45

125 4 0
                                    

''Ito nalang gusto ko yung Lucky Me'' turo ko sa kanya nang makarating kami sa isang stall sa may ministop. Bet ko yung hot cheese ramyun. 

''Sige, Kuha ka nga nang kimchi doon.'' utos niya. Ako naman tong naglakad papunta sa kabilang stall. 

''Ito na,'' bumalik ako sa kanya at inilagay ko sa basket na hawak niya. ''Drinks? Ay wag na pala. may softdrinks pa sa condo ko. Okay na yan.'' Sabi ko pa. 

''Okay na to? Wala ka nang gustong bilhin?'' pilit niya pa. Nagsasawa na din ako sa mga instant foods. ''May binili akong rice cake. Ako nalang din ang magluluto.'' sabi niya at ipinakita pa sa akin. Eh sila nag eendorse nito eh, yung yopokki. 

''Psst Josh. Dba may bagong nirelease kayo na Shortfilm. panoorin natin since wala ka naman ding gagawin sa bahay ko.'' Suhestyon ko sa kanya. 

''Sure ka? Hindi mo pa ba napapanood nang buo yun? Eh dba kasama ka sa making film nun.'' sabi niya pa. Mukang ayaw niyang ipapanood yung film na yun ah. 

''Ayaw ko panoorin kasi walang thrill kung wala akong kasama. Mag isa lang ako sa condo dba? gusto ko kapag nanonood ako may kausap ako.'' palusot ko pa. Hindi ko naman kasi alam na darating yung araw na ako at si Josh lang din pala ang makakasama ko na manood nang mga ganito. At shortfilm pa nila. Kasama ko yung mga actor doon ah. 

''Sige na nga, Hindi ako makahindi sayo.'' Sabi niya pa. Tapos na kami magpa-cash. Ako naman sinubukan kong bitbitin kasi hindi naman mabigat yung mga pinagbibili namin. 

''Akin na yan, Mauna ka na at buksan mo na condo mo.'' utos niya sa akin at ako naman tong umakyat na para mabuksan yung gate nang condo ko. Pero yung mismong pinto, nilagyan ko nang stoper, para hindi sumara.

Ilang minuto lang ay nakarating na din siya sa harap nang condo ko. Kinuha ko naman yung mga paper bag na hawak niya.

''Ikaw ba talaga magluluto niyan? O ako na?'' pagsisiguradong tanong ko sa kanya. ''Ako na kaya, Instant lang naman yan.'' ako na. Baka sabihin niya bahay ko to, pero tatamad tamad ako.

''Ako na lang.'' sabi ko at nagsimula na akong magsalang nang mainit na tubig. Dinamihan ko para sa cup noodles tapos... yung matitira para doon sa pinakuluan ko, para doon ko nalang din lutuin. 

''Set up ko nalang yung TV mo.'' presinta niya at umupo nalang siya sa sofa at ako naman tong hindi ko alam kung paano ko pakikisamahan ang lalaking to.

Naisip ko lang, Napanood na kaya niya yung mga dati pang vlogs nila bago sila sumikat?

''Ano nga ulit yung title nang shortfilm namin?'' Sinubukan niyang inaalala. 

''Ex-mas. yun ang title.'' Sabat ko, nginitian niya naman ako. Alam ko naman na ayaw niya talagang panoorin muna kasi nacringe siya sa mga acting doon. pero maganda naman yung kinalabasan, Natutuwa lang ako sa kanila nung behind the scenes.

''Umupo ka na dito. Mukang ready na yang niluto mo.'' aya niya sa akin. Tumabi naman ako kaagad sa kanya at siya naman tong nauna nang kunin yung pagkain na hawak ko. 

''Ayaw mong magkanin? May kanin pa doon o.'' sabi ko sa kanya, hindi naman siya umimik. Nagisisimula na yung pinapanood namin. 

Simula palang, si Jenny na ung nakita ko. Ang ganda niya. Parang sobrang perfect nung role para sa kanya. Yung simple lang pero ang ganda. Shucks, Paano maging maganda katulad niya. 

''Sana sumama ka din sa pagpigil kay Ken.'' Sabi ko. Hindi naman ako yung script writer pero kasi naman, maganda siguro kung isa siya sa papagitna sa away. Ship ko ang Joken. Kaya ko sinabi yun. Mahahalata kaya niya?

''Sabi nang direktor tignan ko lang daw yung dalawa habang inaawat ni Stell at Justin eh.'' Sabi niya at sumubo nung noodles.

''Sayang, Sana naging supporting cast ka.'' singit pa nito. Aish, Hindi ako bagay dyan. Ang ganda ni Jenny ako muka lang akong normal na taong napadaan sa set niyo. 

''Hindi na. Kita mo ba yan? Ang ganda ni Jenny, para niya akong yaya.'' Sabi ko. At natawa naman siya at tinignan ako.

Pinitik niya ako sa noo. ''Baliw. Ang ganda mo kaya. kaya nga kita nagustuhan eh.'' Sabi niya pa at hinawi yung buhok ko nakaharang sa may muka ko. 

''Nang-uto pa nga.'' Sabi ko at inirapan ko siya. 

''Seryoso nga, Kaya nga kita ginusto kasi kahit maganda ka, binase ko lang din sa katangian mo.'' Sabi niya pa. Hindi ko matago yung kilig ko. 

''Okay, Focus na nga sa pinapanood. Baka makalimutan kong nanonood tayo dito.'' sabi ko at humarap na sa TV. 

''Gusto mo bang maging cast sa mga future projects namin? Kausapin ko si Tatang about dyan.'' sabi pa ni Josh.

Ha? Hindi na. Hindi naman ako magaling umakting. Baliw talaga tong lalaking to.

''Baliw talaga. Manahimik ka na nga lang dyan.'' Sita ko sa kanya, at nagpatuloy na kami sa panonood.

.....

Hello! For those who are reading my stories. Don't forget to vote and leave a comment for the engagement of this story!

Enjoy Reading😊


My Charismatic Love ✔ [SB19 JOSH]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon