35

129 5 0
                                    

4:00PM 

Nalingat lang ako nang saglit, Pagkatingin ko sa orasan, alas kwarto na pala. pero wala pa sila, kanina pa ako kabado dito, para naman akong tanga. Haynako Y/N. kumalma ka nga. Tumambay na muna ako sa may kusina at kinuha yung isang binili ko na tteokbokki at niluto muna, Nagugutom na talaga ako, hindi na kaya nang sikmura ko. 

Magsisimula na dapat ako kumain nang biglang may kumatok sa pinto ko. Baka sila na to, tumayo naman ako sa kinauupuan ko at binuksan ko na yung pinto. Bumungad sa akin si Justin, aba unang una. 

''Yow.'' bati ko sa kanya. ngumiti naman siya. Naka mask silang lahat, sana nga talaga walang nakakilala sa kanila, 

''Pasok na kayo.'' sabi ko at medyo lumihis para makadaan sila, Hindi pa rin ako makapaniwala na SB19 nasa bahay ko. Kahit siguro sinong fan nila, magiging masaya kapag nangyari din to sa kanila.  Shems, sana hindi sila makapunta sa kwarto ko. punong puno ata nang merch yun. 

''A'tin talaga si Y/N tignan mo ginawang design ang lightstick.'' sabi ni Stell nang makita niya sa sala na may dalawang lightstick yung version 1. yun ata ang una kong binili nung hindi pa ako nagwowork sa kanila. 

yung design kasi nang sala ko. mala blue, bumili kasi ako nang LED lights na color blue. So... ayun muka siyang talagang SB19 inspired design, Hindi na naman ako nahihiya, nakakaproud kasi satisfied ako sa kinalabasan nung pinaplano ko talaga. 

''Sana sinabi mo para nabigyan kita nang lima pa. Nakatambak lang yan sa bahay.'' sabi ni Ken. May supply nang merchandise, Tinatry ko na kumpletuhin lahat nang merch, syempre investment naman yan. Tska feeling ko naman, in the future magagamit ko din. 

''Hindi na kailangan. Madami akong supply niyan sa kwarto.'' biro ko. Hindi naman ako magsusupply. Baka battery ang kailangan ko. Madali kasing mawalan nang battery ang Lighstick lalo na yung version 2. Yung nasa kwarto ko, doon naka display yung version 2 ko. Dito sa sala yung version 1. 

''Madami naman palang supply. Pero dagdagan natin.'' biro din ni Stell. 

''Aish. Wag niyo nang asahan na ipapakita ko sa inyo yung kwarto ko. Baka magulat na lang din kayo.'' sabi ko. Medyo.. mas lamang si Josh na posters ang nasa kwarto ko, Pero syempre may standee ako nang silang lima. Grabe pala ang pagfafangirl ko eh. hindi ko inaasahan na grabe ko sila kung suportahan. 

''At dahil nagparinig ka. Pasilip nga.'' sabi ni Sejun. Ang kukulit talaga nang mga to. Parang mas matanda pa ako. Parang mga sixteen years old lang ang kausap ko.

''Hindi.'' maawtoridad kong sagot. ''kala ko ba manlilibre si Jah? Order ka na Jah.'' pag-iiba ko nang usapan. Masyado silang curious sa bahay ko, baka kung ano pa ang makita nila. 

''Bakit hindi pala kasama yung ibang staff? Mukang kasya pa naman sila dito.'' sabi ko. Malaki pa pala ang space nang bahay ko. Pwede ba kaya pa mga limang tao pa. 

''May mga pupuntahan daw eh.'' sagot ni Ken at umupo sa sofa, kanina pa kasi sila nakatayo. 

''Umupo na muna kayo.'' saad ko sa kanila. Agad naman silang sumunod maliban kay Justin. Baka oorder na ang lalaking to. Kakain ko lang pero gutom nanaman ako. ''Justin. oorder ka na ba? Connect mo muna sa wifi ko. Bigay ko password.'' sabi ko at agad naman niyang ibinigay yung phone niya. 

After 10 minutes na pakikipag-usap niya sa pinagorderan nila, umupo na din siya sa sofa. Buti nalang pala medyo malaki yung sofa na binili ko, kasya sila. walang uupo sa sahig. 

''Nakaorder ka na?'' tanong ni Sejun kay Justin sumagot naman kaagad si Justin. 

''Oo. Pineapple with pizza.'' birong sagot niya. langya parang napanood ko yun sa isang vlog nila, inulit nanaman niya. nagpipigil akong tumawa dito. 

''Baliw. Pineapple with Pizza pa nga. Ewan ko sayo Jah.'' sabi ni Stell kay Justin. Si Ken naman tawa nang tawa. mukang bentang benta sa kanya ang joke ni Jah. 

''Aish. Buti pa si Ken sinusuportahan ako.'' Maawtoridad nitong sagot kay Stell.  Si Josh parang hindi pa naiimik ah. 

''Guys. May softdrinks dyan sa ref, baka gusto niyo. wag kayong mahiyang kumuha.'' sabi ko. Ako na mauuna, gustong gusto ko nang inumin yung binili ko. 

''Sige sige. pagdating nalang nang pagkain tska na nalang kami kukuha.'' sabi ni Josh. Aba naimik na siya. Kanina ko pa kasi napapansing tahimik eh. 



Ilang oras na ang nakalipas, dumating na yung order namin, narinig ko kasi na nag doorbell na. Makapag face mask nga. baka makilala pa ako nang mga tao kapag lumabas ako. 

''Ito na po yung bayad. Salamat po. Ingat po kayo!'' sabi ko sa nag deliver. Matagal yung delivery, baka sa kabila pang lugar kasi walang available dito. Pumasok na ako sa condo unit ko at nakita ko naman na busy sila. Binigay ko na muna ung wifi pass ko sa kanila, kasi para hindi sila mabored dito. 

Inaaproach naman ako ni Josh, sinalubong niya ako at kinuha niya yung mga dala dala ko, may libreng softdrinks pa to, Yayamanin talaga si Justin. 

''Tulungan na kita dyan.'' bulong niya pa. baka langamin kami dito, Sobrang effort nang taong to. 

''Sige.'' sabi ko. ''Lapag mo nalang dyan. Okay na yan.'' sunod ko pang utos sa kanya. Paano kaya kakasya to? Ang liit lang nang lamesa ko. Aish. Kinuha ko yung isang foldable na table ko at itinabi ko sa dining table ko. buti nalang same height lang. 

''Hindi pa ba kayo gutom?'' tanong ko sa kanila. Kalat sila ngayon sa living room ko, May bahid na ung bahay ko nang SB19. feeling ko gusto ko lagi sila dito, pero at the same time, wag na lang kasi baka paghinalaan ako. 

Delikado ang estado ko. kapag nalaman nang management na Josh and I has something. Hangga't maari, I need to.. we had to keep this connection secret. 

......
Hello! For those who are reading my stories. Don't forget to vote and leave a comment for the engagement of this story!

Enjoy Reading😊

My Charismatic Love ✔ [SB19 JOSH]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon