. Nag stream siya kagabi pero hindi ko na din napanood kasi inaantok na talaga ako. Hindi kaya yung tweet niya  na may nakalagay din na stream.. may sinabi din siya doon? Aish, Panoorin ko kaya? Wala namang mawawala kung papaanorin ko yung stream niya dba?

umupo ako sa sofa ko at kinuha ko yung phone ko, pinanood ko yung stream pero yung medyo sa kalahati na, may pag aadvice na nagaganap. ito kasi yung nakita kong time doon sa twitter so doon kaagad ako pumunta. 

''Alam niyo guys. Kapag mahal niyo yung tao, kahit mahirap. willing niyong ipaglaban'' sabu nito habang naglalaro siya sa stream niya. 

''Sino yung babaeng tinutukoy mo?'' basa niya sa comments na nagbibigay nang stars, doon mas kinabahan ako. Sasabihin niya kaya?

''Guys, Kalma lang kayo. Ipapakilala ko sa inyo soon.'' sagot niya. Ako naman tong napasapo nalang sa noo ko. Takte, Ibang iba kapag inlove si Josh, Kung ano ano lumalabas sa bibig niya. 

''Ilan bang stars bago mo siya ireveal? Or ilang viewers'' tanong pa nang isang viewer na nagbigay nang stars. Taray ang yaman naman nang mga to, Magpapareveal talaga kayo ah. hindi ko alam pero the whole time na nanonood ako nakangiti lang ako. 

''Hindi muna ako magrereveal kahit tadtarin niyo ako nang stars. '' sabi niya at napa smirk siya. Shit, ang gwapo nang boyfriend ko. Naks, natawag nang boyfriend. para kang tanga Y/N. 

''Ang damot mo naman ssob.'' basa niya pa sa isang comment. Madamot? hindi naman ngayon lang yan. 

''Hindi ako madamot, sadyang ayaw ko muna siyang mapahamak.'' sabi niya pa. ''Kapag sinabi ko sa inyo kung sino siya, ready na siya. sa ngayon hindi muna.'' Paliwanag niya pa. 

Aish, kapag talaga tong lalaking to kung ano ano ang pinagsasabi sa live niya, kapag to nadulas. ay jusko. 

''Ilang oras na ba akong naka live?'' tanong niya sa sarili niya. Ilang hours ba siyang naglive? Four hours straight. Aba immortal ata tong lalaking to. ''Kapag alas kwatro na. eend ko na yung stream ko.'' sabi niya pa. 

Pinanood ko lang naman yung live niya, para malaman ko kung baka nag name drop siya. or mga picture na pinakita niya. kasi kapag nagkataon. takte talaga.  So far wala naman siyang nasabing ikakapahamak ko. 

Nakita kong tumatawag si Josh sa akin. 

''Bakit ka tumatawag?'' tanong sa akin nito mula sa kabilang linya. 

''Wala lang. Naglive ka pala kagabi.'' sabi ko at napatikom nalang. 

''Oo, Hindi pa kasi ako inaantok.'' saad niya.  ''Bakit? Pinanood mo lahat? Binantayan mo kung anong sasabihin ko ano?'' Parang nang-aasar na tono niya. 

''Baliw. oo na nga. Chineck ko.'' napabitaw nalang ako. 

''Wag kang mag-alala. Hindi ako magname name drop. Nakita mo naman siguro kung paano ko sinagot dba?'' Paninguradong sagot nito sa akin. Ay talaga, kapag kasi may nagawa siyang hindi maayos, humanda talaga siya sakin.

''O sige na ibaba ko na to,'' paalam ko sa kanya, hindi naman siya umimik. Ibinaba na din yung call. akala ko naman sasabihin niya na wag muna. Napaka assuming ko talaga Aish. 

My Charismatic Love ✔ [SB19 JOSH]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon