26

141 4 1
                                    

nandito na kami sa condo unit nila. bumaba na silang apat pero si Josh hindi pa. Ang tagal naman nito. 

''Josh. di ka pa ba inaantok? Nasa taas na sila o'' sabi ko at pumamewang sa harap niya. Ang tagal naman ako din inaantok na gusto ko nang umuwi. 

''Bago ako bumababa. Pwede bang mag usap tayo'' seryosong sinabi niya. bakit bigla akong kinabahan, Bakit? sige baka tungkol naman to sa trabaho. Gumilid kami para maipark muna ni kuya yuri. bibili daw muna kasi nang kape si kuya yuri kasi masyadong madaming nakain kanina. ''may park malapit dito. doon tayo'' sabi niya at hinawakan niya yung kamay ko. Parang may iba,

Umupo ako sa may seesaw sa left side siya naman sa right side. 

''Tungkol ba saan to?'' seryosong tanong ko sa kanya. Parang ang bigat nang pakiramdam ko. sana nga tungkol to sa trabaho. 

''I think.. Kailangan mo na tong malaman. Ang hirap kasi magtago'' pag amin nito. Anong mahirap magtago? Sinasabi niya bang--No hindi pwede. hindi talaga.  ''Please let me explain first, bago ka mag react kasi baka mawala sa isip ko yung mga sinasabi ko.'' sabi pa nito. Yung kamay ko ang lamig na, nagiging pasmado dahil sa kaba, Josh Cullen kakaiba ka talaga. ''Simula nang pumasok ka sa kompanya, Hindi ko mapigilang humanga sayo,kapag kinakausap mo ako, parang nablablanko ako. Hindi ko din makalimutan ang boses mo. Namimiss kita, gusto ko parati kang nasa tabi ko.'' sabi niya at hinawakan ang kamay ko. Sabi  ko na eh. Pero mali talaga.

Mali ba talaga? na minahal mo lang naman yung taong gusto mong mahalin o mali kasi ayon ang hindi dapat sundin kasi nasa kontrata na bawal. 

''Josh. Alam mo namang hindi pwede dba? Empleyado niyo ako. Hindi pwe--'' sabi ko pa, pero pinutol niya yung sinabi ko. 

''Walang mali. Walang mali sa taong nagmamahal.'' sabi pa nito. Sabi ko hanggang fangirl lang ako pero bakit may ganto. sabi ko pipigilan ko yung sarili ko. 

''Gusto kita, kasi fangirl ako. Hindi ko din alam pero kada kasama kita, may humihigit sa pagka fangirl ko sayo'' paliwanag ko.gulong gulo na ako sa nararamdaman ko. 

''Gusto mo din ako.?'' nauutal niyang sinabi. Gusto na yata siya. more than a idol. Gusto kita Josh pero parang mali talaga. 

''Oo. pero kasi---'' pinutol niya yung sinabi ko bigla siya tumayo sa harap ko at binigyan ako nang mabilisang halik . ''Hoy!'' sita ko sa kanya. napangiti naman siya. ''Paano kung may nakakita siraulo ka talaga.'' sabi ko at tinakpan ko yung muka ko. Nakakahiya. 

''We can date secretly.'' maawtoridad nitong sinabi. Ano? lihim? kaya ko ba? kaya ba namin?

''Nope, hindi natin kaya yun. masyado ka. mahahalata kaagad nila.'' sabi ko pa. Kasi naman kahit nung hindi pa siya umaamin grabe na to kung banatan ako harap harapan sa mga ka grupo niya. baka mas malala kung talagang papanindigan namin to. Gusto ko maranasan. pero ayaw ko pa kasi mali. lalo na nagtratrabaho ako sa kompanyang to. 

''Kaya ko. Can you please trust me?'' pag mamakaawa nito. Ang isang Josh Cullen nang SB19 nandito sa harap ko umaamin na gusto ako. kung panaginip to ayaw ko nang magising. 

napahinga akong malalim. ''Hindi naman siguro masama ang sumugal?'' . hindi naman siguro masama kung bibigyan ko nang tsansa dba? Okay. Sana talaga mag work to. niyakap niya ako. kumalas ako sa pagkakayakap niya sa akin at nagsalita.  ''Pero teka. ano tayo na? walang ligaw ligaw? Walang thrill'' reklamo ko sa kanya. Gusto ko pa man din maranasan yung ligawan. 

''gusto mo ba? willing ko naman gawin.'' seryosong sinabi niya. ''Pero hindi ako expert dyan. try ko mag research.'' sabi pa nito. Ang sweet nang lalaking to. parang ang swerte ko naman. wala nang atrasan to. Josh Cullen Santos is now my suitor. 

......

Hello! For those who are reading my stories. Don't forget to vote and leave a comment for the engagement of this story!

Enjoy Reading😊





My Charismatic Love ✔ [SB19 JOSH]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon