Lumabas ang ang doctor na nagdala sa kanya sa operating room. Agad akong tumakbo papalapit sa kanya.
''Doc, Kamusta naman po yung operation?'' Nag aalalang tanong ko. Sana okay lang, sana successful.
''Successful Operation. Ang kailangan niya nalang ngayon is rest.'' Sabi nang doctor sa akin. May kung anong saya ang nadama ko.
''Thank you doc!'' Alam niyo yung gusto kong yakapin si Doc sa sobrang saya ko. Makakasama ko pa ang mahal ko! Napatalon nalang ako dito. Aantayin ko nalang siyang magising.
Nakita ko namang naimulat na ni Y/N ang mga mata niya pero hindi pa siya ganun masyadong nagsasalita dahil nga siguro bago pa siyang opera. parati ko siyang binibisita, pwede naman na kasi nasa normal room na siya. wala na siya sa ICU. Masaya ako na okay na siya ngayon.
3 weeks later...........
''Saan punta mo?'' tanong sa akin ni Stell nang makita niya akong nakabihis. Pupunta ako kay Y/N. dadalawin ko siya. Binigyan kami nang management namin nang 1 week break dahil sa successful comeback at event last two weeks.
''Kay Y/N. Bibisitahin ko lang ulit.'' Masayang sambit ko habang nakatingin sa salamin. Inaayos ko yung sarili ko, para naman magmuka akong gwapo sa paningin niya kahit na medyo blurred pa ang vision niya pagkagising.
''Dre, sama ako!'' Bigla akong nagulat nang sumigaw si Pablo. Hayup talaga. Pwede naman siyang lumapit at sabihin yun. Sumunod naman si Stell kay Pablo. gusto nilang sumama. Pustahan mamaya yung dalawa nandito na sa taas.
''Walang aalis na hindi ako kasama!'' Sambit ni Ken at tumawa nang nakakaloko. ''Ako din! Ako na mag drive.'' singit din ni Justin. Ano pa nga ba? Makakatipid din ako na sasakay sa kotse ni Justin. Kaso nga lang para kaming mag eechanted kingdom. paano ba naman, Yung sa pag mamaneho niya para kaming nakasakay sa roller coaster.
''Okay sige!''Wala naman akong magagawa kundi ang umuoo nalang. At para hindi ko na kailangang mag mask at cap para makapagtago sa mga fans namin.
"All set! Tara na!" Bumababa na si Justin at pumunta na sa may garahe at inistart niya na yung sasakyan niya.
"Stell! Dali! Baka matraffic tayo niyan." Tawag ni Ken. Hindi pa ata tapos mag skincare ang lalaking to.
"ITO NA!" Sigaw niya mula sa itaas. Ang taas nang boses, rinig na rinig eh.
"Ang tagal mong bumababa." Rinig kong reklamo ni Pablo nang makababa si Stell."Guys, tama na nga. Pag uumpugin ko kayo eh!" Sita ko sa kanila, agad naman silang tumigil. Syempre, makinig sila sa nakakatanda sa kanila.
"Gagalit na si Lolo Josh niyo!" Narinig kong sabi ni Justin nang makapasok ako nang kotse. Nasa front seat ako. Sa tabi niya.
"Isa pang lolo. Ilalaglag kita" sabi ko sa kanya. Agad naman siyang tumikom. Ang daming side comments, di na naubusan eh.
"Ayaw niyong dumaan nang Coffee shop? May dunkin dyan, magdala na din tayo nang donuts." Suhetsyon ni Pablo.
"Sige! Daan tayo!" Sabi ni Ken. Talagang basta pagkain naeexcite siya eh.
"Drive Thru nalang? meron naman siguro." Singit ko sa pag uusap nila.
"Meron yan. Dunkin pa ba!" Sambit pa ni Pablo. Isa kasi yun sa mga endorsement namin.
"Ay ayan. Hindi na natin kailangang bumababa." Sabi ko pa.
"Miss isang dark choco, tapos isang dosena nang dunkin donut. Yun lang salamat!" Sambit ni Justin sa machine.
"OMG! SB19!" Nagulat ako sa tilian nang mga babae sa cashier. So fan pala sila, Ayus.
"Ay Hello po!" Sabi pa nung isa. "I received one thousand pesos." Nagfocus na siya.
"Keep the change na po. Salamat!" Sabi ni Justin. Aba kakaiba, talagang richkid ang lalaking to.
"Sa last counter niyo na po kukunin yung order niyo." Sabi nang kahera, agad naman kaming nag proceed sa last counter at ibinigay na sa amin yung order namin.
"Kung saan saan nakarating yung mga fans natin ah. Buti hindi tinanong sayo kung nasaan si Y/N." Sabi ni Pablo. Oo nga naman, kapag siguro tinanong yun. Baka hindi ko masabing nasa ospital siya eh. Baka mag cause lang ako nang pag aalala nang iba.
"Ayos lang yun. Less information." Sabi ko pa.
"Nandito na tayo." Sabi ni Justin nang magpapark na siya, ilang segundo pa ay napark niya na ang sasakyan niya. "Sabay na ba tayong aakyat? O una na kayo?" Tanong sa amin ni Justin.
"Sabay na. Baka maligaw ka pa dyan," Sabi ni Stell sa amin.
"Sige. Tara na!" Aya ko sa kanila. Pumasok na kami sa ospital, sabi ni Teacher, nalipat siya nang kwarto eh. Sa second floor pero sa kabilang room. Room 103 ata. Naka private para walang tao, walang makakakita sa amin.
Sumilip ako sa may uwang sa pinto at nakita ko si Ate Rappl. Siya ang nagbabantay, hindi daw kasi makakapunta ang pamilya ni Y/N. Kasi may aasikasuhin. Kaya sa akin muna siya pinagkatiwala.
"Uy Nandito na pala kayo." Bati sa akin ni Ate Rappl. "Labas muna ako. Kayo muna dito," paalam nito sa amin at lumabas na.
"Kamusta ka naman Y/N?" Tanong ni Stell at umupo siya sa may side nang kama.
"May dala kaming donuts! Pwede ka naman siguro sa sweets dba?" Sabi rin ni Pablo. Or hindi kaya dapat fruits ang dapat dinala namin.... Aish, hayaan na nga nandyan na eh.
"Oo naman. Sino ba namang aayaw sa sweets?" Sagot niya. She' back. Yung pagiging masiyahin kahit na supladang Y/N.
"Wag mong sabihing pipigilan mo ako sa pagkain nang sweets. Josh?" Sabi nito sa akin at umayos siya nang pagkakaupo niya sa hospital bed. "Ano bang flavor meron dito?" Kinuha niya yung box na nakalagay sa may coffee table.
"Ayun fav ko! Choco Butternut!" Masaya niyang sambit. Grabe, donut lang pala ang magpapabuhay sa babaeng to.
"Paano bang ginawa sayo?" Nag ibang topic siya, Si Ken Haynako talaga. Sige nga papaano niya malalaman kung wala siyang malay nun.
"Dre. Sana okay ka lang." Singit ko kay Ken. "Paano niya malalaman kung wala siyang malay doon?" Sabi ko pa at napa smirk nang kaunti. Haynako Ken.
"Sabi ko nga!" Sagot ni Ken sa akin at natawa naman siya. Minsan talaga out of this world si Ken eh. Magugulat ka nalang ang dami niyang sinabi. Pero wala kaming nagets.
"Guys, since nandito na kayo. Maglaro nalang tayo. Who's most likely too." Suhestyon ni Y/N. Namiss ko talaga ang mahal kong to. Yung kakulitan niya, yung pagiging productive niya.
"Sige. Ako una!" Nagpresinta si Ken. Nako, mukang mapapahamak tayo sa tanong nito ah. "Sino ang pinaka camera man." Proud pa siya sa tanong niya. Di ko naman nagets.
"Ha? Sinong pinaka camera man? O sino palaging taga picture mo?" Savage. Ang galing talaga mambara ni Stell, hirap makipagtalo eh. Kahit ako, hindi ako makaubra kay Stell.
"Okay change na. Sinong pinakamahal ni Y/N?" Si Pablo ang nagtanong. Tinatanong pa ba yan? Syempre ako!
"Ako!" Nagulat sila sa pagsagot ko. "Hindi ba ako?" Sabi ko pa at napakamot sa ulo ko. Mukang duda sila ah.
"Mali. Tayo kayang lahat, ano ka sinuswerte?" Singit ni Justin sa mga sinabi ko.
"Okay fine. Di na ako makikipagtalo." Sumurrender na ako. Wala na akong kawala sa mga pinagsasabi niya.
......
Hello! For those who are reading my stories. Don't forget to vote and leave a comment for the engagement of this story!Enjoy Reading😊
BINABASA MO ANG
My Charismatic Love ✔ [SB19 JOSH]
Fanfic𝕊𝔹𝟙𝟡 𝕁𝕆𝕊ℍ×ℝ𝔼𝔸𝔻𝔼ℝ Being a PPOP idol is not that easy, undergoing hard training to keep their career, and one of the agreements is not having a girlfriend or dating someone during the duration of their career. What if an ordinary fangirl ju...