57

116 3 0
                                    

Josh's POV. 

Masaya kaming bumaba nang backstage nung matapos namin ang event. Syempre excited na din akong makita ang girlfriend ko. hindi ko na siya masyadong naaninag kanina, kasi naka focus ako sa pagpeperform nandun naman si Teacher, Mababantayan naman niya si Y/N. Pero laking gulat ko nalang nang pagbaba namin, hindi ko na natanaw si Y/N. nasaan siya? Inilinga ko ang mga mata ko, baka kasi nasa ibang side nang backstage pero wala. 

''Nasaan si Y/N?'' Tanong ko sa ibang staff. May nangyari ba? Wala din si Teacher, Magkasama sila? Nasaan na yun?

''Kaya nga, Nasaan na si Y/N?'' Nagtatakang tanong ni Stell. yung mga staff parang malungkot yun itsura nila. May masama bang nangyari kay Y/N? Bakit kasi nawala yung tingin ko sakanya kanina eh. 

''Josh, Kumalma ka.'' Sabi sa akin ni Ate Rappl. Hindi ko na kasi mapigilang mag isip. Paano kung may nangyari hindi maganda kay Y/N. 

''Nasaan po nga siya? Kailangan ko siyang makita.'' Nag aalalang tanong ko. 

''Nasa Ospital si Y/n.'' maiksing sagot ni Ate Rappl. ''HIndi siya makahinga kanina, Kaya dinala na ni Ms Hong sa ospital.'' paliwanag pa nito. 

''Saang hospital siya?'' Hindi ko na mapigilan ang mataranta. 

''Sa may St Bernado Hospital.'' Sagot sa akin ni Ate Rappl. Bigla nalang ako tumakbo at pumara nang taxi. hindi na sumama yung ibang miyembro. susunod nalang daw siya mamaya. 

''Manong sa St Bernado Hospital po.'' saad ko. Sa likod ako dumaan para hindi ako mahabol nang fans, Baka kasi mahuli pa ako nang dating. 

Nandito na ako sa ospital kung saan siya naka confine. 

''Miss. (Full Name). Anong room?'' Tanong ko sa nurse na nasa front desk. 

''Room 104 po. Second Floor.'' Sabi nito. Buti nalang hindi ako nakilala nung nurse. Akala ko dapat mag mask pa ako eh. Nakita ko siya sa room na yun. Parang delikado ang kalagayan niya. may lumabas na doctor at tinanong ko na kung anong nangyari sakanya. 

''Doc. Kamusta na po ang pasyente?'' Tanong ko. Nanginginig ang buong kalamnan ko sa kaba. Hindi ko alam kung anong gagawin ko ngayon. 

''She needs urgent surgery now. Tinatawagan na namin ang doctor niya para mapuntahan siya dito. Buti nalang at nadala siya kaagad, kasi kung hindi yun ang magiging sanhi nang pagkamatay niya.'' Saad sa akin nang doctor. Shit. wag naman po sanang  ganun. 

''Sige po salamat doc.'' Sambit ko at umalis na siya sa harapan ko. Nasa ICU siya hindi ko siya pwedeng malapitan. Tanging mata ko lang ang makakakita sa kanya at hindi ko siya pwedeng hawakan. 

Mahal na mahal kita Y/N. kumapit kalang.

''Josh...'' Tawag sa akin ni Teacher. ''She will be okay.'' sabi niya at tinap niya yung balikat ko. Iniisip ko. Paano kung---- Shit hindi pwede. 

''I want to hold her. I want-- I want to kiss her.'' Sabi ko pa at hindi ko na mapigilang umiyak. Bakit kasi hindi ko siya tinignan kanina, edi sana okay na siya kanina pa. 

''Soon. when she recover.'' Sabi pa ni Ms Hong. Hindi ko siya kayang makita na mag isa dito. Gusto ko palagi ko siyang nakikita. Gusto ko siyang bantayan. 

''Dre! Ano na? Okay lang ba si Y/N?'' Nakita kong tumakbo si Stell papunta sa akin. ''dre, magiging okay lang siya dba?'' Tanong pa nito. 

''Kailangan niya nang operahan. Masyado nang malaki ang nakabara sa puso niya.'' Sabi ko pa. 

''Okay lang yan Dre. Kaya yan ni Y/N. siya pa ba! lalaban yan'' may pagkalungkot sa tono niya. Ako din nalulungkot ako kasi nandoon siya. Alam ko naman na pagkatapos nito. hindi na siya mahihirapan. Kapit lang Y/N. 

''Dre tubig ka muna.'' Sabi sa akin ni Ken at inabot sa akin yung isang water bottle. ''Maging matatag ka para kay Y/N. ikaw ang kinakapitan niya ngayon.'' Sambit pa nito at tinap niya ang balikat ko. Alam ko... Magiging matatag ako para sa kanya. 

''Sabihin mo lang kung anong kailangan. Handa kaming tumulong. Di ba mga dre?'' Sumang-ayon naman ang lahat sa sinabi ni Justin. 

''Salamat dre.'' Tangi ko nalang nasabi. 

''Wala yun. Para sa inyo ni Y/N, Okay lang'' Sabi pa ni Justin. The best talaga ang mga ka grupo ko, Wala na talagang makakatulad sa mga to. 

''Dre. Sama ka ba? Kain muna kami sa foodcourt sa baba.'' Inaya ako nila Ken. Ayaw ko pa, hindi ako busog. plus walang mag momonitor kay Y/N. baka kung ano pang mangyari. 

''Hindi na. Babantayan ko nalang muna si Y/N.'' sambit ko. At umalis na muna sila at akon naman nakatayo lang tinitigan ko siya. 

Y/N... pagaling ka ah. After nang surgery, magiging okay na din ang lahat. makakahinga ka na din nang maayos. Makakapamuhay ka nang normal. 

May doctor na pumasok sa kwarto na niya. hindi ko na napigilan ang sarili ko na tanungin kung anong gagawin sa kanya. kasi inilalabas na siya doon. 

''Doc. Ooperahan na po ba siya?'' Tanong ko sa doctor. Parang anytime, gusto ko nang yugyugin si Y/N. magising lang siya dyan. minsan iniisip ko baka tulog lang siya. pero hindi. She's in pain. 

''Yes. Kailangan na siyang operahan. Gagawin namin ang lahat, maging successful lang ang operation niya.'' Paniguradong sagot nila sa akin. 

Sana maging successful ang operation. Y/N kaya mo yan. Lumaban ka ah, wag kang bibitaw. puso lang yan kaya mong labanan yan. Kailangan pa kita. 

''Lumaban ka ah.'' Bulong ko na lang nang makita ko na siyang dadalhin sa operating room. Kaya mo yan Y/N.

 Mahal na mahal kita! Sobra! 

......

Hello! For those who are reading my stories. Don't forget to vote and leave a comment for the engagement of this story!

Enjoy Reading😊


My Charismatic Love ✔ [SB19 JOSH]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon