14

147 5 0
                                    

Tapos na lahat nang pag-aayos nila. hindi naman ako nahirapan kasi sila din mismo ang tumtulong sa akin kung paano sila magmumukang natural sa stage. 

''Maganda pala mag make up tong si Y/N eh. Hindi talaga nagkamali nang pagpili sayo!''Saad ni Ken. Narinig ko naman yung tawa niya na nakakahawa kaya medyo nahawa ako. 

''tinulungan niyo din naman ako, so may nalaman din ako kung paano kayo aayusan.'' sabi ko pa. hindi ako satisfied sa gawa ko kanina, kaya ayun tinulungan talaga nila ako. 

''uhm. Josh. Okay lang bang ayusin ko yung buhok mo? May naisip kasi akong style.'' tanong ko sa kanya nang malapitan ko siya, may naisip kasi akong style sa buhok niya na babagay talaga sa event na ngayon. 

Hindi naman siya sumagot. So it means hahayaan niya lang ako. 

''Teka, kunin ko lang yung pamplantsya nang buhok.'' sabi ko at dali dali naman akong pumunta sa may vanity kung nasaan lahat nang gamit ko. nakita ko naman kaagad at kinuha ko na.  ''Upo ka na muna,Tska hindi kita abot.'' sabi ko pa. Ang liit ko. 

''Maganda ba yan?'' may pagdududa sa boses nito. Parang okay naman siya kanina, pero bakit ngayon nagdududa na siya? ''biro lang. sige na gawin mo na.'' bawi niya. 

Napangiti naman ako.

Inayos ko na yung buhok niya, gumamit na din ako nang spray para hindi to masyadong magalaw mamaya, lalo na madami dami silang sasayawin. 

''Done.'' sambit ko nang matapos ko na. Tumayo naman siya sa kinauupuan niya at tumingin sa salamin. 

''Wow!'' Sabi ni Stell nang makita si Josh. ''Ang ganda dre. Bagay sayo!'' sabi pa nito. Nakakaproud naman yung ginawa ko. Akala ko talaga sa isip ko lang ba yung bagay sa kanya na hair style. 

''Y/N ako din. yung bagay sa akin na ayos.'' sabi ni Sejun. Parang magandang itirintas yung buhok niya ah. yung isang side lang. 

''Upo ka na dyan. May kukunin lang ako.'' sabi ko. Nakaupo lang kasi siya sa sofa kung saan din inayusan si Josh. 

kinuha ko yung sanrio ko sa may maliit na wallet, tapos bumalik na ako kaagad sa kanya. 

''Tingin ka sa side mo, Itong part lang na to yung gagalawin ko.'' sabi ko sa kanya at agad naman siyang sumunod. 

Buti nalang talaga natuto akong magtirintas, kasi kung hindi baka hindi ko pa magawa to. 

''Done.'' nilagyan ko na lang nang spray para hindi siya magalaw mamaya. 

''Thank you Y/N.'' sabi ni Sejun at agad na siyang tumayo at inayos ang kanyang sarili habang nakatingin sa salamin. 

....

Hello! For those who are reading my stories. Don't forget to vote and leave a comment for the engagement of this story!

Enjoy Reading😊

My Charismatic Love ✔ [SB19 JOSH]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon