Lumabas ako nang office. Nakita ko naman na parang yung mga boys, nalulungkot sila. Si Stell naririnig ko na tinatawag ako. Pati si Pablo."Y/N!" Tawag sa akin ni Stell.
"Y/N!" Tawag din sa akin ni Pablo na umalingangaw sa dinaraanan ko.
Saan ba ako pwedeng tumambay at umiyak?
"Anong nangyari?" Isang boses na nagtanong. Si Stell, hinabol niya ako. Isipin mo yun, ganun pala ako kaimportante sa kanila.
"W--Wala na kami ni Josh." Putol putol na sinabi ko.
Isa lang naman akong PA na kailangang magtrabaho sa pamilya, pero hindi ko naman akalain na... maiinlove sa akin ang lalaking iniidolo ko.
"Ha? Paano? Bakit?" Hindi makapaniwalang tanong nito. "Teka tatanungin ko siya, mag usap kayo nang maayos Y/N." Nang akmang tatayo siya, hinawakan ko yung kamay niya para pigilan siya.
"Ako--Ako ang nakipaghiwalay sa kanya. Kailangan Stell, kailangan kong gawin yun." Sabi ko pa. Hindi ko alam kung bakit biglaan akong nagdesisyon pero, alam ko na dapat tigilan ko na.
Kailangan na naming tigilang dalawa.
"Mahal na mahal ka ni Josh..." Sabi pa ni Stell, Shit. Alam kong mahal niya ako. Pero choosing me over his career? Hindi kaya masyado na akong masamang impluwensya sa kanya?
Ilang years silang nag training tapos doon lang mapupunta? Dahil naging kami, yun pa ang magiging dahilan nang pagbaba niya. No, hindi ko kaya.
"Alam kong mahal niya ako. Pero kung ako na ang sisira sa pangarap niya, hindi kaya napakasamang impluwensya ko sa kanya? Hindi ko kaya Stell," pag amin ko sa kanya at pinunasan niya yung mga luha ko.
"Hindi naman paghihiwalay ang solusyon eh. Pwede niyo pa namang pag usapan Y/N."
Gusto kong yakapin ngayon si Josh. Kasi sobrang hirap sa amin na gawin to. Isipin mo yun, tatlong taon kaming nagtago sa mga tao, tapos ito lang ang kababagsakan namin.
"Talaga bang hindi na to maayos Y/N?" Tanong ni Stell sa akin. Hindi ako makasagot, siguro naiyak ko na lahat nang luha ko. Shit talaga!
Mahal na Mahal kita Josh, at hindi ako nagsisi na nakilala kita...
"Kailangan ko na siyang pakawalan. Lalo na ngayon na... sumisikat na kayo?" Pinilit ko pang magdahilan.
"Dito ka pa rin ba magtratrabaho?" Medyo malungkot yung tono niya. Kaya ko naman siguro? Oo. Kaya ko.
"Oo naman. Kayo pa ba? Eh malakas kayo sa akin." Napangiti si Stell, pero alam ko na malungkot pa din siya sa nangyari sa amin ni Josh.
Soon Josh, makikita mo yung epekto nang pakikipaghiwalay ko sayo. I know it's worth it.
"Kaya mo bang tumayo?" Tanong niya sa akin nang akma na akong tatayo, inalalayan niya naman ako.
"Salamat."
Kung... sakali bang wala na kami ngayon, At mananatiling kaibigan para sa trabaho. Hindi kaya ang nakakailang yun? Hayaan mo na nga. Aish, magiging maayos din ang lahat Y/N.
BINABASA MO ANG
My Charismatic Love ✔ [SB19 JOSH]
Fanfic𝕊𝔹𝟙𝟡 𝕁𝕆𝕊ℍ×ℝ𝔼𝔸𝔻𝔼ℝ Being a PPOP idol is not that easy, undergoing hard training to keep their career, and one of the agreements is not having a girlfriend or dating someone during the duration of their career. What if an ordinary fangirl ju...