52

129 4 0
                                    

Josh's POV.

Ang tamlay nang itsura ni y/n. I don't know pero parang nasesense ko na hindi siya okay ngayon. Napatakbo nalang ako sa kanya nang makita ko na pabagsak na siya, buti nalang agad ko siyang nasalo, kasi kung hindi baka nabagok pa ung ulo niya. Ano bang nangyari sayo Y/N... kasi naman eh, kulang sa pahinga.

"Guys, Medic." Natatarantang sabi ni Justin. Ako na kanina pa akong kabado, kasi hindi ko talaga alam kung anong gagawin ko sa kanya.

"Josh, buhatin mo na siya. Dalhin natin sa clinic si Y/N! Dali!" Bigla kong narinig ang boses ni Ate Rappl. Ano bang nangyayari sa kanya?

Nang makarating kami sa clinic. Buti nalang may naligaw na doctor doon.

"Alam niyo ba na may sakit tong batang to sa puso?" Sabi nung doctor. Shit. "She needs to be  confined and I think, she needs a surgery." Seryosong sabi nang doctor.

"Josh.  Tawagan mo mama niya." Utos sa akin ni Ate Rappl. Agad naman akong lumabas nang clinic. Kinuha ko yung phone ni Y/N. Kasi nandun yung contact number nang mother niya.

"Hello Tita. Si Josh po ito." Pakilala ko. "Uhm.. Si Y/N po kasi...nasa clinic po namin, may nasabi po ba siya na may sakit po siya?" Tanong ko sa nanay niya.

"Ha? Anong nangyari sa anak ko?" Nagtatakang tanong nito.

"Sabi po kasi nang doctor sa amin, She has a heart problem po, and needs a urgent surgery." Paliwanag ko. Sobrang bigat nang pakiramdam ko.

"Hindi niya sinabi sa amin tungkol dyan. Haynako talagang bata yan." Halata ko naman ang pag aalala nang nanay niya.

"Kami na lang po ang bahala dito. Kung gusto niyo pong bisitahin ang anak niyo, sabihan niyo lang po ako." Sabi ko pa

"Salamat Hijo... paki alagaan muna yung anak ko, habang wala ako sa tabi niya ah." Sabi sa akin nang nanay ni Y/N.

Ibinaba na din ang tawag, bumalik na ako sa loob at nakita ko naman na may malay na si Y/N. Agad naman akong umupo sa may gilid nang kama. Yung boys, nakatingin lang sa kanya.

"Kamusta na?" Nag aalalang tanong ko sa kanya.

"Ayos lang ako. Back to work na." Sagot niya. Pero pinigil ko siya sa pagtayo.

"Kailangan mong magpahinga. Bakit hindi mo sinabi sa amin na may sakit ka sa puso? Kailan pa? To much work ang ginagawa mo." Sita ko sa kanya. Hindi ko na mapigilan ang sarili ko.

"Kasi kailangan ko. Ako nalang ang tanging nagtratrabaho sa pamilya namin." Giit niya at nakikita ko na umiiyak na siya. "Hirap na hirap na ako, at dumating pa tong sakit na to. Bakit hindi nalang ako pinatay, pinahirapan pa ako." Sabi niya pa.

Itong naririnig ko kay Y/N. I'm so touch, ganto niya kamahal ang pamilya niya. Kahit na mahirap, she's willing to risk anything.

"Pwede bang magka day off si Y/N? Like for months.?" Singit na tanong ni Pablo.

"Oo naman." Sagot ni Ate Rappl.

"Y/N. Take a month break, at magpalakas ka para sa surgery." Sabi ko sa kanya. Nahihirapan ako kapag nakikita ko siyang nahihirapan. She's in pain.

"Magpa check up ka na din." Sabi din ni Ken. Y/N is so important to us, para na namin siyang kapatid. Pero sa akin, As her boyfriend, gusto ko palagi na healthy siya

"Sasamahan kita sa check up mo. Hihiram na lang muna ako nang sasakyan, bawal kang mapagod Y/N." Sabi ko dito.

"Boys, okay nga lang ako. Pahinga lang to."  Pilit niya pa.

"No. Hindi ka okay Y/N. Wag ka na ngang makulit." Sita sa kanya ni Stell. Ang dami na naming nanita sa kanya pero nag iinsist pa rin siya na okay siya, at kaya niyang magtrabaho. Napakakulit talaga

"Okay sige." Hindi na siya nakipagtalo. Aish, nakinig na din ang makulit na bata.

........................

Y/N POV.

Naiinis ako sa karamdaman na to. Imbis na ito ang maging puhunan ko para magkaroon nang trabaho, nagkasakit pa ako at kailangan kong magpa opera. Damn this heart.

"Bakit ba kasi ako nagkaroon nang ganito? Damn this heart!" Lumabas ako nang clinic, pumanik ako nang rooftop. Isang floor lang naman yun, bago ako makarating yes. Nakakahingal pero hindi ko na kayang hindi ko masigaw ang gusto kong isigaw.

"LETSENG BUHAY TO! BAKIT SA DAMI NANG TAO AKO PA! BAKIT AKO!" Sigaw ko pang muli. Alam niyo yung gusto ko nang tumalon sa building na to. Gusto ko nang tapusin ang buhay ko, walang kasiguraduhan na magsusurvive ako sa estado na yun.

"AKO NA NGA LANG ANG INAASAHAN NANG PAMILYA KO, BINIGYAN PA AKO NANG KAHINAAN! BAKIT NAMAN GANUN!" Sigaw ko pa. Wala namang makakarinig sa akin dito, so... okay lang na sumigaw ako, talagang hindi ko lang nakayanan.

Humakbang ako pabalik at huminga nang malalim., I need to calm down, yung puso ko. Nahihirapan na.

"Inhale....Exhale..." Paulit ulit kong sinasabi para mapakalma ang sarili ko.

"Y/N... Kaya mo to, lalaban ka." Sinubukan kong imotivate ang sarili ko. Kasi kapag nawalan na ako nang motivation, baka wakasan ko na ang buhay ko.

"Inhale...Exhale..." huminga muli ako nang malalim.

"Kaya mo to. Matapang ka Y/N." Sabi ko pa sa sarili ko. "Hindi ka dapat mawala. May pamilya ka pa," tumulo na unti unti yung mga luha ko. "Ikaw ang bumubuhay sa kanila, kailangan mong tatagan ang loob mo. Y/N,"

Kailangan kong maging matatag. Sa akin sila naniniwala, ako ang bumubuhay sa pamilya ko, kailangan kong maging matatag. Mabubuhay ka pa Y/N. Sana maging successful ang opperation ko kung sakali mang ooperahan ako. Takte, kulang pa ang ipon ko.

......

Hello! For those who are reading my stories. Don't forget to vote and leave a comment for the engagement of this story!

Enjoy Reading😊


My Charismatic Love ✔ [SB19 JOSH]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon