55

132 3 1
                                    

Uminom ako nang gamot bago ako aalis nang bahay. Sabi kasi nang doctor, kung gusto kong gumawa nang mga activities, inumin ko yung gamot na binigay niya. Nasa baba na si Kuya Yuri, Susunduin na namin ang boys, I'm sure na naka ready na sila. 

''Hello Y/N!'' masayang sambit sa akin ni Justin, bakit bumababa na sila kaagad? Shit, oo nga pala, bawal ako mapagod, hindi ko kaya nang umakyat sa mataas na floor na yan. Takte, Sagabal talaga sa trabaho tong sakit na to. 

''Bumababa na pala kayo.'' Sabi ko. Medyo dissapointed ako, kasi naman trabaho ko ang manundo at sundan sila kung saan nila gusto, pero ngayon. sila na ang gumagawa. ''Tulungan ko na kayo dyan sa mga maleta na yan.'' Nang akma kong bubuhatin  yung isang maleta ni Stell, pinigilan na agad ako nito. 

''Teka lang Y/N. makakasama sayo yan, Ako na.'' Sambit niya. Takte anong gagawin ko? Bawala kong mapagod, ayaw ko namang mag resign, masyado na akong napalapit sa kanila, lalo na kay Josh. 

''Trabaho ko dapat yan eh... Nakakainis naman tong pusong to'' Iritang sabi ko at napapadyak nang mahina. Bigla naman akong inakbayan ni Josh, itong lalaking to, napakahilig nalang sumulpot sa kung saan saan. 

''Letse naman Josh o. Alam mo namang puso ko ang nakasalalay dito, Tapos ganyan ka pa.'' iritang sagot ko sakanya. Kasi naman, alam niya naman na may sakit ako nagawa pa akong gulatin. 

''Okay sorry na.'' Sabi niya at hinalikan ako sa noo. Walangya talaga tong lalaking to o. Pasalamat ka marupok ako sayo. Aish, Ganto ba talaga kung talagang sobrang mahal mo yung tao. You can't let go of that person. 

''Nako, Away pa kayo dyan. parehas lang naman kayong marupok!'' Nang aasar na sambit ni Ken sa amin, 

''Ang bitter mo Ken, Hanap ka na din kaya nang sayo.'' Sita ni Stell sa kanya. Aish, Parang mga bata. hindi na tapos sa bangayan. 

''Oy pumasok na kayo sa van. Hinahanap na din kayo ni Ms Hong sa venue.'' utos ko sa kanila. agad naman silang pumasok sa van, nang maipasok lahat nang mga maletang naglalaman nang mga gamit na gagamitin nila para mamaya. 

''Kamusta naman ang puso mo Y/N?'' Tanong sa akin ni Pablo nang makasakay kami nang van. Hindi ko alam kung sasabihin namin ni Josh na parang nanganganib ang buhay ko dahil sa surgery na yun. pero kung sakali man na maging fail ang surgery. 

''Ayun, sabi nang doctor kailangan kong mag pa surgery, next month. Naka schedule na.'' Sagot ko sa kanila, tahimik lang si Josh, Pero alam ko naman na nag iisip na tong lalaking to. Grabe mag alala si Josh sa akin. para akong bata. parang sinasabi lahat nang bawal, para ko siyang magulang, pero okay lang. kasama naman sa character niya ang pagiging mahahalahanin. 

''At sabi nang doctor, magpahinga siya para maging malakas siya, pero wala. Pinilit niyang sumama dito kasi nga bago siya operahan. Gusto niya tayo makitang mag perform.'' Sumabat si Josh. Grabe naman to, Talaga bang ganun ako kakulit?

''Eh? Wala naman din akong gagawin sa bahay. Trabaho lang din naman, Edi sasama nalang ako dba?'' Sabi ko pa. Nag agre naman ang mga miyembro. 

''Okay. Basta wag mo masyadong pagurin ang sarili mo.'' Sita niya pa sa akin. Hindi naman ako sure sa mga mangyayari sa akin mamaya. pero sana maging okay lang ako. baka mapaaga pa ang surgery ko nang di oras. lIntek na puso to.  Hindi ko naeenjoy sumula nang magkaroon nang paninikip sa puso ko eh. 

''Hindi naman siguro ako mapapagod kung uupo lang ako at mag aayos nang gamit niyo dba?'' May sarkastic sa tono ko, Hindi ko alam. Minsan kasi nagiging OA na tong Josh na to. Pero kasalanan ko bang ganyan siya mag care? Hindi din, Ang cute niya lang magalit kaya lagi kong siyang binubwisit. 

My Charismatic Love ✔ [SB19 JOSH]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon