38

125 5 0
                                    

Y/N POV.

Nasa backstage kami ngayon, Ito kasi yung pinaka engrande na concert dito sa manila. Nakita ko kung paano napuno ang arena na to. lahat nang fans dala yung mga lightstick nila, Ako yung mga ganun ko, nasa bahay. Hindi ko man lang nadala, naging flashlight na sa bahay ko na ubod nang dilim. 

''Guys ready na kayo? You can do this!'' sabi ko pa sa kanila, bago sila umakyat nang stage. 

''Get in the zone!'' panimula ni Sejun. Bakit kinikilabutan ako ngayon. Ang lamig naman sa araneta. 

''Break!'' sagot nang ibang miyembro. 

''Kahit na kilala niyo na kami, Magpapakilala muna kami ulit.'' sabi ni Stell. 

''Simulan mo na Josh.'' sabi pa ni Ken kay Josh. ''Hello! I am the most charismatic member of SB19, my name is Josh.'' pakilala nito. Parang ang bigat ata nang pakiramdam ko. 

''Hello I am the main dancer of SB19, my name is Ken.'' pakilala ni Ken, 

''Hello. Ako ang heavenly voice sa grupo, My name is Stell.'' pakilala ni Stell. 

''Hello my name is Sejun'' pakilala ni Sejun,

''And I am the youngest member of SB19. My name is Justin.'' pakilala ni Justin

Tumahimik silang saglit silang apat tapos si Josh naman yung nagsalita. 

''Before we start our performances, May gusto lang akong sabihin.'' panimula niya. Mukang may idea naman yung mga miyembro kung anong gagawin niya, kasi nakikita ko na kinikilig yung bawat miyembro. Ano bang gagawin nito?

Manghaharana ba to nang fans?

''i Just wanted to confess something.'' shit mukang delikado ako ah. Hindi kaya ako yung sasabihan niya?

mawawalan na ba ako nang trabaho?

''May babae akong nagugustuhan, I won't drop her name. pero kung mapapanood mo man to or nandito ka live na nanonood. I'm, willing to wait, Basta alam kong may aasahan akong sagot.'' sabi nito. 

hindi niya sinabi yung pangalan ko. Pero matatalino ang fans nila, mahahalata nila kung sino yun. Takte ka talaga Josh, Paano kung mawawalan ako nang trabaho. 

''Ang if ever man na sagutin niya ako,Please don't spread rumors about us. I don't want to see her cry. Please, just support us. She's my happiness.'' seryosong sabi nito.

Putcha! ako nga yung tinutukoy niya. Tumingin naman ako sa audience. Hindi kaya bukas.. Viral na to? Putek. Ayaw kong mawalan nang trabaho. 

''Ayieeee kakaiba ang Josh natin.'' asar ni Stell sa kanya sa stage. nakita ko naman na pinandilantan ni Josh si Stell. Itong dalawang to, hindi ko na talaga malaman kung anong pinag-gagawang kalokohan sa stage eh. 

''Sino kaya yun?''ginatungan pa ni Sejun. Ito talagang si Pablo o. yare to sa akin mamaya. Sana hindi ako tawagin mamaya nang mga staff pa kapag nagka idea na sila kung sino talaga, 

''Hindi siya sikat dba?'' sabi pa ni Ken.  putek talaga, mukang trending na to sa twitter mamaya. 

''Okay Guys tama na yan, Mag perform na tayo.'' sita sa kanila ni Justin. Okay niligtas niya ako sa kahihiyan

''Let's perform Alab!'' sigaw ni Sejun na nagpaingay sa mga fans nila. 

Hey Yeah~~~

Ano bang meron sa ngiti mo?

''Girl I'm Dyin'' nakisabay ako sa fanchant na sinisigaw nila. 

Di ka na maalis sa isipan ko

''Impossible!'' sigaw pa nilang muli. 

ito na yung rap part ni Josh!

Ano ba ang ginawa mo? 

Ang mundo ko ay kontrolado! 

Ako pa ba ako? Mukang malabo.

No I can't figure this one out

Nung kinakanta niya to, Oo nakatingin sa audience pero tumitingin din siya sa may side kung saan ako nakapwesto. 

.....
Hello! For those who are reading my stories. Don't forget to vote and leave a comment for the engagement of this story!

Enjoy Reading😊


My Charismatic Love ✔ [SB19 JOSH]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon